Charm's POV;
"Hatid na kita" binaba niya ang salamin ng sasakyan niya at nakipag titigan muna sakin ng ilang segundo.
Di ko siya pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Walking distance lang naman kasi from dorm to school, at saka kailangan ko rin makalanghap ng preskong hangin this morning.
"Dali na, sabayan mo na 'ko" huminto nanaman ang sasakyan niya sa tabi ko.
"Mas prefer kong maglakad kesa sumakay sa car mo, alis na Tyzon" pagtataboy ko sa kanya pero parang bingi ang mokong.
"Sige na please" nag pout pa siya pero di ko binigyan ng atensiyon, napaka kulit.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may biglang humintong naka motor sa harap ko. Napatingin ako sa driver at parang lumiwanag naman ang mundo ko ng malaman ko kung sino ito.
"Goodmorning mr. La Questa" pormal na pag bati ni Alec sakin.
"Goodmorning din" nginitian ko siya at sumilay din ang isang tipid na ngiti sa labi niya.
"Sakay ka na para sabay na tayo pumuntang news station" tumango lang ako at dali daling sumakay sa motor niya.
Tumingin muna ako ng ilang segundo sa kotse ni Tyzon at nagsimula na si Alec sa pag drive.
-
"Congratulations mr. La Questa and mr. Silvestino you got the highest scores" ang sarap sa ears, worth it yung pag puyat ko sa pag gawa ng project na 'yon.
"Congrats Alec" i said.
"Congrats din sayo mr. La Questa, by the way free ka ba mamayang after class?" Tumango ako bilang tugon.
"Uhmm... kain tayo lunch, libre ko" he casually said and i just smile.
Mabilis natapos ang klase at nangyari nanga ang dapat mangyari.
"San mo gustong kumain?" Tanong niya sakin.
"Ikaw" pagpapasa ko ng pagdesisyon.
"Ano ba gusto mong kaninin?" Tanong niya ulit.
"Ikaw"
"Ako?!" Bigla akong napakagat ng labi ng mapagtanto kong double meaning pala yung nasabi ko.
"I mean ikaw, ikaw na bahala, kung anong kakainin mo yun nalang din yung akin" natawa nalang siya dahil sa pag depensa ko.
At last we decided na mag samgyup nalang, nakaka miss na din mag samgyupsal, last na kain ko nung nagka yayaan pa kami ni Ezei after ng christmas break.
"Sino yung lalaki kaninang umaga? Panay sunod sayo na naka kotse" biglaan niyang tanong habang naglalagay ng mga karne sa lutuan.
Naalala ko nanaman yung mukha ni Tyzon kaninang umaga na ang lakas mam bwisit.
"Wala yun, ka dormmate ko lang yun" panglilinaw ko sa tanong niya.
-
[Make a report about the upcoming valentine event, don't forget to interview the band, maraming students ang naghihintay sa spoilers nila] chat sakin ng head ng news department.
[Okay po] reply ko sa kanya.
Dala-dala ko na ang camera, tripod, pen at notebook ko para sa gagawin kong interview. Papunta na rin ako sa music room para mag tanong kung kelan ko sila pwedeng i interview.
"Oh best ano ginagawa mo dito?" Biglang sulpot ni Ezei galing back stage.
"Uhmm... pwede maka usap leader niyo? Or head nalang ng music department, kahit sino sa kanila" direktang tanong ko.
"Wala dito yung head pero andito yung leader namin" mapapasabak nanaman ako sa pakikipag usap kay Tyzon, siya kasi yung leader nila. Ewan ko ba bat ayaw maki barkada ni Ezei sa kanya, siguro di lang talaga sila ka vibes. Si Ezei kasi mabait, si Tyzon naman puro pa gwapo lang alam. Nakaka irita pa.
"Hanap mo daw ako baby?" Lumabas din siya galing sa back stage.
"Umayos ka, trabaho ko 'to" iritang pagkasabi ko at umayos naman siya, buti naman.
"Mag i-interview ka?"
"Yup, so kelan kayo free?"
"Free kami ngayon"
"Good then, call your members, news department wants me to interview the whole band" tumango naman siya at bumalik sa loob ng back stage.
Isa-isa na silang lumabas habang inaayos ko ang angulo ng camera. Agad ko silang pina upo sa audience seats at tumabi ako kay Tyzon para magsimula ng mag interview.
"Good day High Hit students kasama natin ngayon ang pinaka paborito niyong boy band ang for you!" Masayang pag intro ko sa video.
Natapos na ang pag film namin at nagligpit na ako ng mga kagamitan, bumalik na sa back stage ang lahat pero nagpaiwan si Tyzon at Ezeikiel para tulungan akong mag ligpit ng tripod.
"Ako na dito Tyzon, ako na tutulong sa bestfriend ko, bumalik ka na dun sa loob" hindi nakinig sa kanya si Tyzon, nanood lang ito sa pagliligpit at panay titig sakin, nakikita ko kasi sa peripheral vision ko.
"Alis na 'ko" pagpapaalam ko habang naglalakad pabalik ng news room.
"Bye best!"
"Bye baby, see you at home!" Napa iling nalang ako sa sinabi niya, nakaka irita talaga siya.
-
Nang maka uwi ako sa dorm nakita ko kaagad sa study table si Tyzon.
"Oh andiyan ka na pala baby"
"Manahimik ka nanga lang, nakaka irita ka na" galit kong saad papuntang table ko.
"Kinakausap lang naman kita" sabi niya habang naka yuko.
"Kahit na napaka kulit mo" nilapag ko ang mga gamit ko sa study table ko at nakita ko naman dito ang isang note na may kasamang sunflower.
Natulala muna ako ng ilang segundo bago ko pinulot ang note at binasa.
'Wag mo na ako iwasan please, gusto ko lang naman mapalapit sayo. Wala naman akong masamang intensiyon, kung di ka pa ready dun sa pag offer kong panliligaw, naiintindihan ko. Basta hayaan mo lang akong maka usap ka, i'm so happy with that. Kaya sige na please please please...'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko matapos kong basahin yung note, tumingin ako sa gawi niya at nahuli ko siyang nakatingin sakin pero agad naman niyang iniwas ito.
Patuloy sa pag kabog ng mabilis ang puso ko kaya agad kong kinuha ang sunflower at humiga sa kama. Nakatalikod ako sa kanya para di niya makita ang pagluha ko.
I just felt the same thing before.
"Hey are you crying?" Mas bumuhos ang luha ko ng makita ko ang mukha niyang nag-aalala.
I don't know why i did that pero ang sarap sa pakiramdam ang maramdamang may niyayakap.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit, na para bang matagal ko na gustong gawin pero di ko magawa sa kahit kanino.
"Thankyou"
I just felt happiness.
And I really miss this feeling.
...