Charm's POV;
Araw na ng interview namin ni Tyzon para dun sa weekly news ng cuteboyshhu, ang filming place ay sa music room kasi alam niyo naman, leader ng for you itong katabi ko ngayon. Nakaka inis kasi purmadong purmado ang kumag tas ako naka university uniform lang, kakatapos lang kasi ng last subject ko.
"Ready na?" Tanong ni Xia at nag thumbs up lang ako.
"I'm always ready" sabi ng katabi ko at nag pandekwatro ng upo. Wow GGSS, pero sabagay gwapo naman talaga siya.
"Oh master manghang-mangha kaba sa kagwapuhan ko ngayon? Wag kang mag alala kasi iyong-iyo na 'tong lalaking 'to" inakbayan niya ako at naamoy ko nanaman ang manly scent niya.
Mas nakakagwapo ang lalaking mabango legit.
"Good day high hit students, Xia Vega on your screen and today we're going to have a cuteboys couple interview" It was an intro by Xia, actually siya talaga yung weekly news reporter dati kaso binigay sakin ang slot niya ng makitaan ako ng potential ng news department.
Masaya namang binigay sakin ni Xia ang slot niya kasi hindi niya daw ma manage ng maayos ang pag mo model at reporter. Kaya ayun I grab the opportunity at ngayon ako na ang weekly news reporter at siya naman ang writer.
"So guys eto na yung first question, How did you meet and what attracted you to eachother?" Napa isip ako ng sagot at bigla namang kinuha ni Tyzon ang microphone na hawak ko.
"Ako nang sasagot para samin ni Charm" hays buti naman at hindi master yung tawag niya sakin sa harap ng camera, dapat kasi stay formal infront of the camera. Last couple na nainterview ko na halos tawanan at harutan ay yung kina Xymie at Kard, grabe talaga yun napaka iconic.
"Nagsimula ang lahat dahil sa pagiging dormmates namin, I didn't expect na sa lahat ng students sa dorm siya pa ang makakasama ko sa iisang room, actually matagal ko na talaga siyang crush, back when I was in senior high, isa siya sa mga nanood ng live auditions para sa vocalist ng for you, kabadong kabado ako nun pero nung makita ko ang kislap sa mga mata niya parang nabuhayan ako ng loob at dun ko naipanalo ang vocalist position pero ako din naman pinaka gwapong trainee ng vocals kaya alam kong mananalo ako" natawa si Xia dahil sa huling sinabi niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata, umayos naman siya.
"Kaya nung naging dormmates kami, sobrang thankful ko kasi destiny na mismo ang nagpalapit sa amin at dun na nagsimula ang pangliligaw ko sa kanya"
"Wow what a nice story, ikaw naman Charm, the second question is what do you do together for fun?" Tanong ni Xia na agad kong naisipan ng sagot.
"Pinaka bonding namin yung kumain at pati narin yung panonood ng movies, mahilig kasi ako sa movies" kalmadong pagkakasabi ko at agad namang nag follow up si Xia.
"Anong genre ng movie ang usually niyong pinapanood? X-rated ba? Charot lang!" Tawang sabi ni Xia at si Tyzon na ang sumagot.
"Mahilig si Charm sa romance kaya napapasama nalang din ako sa panonood ng romance niya and after watching romantic movies we're ending up kissing" kinindatan pa niya ako, halos malaglag ang panga ko sa pang e expose niya.
"Oh my gosh! Exposing CharZon's private things na ba ito HAHAHAHA" nagtagal ng ilang segundo ang tawanan nilang dalawa at ako ay di mapakali sa kina uupuan ko.
"Next question na nga naingget na kaming lahat sa inyo eh, describe each of your roles in a relationship and how did you come to have this role?" Panibagong tanong ni Xia na kaagad sinagot ni Tyzon.
"Ako yung tipo ng lalaki na madaling mapagod sa mga bagay, kaya kapag nakakaramdam na ako ng pagod, tinitignan ko lang siya at babalik nanaman sa sigla ang buhay ko" sagot ni Tyzon na nagpa lambot nanaman sa puso ko, hindi pa time para umiyak Charm, ayusin mo muna.
"Ako naman yung taga pagpaliwanag ng mga bagay-bagay" kaunting sagot ko at dinugtungan naman ito ni Tyzon.
"When it comes to suggestions and decisions, si Charm talaga ang pinagkakatiwalaan ko kasi magaling siyang mangilatis at magpaliwanag ng mga bagay at ako naman madalas magkamali when choosing things to buy pero ngayon okay na kasi anjan na siya para alalayan ako, kaya mahal na mahal ko to eh" binigyan niya ako ng mabilisang halik sa cheek at kumabog nanaman ang puso ko.
"Hala teh, nag ba blush ka teh! By the way ang ganda ng sagot ni Tyzon bagay na bagay talaga kayong dalawa" napangiti ako ng napaka tamis dala ng kilig at pagpapa cute sa camera.
Wala na akong pake alam kung anong mukha ko sa camera basta ang importante napapalabas ko na yung ngiting kanina ko pa pinipigilan.
"So last na to guys, anong maipapayo niyo sa mga boy to boy couples na katulad niyo out there"
Binigay sa akin ni Tyzon ang microphone kaya ako na ang sumagot para samin.
"So first of all wag kayong mag madali sa pag kilala ng bawat isa, take it as a step by step. Wag niyong biglain ang partner niyo na ipakita sa inyo ang totoong siya dahil hindi madadaan sa ganung paraan ang isang relasyon. Cherish the happiest moments of eachother, kasi pag dumating na sa time na parang nagkakalabuan na kayo, isipin niyo lang yung masasayang araw at tiyak na babalik din ang pagmamahal niyo sa partner niyo kagaya lang nung nag umpisa kayong mahalin yung taong yun, don't let the immaturity breaks your relationship, matutong umintindi at magpakumbaba, wag idaan sa pride ang away kasi walang patutunguhan ang isang relasyon kung puro away lang ang mangyayari" mahabang explanation ko na ikina palakpak naman ni Xia.
"Kung makapag bigay ng advice si mareng Charm parang 10 years na sila ni fafa Tyzon nakakatuwa talaga kayong mag couple" yun na ang huling sinabi ni Xia at natapos na ang interview.
Nakaupo parin ako at pinagmamasdan lang si Xia at Tyzon sa pagliligpit ng filming equipments.
"Now I know kung bakit hindi si Alec ang pinili mo" sabi ni Xia at ngiting lumabas ng music room.
"Pinili? Bakit niligawan ka rin ba nung Alec na yun master?"
Napatingin kaagad ako sa nagtatakang Tyzon at umiling.
"Hindi siya nangligaw, ikaw lang talaga yung makapal ang mukha na nangligaw sakin, charot"
"Ouch naman master"
"Charot nga lang"
"Osige nanga iloveyou"
"Iloveyoutoo"
...