Alec's POV;
Mahimbing ang pagkakatulog niya rito sa tabi ko. Napagod sa kakanood namin ng iba't-ibang series. Limang bl series na ata ang natatapos namin sa loob lang ng isang linggo.
Simula nung araw na iniwan siya ni Tyzon ako na ang laging kasama niya. Medyo napapa dalas na nga ang hindi ko pag sipot sa basketball practice, ayoko din naman kasing iwan siya dito mag-isa.
Ayaw din naman kasi niyang lumabas.
Ewan ko ba kung bakit napaka gaan ng loob ko sa kanya, alam mo yung feeling na pag nakikita mo ang mukha niya bigla-bigla nalang sisigla ang sistema mo.
Parang gusto ko siyang yakapin pag nalulungkot siya, parang gusto ko siyang ihatid saan man siya pumunta at parang gusto ko na siyang makasama habang buhay.
Pero hindi ko pa matutupad yun, lalo na't hindi ako ang gusto niya.
Nakikita ko sa mga mata niya na gustong gusto niya parin si Tyzon kahit pinag pipilitan niya lang sa sarili niyang kalimutan na ang gagong yun.
"Hmm... master mahal na mahal kita" biglang sabi ni Charm habang tulog siya.
Kumirot nanaman ang puso ko. Lagi ko nalang 'tong nararamdaman pero sino ba naman ako para make alam sa buhay niya diba?
Isa lang naman akong hamak na kaibigan na nandito lang sa kanya palagi para mapasaya siya.
-
"Sumama ka nalang kasi sakin, may basketball practice ako ngayon. Cheer mo nalang ako sige na" pangungumbinsi ko sa kanya at napa isip naman siya ng ilang segundo.
Tumango kaagad siya sabay sabing "sige".
Ayos!
Ito na ang ikalawang linggo simula nung manirahan ako sa dorm kasama niya. May bayad man yung pag stay ko dito okay lang naman atleast nakaka sama ko yung taong gusto ko.
My lucky Charm.
Napapa lingon muna ako sa kanya bago ko pinapa pasok sa ring yung bola ng basketball. Yung imahinasyon ko gumagana nanaman. Pag isipan ba naman na boyfriend ko si Charm tas siya yung taga cheer ko
Napapailing nalang ako sa kilig.
"Magaling ba yung pagkaka laro ko kanina?" Tanong ko nang maka upo ako kaagad sa tabi niya. Napansin niya sigurong pawisan ako kaya binigyan niya kaagad ako ng towel.
"Oo magaling sobrang galing, oh eto inom ka muna tubig" mahinhin niyang pagkaka abot sakin nung bote ng mineral water.
"Salamat dito" sabay turo ko sa towel at tubig.
"Walang anuman" sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi niya. Eto na! Napapasaya ko na siya. Medyo natatanggal ko na yung lungkot sa puso niya.
Ang saya ko.
"Gusto mo dun muna tayo sa park?" Tanong ko at kaagad naman siyang tumango.
Mukhang gamit na gamit talaga yung motor ko ngayon, kung saan saan ko na kasi siya dinadala.
Isang buwan na kaming magkasama palagi at sa apat na linggong yun masayang masaya ako kasi napapawi ko na yung lungkot niya.
Isang linggo nalang din ay magsisimula na ang summer league ng university kaya todohan na yung practice ng bawat department.
-
Mabilis ang pag takbo ng panahon at eto na nga ang pinaka hihintay ng lahat.
High Hit University Summer League.
"Galingan mo ah" sabi saakin ni Charm na nagpa lakas ng loob ko.
"Oo naman ako pa ba?" Yun na ang huling pag uusap namin at nagsimula na nga ang laro.
First game, napagtagumpayan namin ang laro.
Second game, napag tagumpayan parin namin ang laro.
Semi finals na at kabado na ang mga ka teammates ko kasi makakalaban na nanaman namin ang department na tumaob sa masscom last year. Ang architecture.
"Kinakabahan ang mga ka teammates ko" saad ko ng makalapit ako kay Charm.
"Pakalmahin mo lang sila at sabihin mo, laruin niyo lang laro na para bang huling laro niyo na ito"
:)
Yun ang salitang nag motivate sakin para husayan pa ang pag laro. Nang makalapit ako sa mga ka teammates ko agad kong sinabi sa kanila yung sinabi ni Charm sakin.
"Guys kalma lang tayo, laruin lang natin ang laro na para bang huling laro na natin to. Ibigay natin ang lahat lahat ng makakya natin at i enjoy lang ang laro"
Nagsimula na ang semi finals at best of 3 ang labanan.
Magagaling ang mga manlalaro ng architecture, pero hindi rin naman papatalo ang galing ng mass communications.
Dikit na dikit ang laro at paiba iba rin ang sigaw ng mga tao.
Nakakabingi.
Sa huli ay nakuha rin namin ang kapanalunan, sawakas!
"Ang galing mong mag three point shot ah bilib na talaga ako sayo" kalmadong pag co congratulate saakin ni Charm.
"Mukhang alam ko na kung sino makakalaban ko sa finals nito ah" biglang sabi ni Ezeikiel nang makalapit siya saamin ni Charm.
Si Ezeikiel ang team captain ng engineering at masasabi ko ring magaling talaga sila ng grupo niya, nakapasok na sila ng finals eh.
Kung manalo man kami sa best of 3 ng semi finals, ang engineering na ang makakatapat namin.
Mukhang mas dumagdag yung pressure.
2 days ang pahinga namin at ngayon ay sasabak nanaman kaming muli sa court. Maaaring eto na ang larong magpapa angat ng pwesto namin papuntang finals, pero pwede ring bawiin ito ng architecture lalo na't hindi rin sila magpapatalo ng basta-basta.
"Maipapanalo na kaya ng mass communications ang semi finals? O baka naman babawiin pa ng architecture ang laban!" Sigaw ng emcee na nagpa yanig sa buong basketball fans na nasa loob ng court.
Grabe ang ingay.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na ang laro.
Lamang kaagad ang architecture sa first quarter, 22 sila at 16 naman kami. Binasa namin ang galawan nila at mukhang napag tagumpayan naman naming sirain ang napagplanuhan nila.
Pumantay na ang score namin sa second quarter at third quarter. Ngayon ay fourth quarter na at kinakabahan na ang lahat.
Kapag naipanalo namin to makakapasok na kami sa finals at pag nanalo kami matatalo ang architecture na laging nakakatapat ng engineering sa finals.
"GO MASSCOMM! GO MASSCOMM!"
"GO ARKI! GO ARKI!"
Last 15 seconds nalang ang laro at tyempo namang nasa akin ang bola, kabadong kabado na ako pero nang mapasulyap ako sa mukha ni Charm na nakangiti saakin bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob.
Tumalon ako sa labas 3 point line at pinanood ng lahat kung papaaano ko naipasok ang bola sa ring.
3 points!
82 - 79
Panalo kami!
Malakas ang hiyawan ng lahat ng maipasok ko ang bola. Naipanalo ko ang laro at dahil yun kay Charm.
My lucky Charm.
"Wooooooooohhh!"
...
![](https://img.wattpad.com/cover/220738655-288-k1860.jpg)