Charm's POV;
"Ano nanaman ba pinagsasasabi mo?" kabado kong pagkakasabi at tumawa lang siya hanggang sa makalapit sakin.
"Hold my hand"
"Why should I?"
"Ano ba yan napaka suplada naman nitong master ko" bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila ako papalabas ng sound room. Nadaanan namin ang music room at todo palakpakan naman ang mga ka band mates niya. Including Ezei, Kard, Jeyse and Laxus.
"Oi Tyzon! Ingatan mo yang bestfriend ko ah! Pag nalaman ko lang na pinapaiyak mo yan, ako mismo babawi sa kanya" luh ano ako laruan para bawiin? Ezei naman eh parang tanga.
"Ang sweet niyo naman, sanaol!" Sigaw ni Kard at tumawa kaagad sila.
"Sanaol may jowa, sanaol mahal! Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay!" Kanta ni Jeyse at nagsitawanan nanaman sila.
Si Laxus ay nakinig lang sa mga sigawan habang naka pamulsa, kelan ko pa kaya maririnig boses niya?
"Mga ulol! Palibhasa wala kayong mga lovelife!" Tawang sabi ni Tyzon at natahimik ang apat maliban kay Kard.
"Ops may jowa ako pano ba yan, boundary kuys" nag action pa na parang may harang si Kard sa paligid niya. Ganito ba talaga sila mag usap lima? Parang mga tanga.
Naka alis na kami dun sa pwesto ng apat at dumiretso na kami sa parking area at pinagbuksan niya kaagad ako ng pinto.
"Kaya ko namang buksan ang pinto"
"Kaya mo pero gusto ko" nanahimik nalang ako at umupo ng maayos.
Mabilis lang ang biyahe naka balik na kami sa dorm at nagtataka lang ako kung bakit dito niya ako dinala. Naiihi ba siya? Sa totoo lang ayoko pang umuwi dito kaso wala na hinila niya na ako eh.
"Kala ko naman kung san mo ko dadalhin, grabe ka kasi kung maka hila sa kamay ko"
"Don't worry master may dahilan naman kung bat kita dito dinala"
Pinaupo niya ako sa kama at agad siyang tumabi sakin, inakbayan niya ako at nagkatinginan nanaman kami sa isa't-isa. Ewan ko ba pero pag ganito na kalapit ang mga mukha namin feeling ko safe ako, feeling ko nasa harap ko na ang safest zone ko, unti unti nanaman bumabalik ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Heart kalma.
"Alam mo pag tinititigan kita ng ganito kalapit, feeling ko napaka safe ko" sabi niya at kita ko naman ang pag galaw ng adams apple niya. Tyzon, we just have the same thoughts.
"A-ako din" tinigilan ko ang sarili ko sa pagtitig sa mga mata niya at napatingin nalang ako sa bintana na nasa harap namin.
"Alam mo ikaw lang ang nagparamdam sakin nito, pag nandiyan ka ang saya saya ko, lahat ng problema ko nakakalimutan ko" mahinahong pagkakasabi niya.
Unti-unti nanamang namumuo ang luha sa mga mata ko, madali kasi akong maiyak sa mga serious and romantic situations.
"Hindi ko pinagsisihang mapunta sa room na ito, sa kadami dami ng vacant rooms ito ang napili ko at nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ikaw ang nandito, I think I already done my greatest choice in life" hindi ko na nakayanan ang mga sinabi niya, ang sarap sa puso, masasabi ko na talagang mahal niya ako kasi nararamdaman ko sa boses niya yun.
"Teka lang umiiyak ka?" Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" Dali dali niyang tinanggal ang pagkaka akbay sakin at kinuha sa bulsa niya ang isang panyo.
Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko at hinawakan niya ulit ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.
"Wag ka ng umiyak okay? Kakantahan muna kita bago ko ibigay yung regalo ko sayo" ngumiti siya ng napaka tamis at nag play siya ng instrumentals sa cellphone niya.
Lumipat muna siya sa kama niya na katabi ng kama ko kaya magkaharap na kami ngayon.
[NP; Make You Mine by: PUBLIC]
'Well, I will call you darlin' and everything will be okay
'Cause I know that I am yours and you are mine
Doesn't matter anyway
In the night, we'll take a walk, it's nothing funny
Just to talk'Ang sarap talaga sa tenga ng boses niya, ang kaninang nakaupo na pagkanta ngayon ay lumuhod na siya sa harap ko para magka pantay kami, sinabay niya sa chorus ang paghawak sa kamay ko at idinikit ito sa dibdib, na kung saan nakapwesto ang puso niya.
'Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine'"Uy tumayo ka nga para kang tanga jan, tayo na" tumayo na nga siya at nilahad naman niya ang kamay niya sa harap ko at tinanggap ko kaagad ito.
'Well, I have called you darlin' and I'll say it again, again
So kiss me 'til I'm sorry, babe, that you are gone and I'm a mess
And I'll hurt you and you'll hurt me and we'll say things we can't repeat'Isinakto niya ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko at kaagad naman na i-lock ang mga kamay namin. Habang nasa ganoong pwesto ang isang kamay ko ang isa naman ay inilagay niya sa balikat niya, ang isang kamay niya rin ay nilagay sa bewang ko, parang sumasayaw lang sa prom.
'Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine'Magkadikit na ang mga katawan namin at wariy sumasabay sa tugtog ang galaw ng aming mga katawan. Malagkit ang tingin ng aming mga mata sa bawat isa.
'You need to know
We'll take it slow
I miss you so
We'll take it slow
It's hard to feel you slipping (You need to know)
Through my fingers are so numb (We'll take it slow)
And how was I supposed to know (I miss you so)
That you were not the one?'Dahan-dahan niyang iniba ang pwesto ng mga kamay namin at agad akong hinila para yakapin sa bewang, dahil sa saya na aking nararamdaman niyakap ko narin siya sa leeg at ninakawan niya agad ako ng halik sa labi at bumalik kaagad siya sa pagkanta.
'Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine
Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
Oh darlin', darlin', baby, you're so very fine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you
La-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la'Natapos ang kanta at binigyan niya muna ako ng forehead kiss. Ang sarap makatanggap ng ganung halik, dahan-dahan niyang iniluhod ang isang paa niya at may kinuha na maliit na box sa bulsa.
TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG
Hinarap niya sakin ang box habang nakaluhod parin ang isang tuhod.
"T-tyzon..."
"Ayoko ng mapunta ka sa iba Charm, ayoko ng makita kang malungkot, ayoko ng mawala ka sakin, kaya Charm" dahan-dahan niyang binuksan ang box at isang singsing ang tumambad.
TUG DUG TUG DUG
"Will you be my boyfriend?"
"Please?"
TUG DUG TUG DUG
"Yes Tyzon Yes" agad nagsibagsakan ang mga luha sa mga mata ko at mabilis siyang tumayo at niyakap ako ng napaka higpit.
Ito na ata ang isa sa pinaka espesyal na araw ng buhay ko.
Iloveyou Tyzon Lim.
...
