Charm's POV;
Another simple day, no celebrations, no events. Nakasakay ako ngayon sa kotse ng mokong at panay lingon lang siya sakin sabay ngiti. Umay na mga sis, charot.
Sige lang pogi naman.
"Anong oras dismissal niyo?" Tanong niya habang naka focus sa daan.
"11:30 why?"
"Sunduin kita sa room niyo" agad nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kanya.
"At bakit mo naman ako susunduin sa room?" Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti lang siya habang naka focus parin sa pag da drive.
"Date hihi" pagpapa cute niya at di ko napigilang kiligin, i mean lip bite lang na naka smile. Alam niyo naman, aasarin nanaman ako nito pag nakita ang pag ngiti ko.
"Kita ko pag ngiti mo, kilig ka nanaman sakin noh?"
"Luh asa ka!" Inirapan ko lang siya at tinago nalang ang ngiti ko.
Nakarating na kami sa univ at dumiretso na kaagad ako sa classroom, wala naman akong importanteng gagawin ngayon sa station.
"Uy m-mr. La Questa!" Biglang sulpot ni Alec at agad akong binungaran ng ngiti "goodmorning".
"Goodmorning din" ngumiti din ako sa kanya at sumabay na siya sakin maglakad papuntang classroom.
"Buti naman pinapansin mo na ako ngayon" tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. "Akala ko talaga di mo na ako papansinin".
Ganun ba talaga ako ka cold nung isang araw?
"By the way may lakad ka ba ngayong afternoon? Papasabay sana ako bumili ng photo paper para sa photography subject natin" dahan-dahan akong tumigil sa paglalakad at napansin naman niya ito kaya tumigil din siya.
"May lakad ako ngayong afternoon eh" sabi ko na ikina tahimik niya ng ilang segundo. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa classroom.
"Sige next time nalang kita yayayain" nilapag ko ang bag ko sa upuan at nag check ng cellphone.
Nagulat ako ng biglang may nag pop up na instagram notif, syempre hindi ako nagulat sa notif kundi sa content ng notif.
'@itstyzonlim followed you on instagram'
Nang mabasa ko ang notif na yun parang may gustong kumawala sa dibdib ko, jusko bat parang nag automatically smile yung bibig ko.
Agad kong pinindot ang notif at inistalk muna ang profile niya, 24 photos ang naka post sa timeline, simulan natin sa picture na kumakanta siya sa stage nung valentines day, picture niya na nasa beach may hawak na buko juice naka topless as usual tas naka blue na board shorts. Ang yummy.
Marami pa siyang pictures na naka topless puro pasarap ang alam kaya siguro may 36k followers. Sanaol! Yung followers ko sa IG 12k lamang, pero atleast meron diba.
Mag s-scroll pa sana ako sa pictures niya ng biglang mag pop up ang isa nanamang notif.
@itstyzonlim: saan mo gustong mag lunch mamaya?
@charmlq: bat ako pinapa decide mo? Ikaw nag ayang mag date.
@itstyzonlim: yieee kinilig ako dun sa 'date' ah.
@charmlq: ang landi mo.
@itstyzonlim: sayo lang naman ako lumalandi master.
@charmlq: iw.
@itstyzonlim: how about ikaw nalang kainin ko sa lunch? Mukhang masarap ka naman eh.
Jusko muntik ko nang maibagsak ang cell phone ko, walang hiyang lalaki to napaka manyak! Mag rereply pa sana ako kaso pumasok na yung prof namin kaya pinasok ko nalang sa bag yung cellphone ko at nakinig sa lessons.
-
Pagkatapos sabihin ng teacher ang word na "dismissal" agad na akong nagligpit at binitbit kaagad ang bag.
"Bye Alec" di ko na siya hinintay pang mag respond at tumakbo na kaagad ako papuntang building ng architecture. Uunahan ko na siya kala niya ah.
Pano ko nalamang architecture siya? Simple lang, madami kasi siyang architecture plates sa dorm, minsan nga nakikita ko siyang nag s-sketch ng buildings eh.
Future Archi na maganda boses? Bessy gusto mo yon? Gusto ko yon!
"Andito ka lang pala" hingal kong saad at napakapit sa kanya.
"Oh bat ka hinihingal at bat ka nandito?" Agad niyang tanong at kinuha ang aking bag na nakasablay lang sa isang balikat ko.
"Wala lang lika samahan mo ko sa cr" hinila ko siya papuntang cr.
"Charm sure ka na ba dito sa gagawin natin?" Sumandal siya sa pintuan ng cr at nilock ito.
"Anong gagawin?" Takang tanong ko.
"Diba hinila mo ko dito sa cr kasi alam mo na" anudaw?!
"Manyak ka talaga, para kang tanga mag aayos lang ako tas mag bibihis, anong pinagsasasabi mong gagawin natin? Ano ako fuck bud mo?"
"Pwede din"
"Jusko"
Sinadya ko talagang ako na makikipag kita sa kanya kasi ayoko namang magkita sila ni Alec, feeling ko kasi ayaw ni Alec kay Tyzon base sa mga tingin niya dito sa mokong, at si Tyzon rin yung nagpa udlot ng ceremony namin dun sa marriage booth kaya feeling ko talaga ayaw niya dito kay kumag.
"I'm done" after kong mag ayos ng sarili ay hinila na niya ako papuntang parking area.
Pa start na sana siya sa kotse ng biglang mag ring ang cell phone niya.
"Yes ma?"
"Ngayon na ba?"
"Sige"
"Bye" binaba niya kaagad ang cellphone niya at kitang-kita ko sa mukha niya ang inis at pagka irita.
"Oh bat parang inis ka? Mama mo yun diba?" Tanong ko at di muna siya sumagot ng ilang segundo.
"Pinapasundo niya sakin yung kapatid ko"
Wait may kapatid siya?
"May kapatid ka pala? Ilang taon?" Excited kong tanong pero parang pissed off parin siya.
"He's just 6 years old, grade 1. Kung maitatanong mo kung ilan kaming magkakapatid, dalawa lang kami" seryoso ang mukha niya pero nagawa niya paring mag sabi ng informations.
"Ikaw ang panganay?"
"Malamang"
"Oo nga naman" inirapan ko lang siya at huminto kami sa isang elementary private school.
"Dito ka lang" tumango ako at pinagmasdan siyang mag lakad palabas ng kotse at papasok ng school. Mga 5 minutes ay nakabalik na siya at may kasamang batang lalaki, ang cute parang mini version niya lang din. Pinasakay niya si baby boy sa back seat at parang nagulat naman ito ng makita akong nasa loob.
"Ang cute mo naman anong pangalan mo?" Tinanong ko yung bata at parang nahiya naman ito.
"My name is Tyler" napatingin pa muna ito sa kuya niya bago magsalita ulit. "Ikaw po?"
"I'm kuya Charm" nginitian ko ang bata at binigyan siya ng finger heart.
"Kuya bat po natin siya kasama?" Tanong ni Tyler sa kuya niyang umaayos ng upo sa driver's seat. "Ano mo po siya?"
"Girlfriend ko siya" parang gulat pa ang bata sa sinabi ng kuya niya kaya agad na akong umeksena.
"Wag kang maniwala sa kuya mo, may pa girlfriend pang nalalaman diba boy naman ako"
"Edi boyfriend kita" di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa, bigla kasing tumawa si Tyler ng sabihin yun ng kuya niya.
"Walang hiya ka talaga" sigaw ko sa utak ko habang pinapaandar niya ang kotse at patuloy pa rin sa pag tawa.
Infairness kinilig din ako dun ah, charot!
...
![](https://img.wattpad.com/cover/220738655-288-k1860.jpg)