Charm's POV;
"Hi guys! Welcome back to my vlog!" Napag desisyunan kong mag vlog ngayon kasi nga, ngayon ang araw ng mga puso.
Requested din kasi ito ng mga subscribers ko kaya i pu-push ko na.
Hawak-hawak ko ang camera ko habang naglalakad sa harap ng iba't-ibang booths na gawa ng mga students.
Kissing booth.
Bitter's booth.
Photo booth.
3 minutes booth.
Marriage booth.
Yung section namin gumawa nung marriage booth, by the way.
"Oh mga classmates say hello to my vlog!" Masayang sabi ko at nag sabay sabay naman silang nag hello. Sakit sa tenga jusko.
After kong mag film ng vlog agad akong bumalik sa classroom namin at kumuha ako ng damit para makapag palit.
Pagkapasok ko sa banyo ay may nakita agad akong lalaking panay tingin sakin habang nanghuhugas siya ng sariling kamay.
Pumasok ako sa isang cubicle at doon nag bihis. Nang matapos akong magpalit pinasok ko na sa mini bag ko yung mga damit na pinalitan ko at lumabas na sa banyo.
Di pa ako nakakapag check sa salamin ay bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko.
Kidnap ba 'to?
"Wag kang sisigaw, ikakasal ka na" bulong ng isang lalaki sa tenga ko.
Ano daw?
Dahan-dahan niya akong inilakad palabas ng cr at ng maramdaman kong nasa hagdan na kami bigla nalang may kumarga sakin.
Bridal style!
Oo di ako maka kita, pero may naririnig naman ako.
"Haluh sis! Tignan mo!"
"Oh my gosh!"
"Sanaol may jowa!"
"Omo! Si Charm ba yan?"
"Owemji fafa Alec ako rin!"
Alec?
Pagkatanggal ng blindfold ay agad akong napatingin sa lalaking nasa harap ko. Infairness mas gumwapo siya ngayon. Naka hairgel patagilid ang buhok, naka suot ng red polo shirt na naka bukas ang 3 buttons, black shorts and a pair of sneakers.
-
Tyzon's POV;
Pinauna ko na siyang pumunta ng school, ikakasal na kasi kami mamaya kaya dapat di pa kami muna mag-kita. Potek kinikilig na agad ako, wala pa nga.
"Naks ang pogi mo talaga" sabi ko sa lalaking nasa harap ng salamin.
Nag hairgel ako at sinuklay patalikod ang buhok, nagsuot na din ako ng black shirt, i choose black kasi nakita ko siya kaninang naglalagay ng black shirt sa bag niya.
Iteterno ko lang naman para sa kasal namin.
Mabilis lang ako nakapag prepare at nag drive na agad ako papuntang flower shop para bumili ng sunflowers. Alam kong favorite ni Charm yung sunflowers, nakita ko kasi sa bio niya sa facebook at para din sakin, sa lahat ng bulaklak na nakita ko, sunflower lang ang pinaka maganda at pinaka simple and it was just like him.
Maganda at simple.
[Oh nasaan na siya?] Pangunang tawag ko kay Cole, yung tropa ko.
[Andito na siya sa banyo] sagot niya at napangiti naman ako.
Nasa harap na ako ng marriage booth na kung saan, naka assign ang section nila.
[Sige na hintayin mo na siyang matapos tas i blindfold mo na agad] magsasalita pa sana ako ng bigla kong nakita yung lalaking panay aligid kay Charm nung isang araw, yung nang agaw ng pasahero ko sa daan. Si Charm yung pasahero by the way.
Napatingin lang siya sakin at nagtagisan ang mga tingin namin bago siya umiwas at naglakad palayo.
Anong problema nun?
"Uy guys andito si Tyzon!" Sigaw nung isang classmate ata ni Charm at bigla nanaman akong dinumog at pinagkukuhanan ng litrato.
Di naman po ako artista.
"Tyzon kanta ka naman sa booth namin oh, kahit isa lang please" tinuro turo pa ng babae yung marriage booth.
"Oo nga lodicakes, 1 song lang" pamimilit din nung isang classmate pa ni Charm.
"Thousand years na kanta sige na, busy ka ba?" Tanong nung isa pang babae.
"N-no i'm not" sabi ko at agad na nila akong hinatak papasok sa booth nila at pina upo ako sa isang upuan at agad pinlay ang instrumentals.
-
Charm's POV;
[NP; A Thousand Years by: Christina Perri]
'Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow'Nang marinig ko ang boses na yun agad akong natulala, parang gusto ko ng umalis sa booth, i felt awkwardness without reason.
"I announce you man and wife"
'One step closer'
"You may now kiss the bride"
Matapos niyang mailagay yung fake ring sa daliri ko dahan dahan ng lumapit ang mukha niya para halikan ako sa pisngi.
It's so awkward!
'I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more'"Please stop that shit" bigla akong hinila ni Tyzon papalabas ng marriage booth, napapalibutan na kami ng mga students pero parang wala siyang pake alam.
"I know you're not mine but please consider my fealings too!" Halos maluha na siya sa sinabi niya.
"T-tyzon please kalma" hinawakan ko siya sa magkabilang braso.
"That should be me" bulong niya at niyakap ako ng mahigpit.
Pinikit ko na ang mga mata ko dahil andami ng kumukuha ng litrato, i'm not into this! I shouldn't act like this! Mapapahamak ako neto!
Kumawala ako sa yakap niya at inayos ang suot ko.
"Hindi naman tayo, kaya wag kang umastang pagmamay-ari mo 'ko" umalis ako sa harap niya at pumunta sa classroom para mag mukmok.
I'm not me anymore.
Bakit ako sumasaya tas biglang nalulungkot, bat ako kinikilig pero may halong kirot.
"Charm" biglang pasok ni Ezei sa room namin at umupo sa tabi ko.
"Ezei..." niyakap niya agad ako at napa iyak nalang ako ng tuluyan.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"I'm scared, i'm scared of having false hopes. I'm scared of this feeling, ayoko ng ma inlove, ayoko ng masaktan, ayoko ng umasa Zei... ayoko na" napakapit ako ng mabuti sa suot niya at binuhos ko na lahat ng iyak ko sa balikat niya.
"Natatakot akong magka issue, natatakot akong mahusgahan, natatakot akong ma misunderstand" nagpatuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa biglang may nag salita sa tabi ko.
"Wag ka ng matakot andito na 'ko" nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko nanaman ang boses na yun.
Tyzon naman eh.