Charm's POV;
Ngayon na ang birthday ni Shayne, 18th birthday niya ngayon kaya super bongga ng celebration. Ang motif ng event ay old rose and vintage peach. Ang ganda ng color combination nakaka vibing.
"Sabay na tayo para may date din ako" he was pouting while sitting on the bed infront of me.
"What if ayoko?" Tinaasan ko siya ng kilay at napangisi lang siya.
"Wala ka ng magagawa, magaan ka naman, madali ka lang makarga papasok ng kotse" he smirked and walk towards the closet. Kumuha siya ng vintage peach na polo at hinubad ang suot niyang t-shirt.
Hindi ko alam kung ilang demunyu ang sumapi sakin pero parang nasasarapan nanaman ako sa nakikita ko.
"Kita ko mata mo panay tingin sa katawan ko" sigaw niya at napatalikod ako bigla. Sinampal sampal ko pa ng mahina ang gilid ng mukha ko naway maitaboy ko ang kadimunyuhan ng mata ko.
"Di ko naman sinabing tumalikod ka, mas okay nga na may audience ako eh, ano gusto mo mag jackstone pa ko sa harap mo?"
"Tyzon! Ang manyak eeh!" Napa punta nalang ako sa harap ng laptop at nanood ng iba't-ibang YouTube videos para ma distract ako sa kalaswaan ng lalaking kasama ko.
"Master pinatawag niyo raw po ako, ano po bang ipauutos niyo?" Bulong niya sa tenga ko with seduction at dahan-dahan niyang hinaplos ang mga balikat ko, nanigas ang katawan ko at di ko alam kung bat di ako maka kilos.
"T-tyzon..." nakikita ko sa reflection ng screen ang kabuuan ng katawan niya. Dinidimunyu nanaman ako!
"Charm one round lang please" bulong niya ulit sa tenga ko, ugh nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan at agad akong natauhan.
"GAGO MANYAK KA TALAGA!" Sigaw ko at gulat siyang napa atras at tumungo ulit sa harap ng closet.
"Nakakagulat ka, yung boses mo biglang lumaki" tawa na may halong kaba ang lumabas sa bibig niya. Yung speaking voice ko kasi naka depende lang din sa mood ko, pag emotionless mahinhin, pag tumatawa dapat mahinhin parin, pag nag va vlog at news report buo na boses pero mahinhin pero pag napuno at nagalit ako umiiba talaga boses ko.
"Ang manyak mo talaga kahit kailan" inirapan ko siya at nag ayos ako ng mukha sa harap ng salamin. Konting retouch at lip tint para mas kissable tignan yung plump lips.
"Sarap naman niyan" biglang sulpot niya sa likod ko, sa salamin kami nagka tinginan at sagutan.
"Ang alin?" Takang tanong ko.
"Yung ano oh" ngumuso siya at tinuro turo ang lips niya. Napangiti akong humarap sa kanya at naglakad papalapit sa kanya.
"Eto ba?" Hindi ko inalis ang pa a-eye contact at dahan dahan kong hinaplos ang magkabilang dibdib niya patungo sa mga balikat. Pinaikot ko ang mga palad ko sa leeg niya hanggang sa magkadikit na ang mga katawan namin. Tumingkayad ako at inamoy muna ang manly scent niya hanggang sa magtagpo muli ang mga mata namin. Binasa ko ng laway ang lips ko at nag lip bite habang pinagmamasdan ko ang lips niya. Nilapit ko ang lips ko sa lips niya at agad na kinurot ang pisngi niya.
"Ang cute ng mokong" kinurot ko ng mabuti hanggang sa mapa aray siya.
"Tangina Charm ansakit"
"Buti nga sayo manyak" nilagpasan ko siya para i turn off ang laptop. Nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa banyo na para bang naiihi.
-
"Happy birthday Shayne!" Bati ko sa kanya at agad siyang bineso. Binigay ko yung regalo ko para sa kanya, flash drive yun na may lamang video na inedit ko na para talaga sa kanya, i hope magustuhan niya yun. Pinaghirapan kong gawin yun noh!
Dumating na din si Ezei na naka old rose polo na may kasamang black tuxedo at black slacks na fit talaga sa katawan niya. Ang gwapo niya ah, yung buhok niya naka hair gel patalikod tapos naka slight makeup pa! Bongga pinag handaan talaga.
Bigla akong nagulat nang may kumalabit sakin at napagtanto kung sino ito.
"Mich?"
"Yes I am!" Hyper na pagkaka sabi niya at nakipag beso sakin. Ang ganda niya, mahaba yung buhok na color light pink like yung sa buhok ni Rosé ng BLACKPINK dun sa Lovesick Girls MV. Nakasuot siya ng vintage peach crop top na pinaresan ng black coat, ano yun panangga sa lamig? Charot.
"Invited ka pala?" Tanong ko sa kanya na ikina taas ng kilay niya.
"Anong tingin mo sakin pinsan, walang connections?" Pinagdikit nanaman niya yung mga daliri niya, hmp literal connection.
"Ewan ko sayo"
After ng ilang pasikot sikot sa event dumating na sa 18 roses, sawakas ang pinakahihintay ko kahit di ako kasama kasi di naman kami ganun ka close.
18 - 5 roses na boys di ko alam kung sino-sino mga yun, pinsan ata at mga close friends.
4th rose na, di ko alam kung magugulat ba ako o ano, si Tyzon yung pang fourth?! Pano sila naging close? Ni hindi ko nga alam na nag uusap sila and the worst thing is di rin ata alam ni Ezei na close yung gf niya at si Tyzon, mukha kasi siyang gulat na nakatingin habang sumasayaw sa harap yung gf niya at yung crush ko, ay nasabi char.
"Diba yan yung Tyzon? Balita ko may something daw sa inyo" biglang sabi ni Mich sa tabi ko, nasa iisang table lang kasi kami. Pinsan goals na ata to.
"Anong something? Wala ah!"
"Oh girl ikalma mo lang yang pekpek mo" tinapik niya ako sa balikat, tumayo siya at umalis sa table namin.
Grabe ha andami niyang nalalaman, dahil kaya yun sa connection thingy niya?
Pinagmasdan ko lang si Mich na makipag usap dun sa grupo ng kalalakihan sa katabing table. Ibang-iba na talaga siya ngayon, napaka confident and seductive na niya, di gaya nung nasa elementary at junior high pa kami napaka dugyutin niya pa dun, suking suki sa camera 360, retrica at b612 ang gaga.
Binalik ko ang tingin sa harap at di ko man lang napanood ang roses 2 & 3, napaka chismosa ko na talaga. Ngayon ay si Ezeikiel na ang kasayaw niya, number one naman pala ang boyfriend. Sanaol.
Natapos ang 18 roses at natapos rin ang birthday celebration, iniwan ko nalang si Mich dun sa table na maraming boys kasi parang ansaya nila, may pa haplos haplos na nga si Mich dun sa balikat ng isang gwapo, jusko pinsan epekto na ba yan ng alcohol?
Hinanap ko si mokong at nakita ko naman siya dun sa may garden area, may kausap na mga babae, halatang masaya din sila sa topic nila.
Lumapit ako at tinapik siya sa balikat, makikisabay akong umuwi sa dorm wala akong dalang pera eh. Walang pamasahe pauwi.
"Ay girls nandito na pala yung baby ko" agad niya akong inakbayan at pinakita sa mga babae niya na para bang nag pe present ng hayop sa show and tell.
Awkward.
Kinurot ko siya sa tagiliran at napa aray siya, ang iba sa mga babaeng nasa harap ay tumawa pero majority yung parang nandiri at nadismaya. May crush ata sila kay Tyzon.
"Ano master uwi na tayo?" Sabi niya at tumango lang ako.
...