Charm's POV;
Sa isang buwan ng paglimot parang hindi naman yun naging epektibo sa aking pag move on. Para bang niloloko ko lang ang mga tao sa paligid at pati narin ang sarili ko.
Sinasabi kong nakalimot na ako pero ang totoo naman ay nandito pa rin siya sa puso ko. Bakit ba kasi ganito?
"Nood ka ng laro ko mamaya ah, uuwi muna ako kasi hinahanap nanaman ako ni mama" ngiti at tango lang ang tugon ko sa nagpapaalam na Alec.
"Basta ha pumunta ka, ikaw pa naman ang lucky charm ko sa laro" automatic na napangiti ako dahil sa pagiging romantiko niya.
Actually nagkalakas loob yang si Alec na manligaw sakin pero nireject ko kaagad kasi ayoko siyang paasahin. Ngayon ay nandito parin siya nanatiling masaya kasama ko kahit hindi ko siya gusto.
Ewan ko ba kung bakit niya ginagawa to, pero sa totoo lang nagpapasalamat ako kasi nandito siya sa tabi ko nung mga araw na walang wala na ako.
"Oo na pupunta ako sa laro mo"
"Good! So uwi muna ako samin" tumango nalamang ako at patuloy na siya sa pag alis ng dormitory.
Naiwan na akong mag isa dito sa aking room kaya nag isip nalang ako ng paglilibangan. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipang mag play ng kanta, shuffle lang sa playlist ko.
[NP; Make You Mine by: PUBLIC]
Sa kadami-dami ng kanta sa playlist ko, bat eto talaga?
'Well, I will call you darlin' and everything will be okay
'Cause I know that I am yours and you are mine
Doesn't matter anyway
In the night, we'll take a walk, it's nothing funny
Just to talk'I was started to cry when I heard the first lines of the song. Sa tuwing naririnig ko ang kantang to, naaalala ko nanaman ang lalaking minahal ko. Sa bawat araw na lumilipas mas tumitindi yung pagkakamiss ko sa kanya. Kahit alam kong wala na, may part parin dito sa puso ko na hinahanap siya.
'Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine'Eto yung kantang kinanta niya sakin nung tinanong niya ako kung pupwede na ba niya akong maging kasintahan. Mas tumindi ang mga luha ko ng maalala ko nanaman ang mga nangyari nung araw na 'yun.
Flashback~
"Ayoko ng mapunta ka sa iba Charm, ayoko ng makita kang malungkot, ayoko ng mawala ka sakin, kaya Charm" dahan-dahan niyang binuksan ang box at isang singsing ang tumambad.
TUG DUG TUG DUG
"Will you be my boyfriend?"
"Please?"
End of flashback~
Nagsimula na akong magpunas ng mga luha matapos kong marinig ang kantang iyon. Bakit ba kasi hindi ko siya malimutan.
Hayst.
*knock* *knock*
Walang gana kong binuksan ang pinto, akala ko si Alec o si Ezeikiel ang pumunta pero mali ang hinala ko.
It's Shayne.
Bakit siya nandito?
"S-shayne?" Gulat kong saad.
"Charm I'm sorry" mahina niyang pagkakasabi, hindi ko siya ma gets bakit siya nag sosorry? Hinawakan niya ang mga balikat ko at dali-dali akong niyakap.
Wala man lang akong nagawa, nanatili lang akong nakatayo habang tulala sa mga nangyayari.
"Charm I'm sorry" she was crying on my shoulder and I don't know what's going on.
"B-bakit ka nag sosorry?" Tanong ko sa kanya habang siya ay patuloy lang sa pag yakap saakin. Gusto ko man siyang itulak eh nakikiramdam din naman ako sa dinaramdam niya. Halatang masakit ang pinagdadaanan niya, ramdam ko yun.
"Tyzon was in the hospital" kumawala ako sa pagkaka yakap nang sabihin niya yun.
"Anong sabi mo? Si Tyzon na ospital?"
"Na car accident siya, it was my fault for letting him do that. Ngayon ko lang na realize, kung gaano ko pala kagustong i push yung sarili ko sa kanya, yun naman din pala ang mas magpapahirap sa kanya" pati ako ay naiiyak na sa mga sinasabi ni Shayne.
"Pwede ko ba siyang puntahan sa ospital? Please Shayne... I really want to see him" pagmamakaawa ko at tumango tango kaagad siya.
"Kaya ako pumunta dito kasi ikaw ang kailangan ni Tyzon hindi ako. He was in coma since last week, hindi na namin alam ni tito at tita kung ano ang gagawin, so tito decided to take you to him. Kasi simula't sapul ikaw lang din naman ang nagbibigay ng sigla sa kanya. Now we're hoping na sana ikaw na ang magpapa gising sa kanya. We don't want to lose him Charm so please I'm so sorry hindi ko sinasadyang ibahin ang isip mo tungkol kay Tyzon. The truth is, mahal na mahal ka niya, ikaw at ikaw lang ang minahal niya ng sobra. Nasabi ko lang ang mga yun dahil naiinggit ako sayo, ako yung nagmamahal sa kanya pero ikaw yung mahal niya"
"Sorry Shayne"
"No, you don't have to say sorry Charm. Napaka kind person mo para saktan, ako dapat ang mag sorry dito. Sorry kung nasira ko ang trust mo kay Tyzon, sorry kung nasira ko ang relationship niyo, I'm so sorry" umiyak siya ng umiyak sa harap ko habang tinatakpan ng mga kamay niya ang sariling mukha.
"Let's go to the hospital" sabi niya nang matapos na siya sa pag iyak. Nagmadali naman kaming lumabas ng dorm at pumunta kaagad ng ospital.
Nakasalubong kaagad namin ang mama at papa ni Tyzon sa labas ng ICU. Kabadong kabado ako, hindi dahil nandito ang mama at papa ni Tyzon kundi dahil mismo kay Tyzon. Natatakot ako sa sitwasyon niya.
"You're here" malungkot na pagkakasabi ng mama ni Tyzon.
"Thank you for visiting my son" sabi ng papa naman ni Tyzon at tumango lang ako.
"Maaari ko na po ba siyang makita?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yes you may, ikaw talaga ang pinapapunta namin dito" sabi ng papa ni Tyzon.
Pumasok na ako sa ICU at nakita ko kaagad siyang naka higa sa hospital bed.
Nakakagulat ang pag bago ng itsura niya. 1 month palang kaming hindi nagkita pero malaki na ang pinagkaiba niya sa dati. Medyo humaba na ang buhok niya tas mas pumayat na siya.
Hindi ba siya kumakain ng maayos?
Umupo ako sa tabi ng hospital bed at marahan siyang pinagmamasdan sa mukha.
Unti-unting nagsi bagsakan ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko inaaasahang sa ganitong kalagayan ko siya makikitang muli.
"Gising na master..." pabulong na pagkakasabi ko. "Mahal na mahal kita, sorry kung nawalan ako ng tiwala sayo, sorry kung nasaktan ko ang damdamin mo. Totoong mahal na mahal kita kaya gumising ka na please" hinalikan ko ang noo niya at muling napa iyak ng todo.
Napa ayos naman ako ng upo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatay ni Tyzon.
"Charm"
"Yes po?"
"Pwede ba tayong mag usap?" Tango lang ang tugon ko sa tanong niya at lumabas na muna kami sa ICU para makapag usap, mama muna ni Tyzon ang nagbabantay sa kanya roon.
"Ano po yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sa mahinhin na tono.
"Tungkol ito sa relasyon niyo ni Tyzon" seryosong saad niya.
"P-po?"
...
![](https://img.wattpad.com/cover/220738655-288-k1860.jpg)