Charm's POV;
"Oh kuya kamusta na bat napatawag ka?" Agad kong saad ng matanggap ko ang tawag niya.
[Wala lang nangangamusta lang ako sayo bunso alam mo naman mas advance pa ako mag greet ng HAPPY BIRTHDAY!] Masayang bati ni kuya na ikina lambot ng puso ko.
"Kuya Charles naman eh muntikan ko ng makalimutan ang birthday ko, ikaw lang nagpaalala" kung di ko nakukwento sa inyo, siya nga pala si kuya Charles nagtatrabaho sa abroad bilang isang head engineer ng malaking kumpanya. Kaming dalawa lang ang natirang magkapatid dahil namatay na ang parents namin at yung ate ko. Si ate Charlene, kambal ni kuya.
[Sorry bunso ah, wala man lang akong birthday present sa'yo ngayon]
"Ano ka ba kuya okay lang yun, diba nga nagtatrabaho ka jan para sa pamilya mo" yes may pamilya na si kuya Charles, 3 years na sila ng asawa niya at may dalawang anak. Hindi kami nagkikita ng pamilya niya kasi nasa probinsiya sila.
[Nagtatrabaho ako para sa inyo]
"Aww ang sweet naman ng kuya ko" nag usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa natapos na iyon dahil kailangan na niya ulit pumunta sa tintrabaho nilang building.
Ang sipag talaga ni kuya Charles.
Buti nalang at pina alala ni kuya yung birthday ko, halos makalimutan ko na kasi sa sobrang daming gawain sa school. Parang wala na akong time para sa gala at sa panonood ng movies. I should be focus on my studies from now on.
"Naipasa ko na pala yung pair project Charm, hindi mo na kailangan mabahala tas yung sa research papers din ginawan na rin kita, alam kong hindi pa yun naibibigay ng teacher pero nag advance na ako para hindi ka na ma stress sa pag gawa ng ibang outputs" pinakita sa akin ni Alec ang folder na may lamang printed papers.
"Ay hala! Thankyou Alec" hinawakan ko siya sa kamay sa sobrang galak. Napatingin siya sa mga kamay namin at agad ko itong inilayo kasi baka bigyan niya pa ng ibang meaning.
"Baka mamaya hindi ka na makapag focus sa studies mo ha kasi inuuna mo ng gawin yung mga projects ng iba" I sincerely said and he just smile and gave me a thumbs up.
"Maayos naman ang grades ko Charm, at isa pa ikaw lang naman ang ginagawan ko ng outputs kasi isa kang mabuting kaibigan sa'kin"
"Salamat talaga huh"
"Walang problema Charm basta ikaw and by the way diba bukas na yung birthday mo?" Tanong ni Alec sakin
-
"Diba bukas na birthday mo!" Masayang saad ni Ezeikiel na nagpangiti sakin. May tatlong tao na rin palang nakaka alam ng birthday ko bukas. Ang saya ko lang.
"Oo"
"Ma birthday na ni Charm bukas!" Sigaw ni Ezeikiel na ikina labas kaagad ni tita Tina sa kusina, may dala na siyang bowl na may lamang cookies na binake niya.
Inilapag niya ito sa lamesa na kung saan kami gumagawa ng homework ni Ezei.
"Birthday mo na bukas Charm?" Tanong kaagad ni tita.
"Yes po"
"Ilang taon ka na niyan?"
"Mag na-nineteen na po" ngiting pagkakasabi ko na ikina palakpak ni tita Tina.
"Anong plano mo bukas?" Tanong nanaman ni tita.
"Uhm... wala naman po, hindi naman po masyadong importante yung birthdays para sakin"
"Naku hindi pwede yan Charm anak" ansarap sa tenga nung huling sinabi ni tita. "Kailangan i celebrate natin yan bukas, uy Ezeikiel" tawag ni tita sa anak niyang si Ezei.
"Ma dapat 'Ezeikiel anak' din tawag mo sakin"
"Sus big boy ka na eh"
"Mama naman eh pinapa selos mo ko"
"Manang mana ka talaga sa papa mo napaka seloso, ikaw ha, ikaw ang susundo kay Charm bukas ng hapon, dito tayo mag di dinner" utos ng mama ni Ezeikiel sa kanya.
Tumango lang si Ezei at nagpatuloy sa paglamon ng cookies.
"Kamusta na nga pala kayo nung gf mong material girl?" Tanong ni tita kay Ezei na ikina simangot naman ng anak niya.
"Mama naman eh paulit-ulit break na nga kami"
"Hindi mo pa kaya nasasabi sakin"
"Nasabi ko na sayo kagabi eh"
"Ah talaga? Buti naman naghiwalay na kayo nun nak, ayoko talaga siya na mapunta sayo masyadong maarte ayaw ba naman sa cookies ko" reklamong saad ni tita na ikina yuko lang ng anak niya.
"Ma di naman sa ayaw niya ng cookies mo, diet lang po talaga siya kasi cheerleader yun eh"
"Whatever, mas gusto ko pang ma i boyfriend mo itong si Charm kesa dun sa babaeng yun"
"Mama bestfriend ko si Charm"
"Bagay naman kayo eh"
"Ewan ko sayo mama"
Nanatili lang sa pag lamon ng cookies si Ezei hanggang sa matapos kami sa mga gawain namin. Ang swerte ko talaga sa pamilya ng bestfriend ko, supportive mommy tas mabait na anak at pati rin si tito Eric napaka bait din nun.
Tyzon's POV;
"Vro tandaan mo, bukas na ang birthday ni Charm, hindi mo kailangan ng mamahaling surprise mas gusto niya ng simple but memorable" sabi ni Phoenix habang may naka kandong na babae sa mga hita niya.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Just do whatever you want basta tandaan mo lang yung mga sinabi ko" tumango nalang ako at agad na kinuha ang bag ko papalabas ng Recharge bar.
Napaisip muna ako ng ilang minuto sa loob ng kotse, ano kaya ang gagawin ko bukas sa birthday niya? Ayoko namang sabihan ang banda ko para mag surprise performance, masyadong hassle yun.
Sunflowers nanaman ba? Baka naman magsawa na siya dun. Pero siguro naman hindi paboritong paborito niya yun eh.
Simple but memorable.
Simple but memorable.
Simple but memorable.
Paulit-ulit kong binabalik ang sinabing iyon ni Phoenix. Kailangan gumawa ako ng surpresa, yung surpresa na hinding hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Yung magpapa sagot sa kanya ng oo. Yung magpapa gaan ng loob niya at yung magpapa bigay ng buong tiwala niya sakin.
I have money, good looks, popularity and talents. What should I do?
Pina andar ko ang kotse at nag simula na akong mag drive pabalik sa dorm.
Baka nakauwi na rin yung baby master ko.
Habang nag da drive ako bigla akong napahinto ng may mga nagsidaanang basketball players sa pedestrian. Napatingin ako sa basketball court na kung saan sila papunta at pinanood ko lang ang ibang nandoon na naglalaro. Nag dribble siya ng bola at pinanood ko ng mabuti ang pag shoot niya sa bola pa pasok ng ring.
Ring?
...