Charm's POV;
"Wala na kayo ni Shayne?!" Muntikan na akong mabilaukan sa kinakain kong turon. Napangiti lang siya ng peke at tumango ng kaunti.
"Anong feeling mo ngayon?" Tanong ko at ngumiti lang siya.
"Hindi masaya pero hindi rin naman ako sobrang lungkot, I just realized things na baka nga naging busy ako, lalo na at nakapasok na ako ngayon sa basketball team, baka mas maging busy pa ako sa pag study, pag dribble ng bola tas pag hampas ng drums, I want to be single for now" napangiti ako dahil sa sinabi niya, finally natutunan na rin niyang unahin ang sarili niya.
Hindi gaya nung isang araw na sising-sisi niya ang sarili niya sa lahat ng bagay.
"Good yan Zei, so for now mag focus ka muna sa sarili mo then maging mas productive ka pa at alam kong sooner makikilala mo na ang magiging forever mo" sumubo ako ulit sa turon na hawak ko.
"Baka nga kilala ko na" bulong niya pero narinig ko naman.
"Ay may nilo-look forward din naman pala" bahagya siyang napangiti na parang kinikilig.
Ambilis niya maka get over kay Shayne ah, pero atleast diba nakaka move on na siya ngayon, kahit kakasabi niya lang din na nag break sila.
Wow na wow.
"At dahil sa ngiting yan, ililibre kita ng samgyup, tara" buti nalang at nag shift siya ng morning class, may kasabay na rin akong gumala at gumawa ng assignments tuwing afternoon time.
Nakarating kami sa isang korean resto at dun na kami kumain ng lunch. Habang ngumunguya ako ng karne biglang nag pop up sa screen ng cellphone ko yung pangalan ni Tyzon sa instagram.
@itstyzonlim: bakit wala ka sa room niyo, nasaan ka?
@charmlq: may date ako with another guy.
Hindi ako nag reply hinintay ko muna ang reaction niya hanggang sa sineen nalang ako ng kumag. Nagselos siguro.
@charmlq: charot lang nag samgyup lang naman kami ni Ezei.
Hinintay ko ng halos tatlong minuto ang reply niya, grabe antagal naman.
@itstyzonlim: ikr. nanonood ako sine ngayon kasama ko yung chix ko.
Gago.
Sineen ko lang ang reply niya, nawalan na ako ng ganang kumain at napansin kaagad ito ni Ezei.
"Oh bat parang ayaw mo na?" Tanong niya habang sinasawsaw dun sa sauce ang kakainin niya.
"Busog na ako"
"Ay busog busog-an, si Tyzon kausap mo no? Ano may chix nanaman ba?" Tanong niya na kumuha ng atensiyon ko.
"Matanong ko nga Zei, ka band mate mo siya diba?" Tumango siya sa sinabi ko. "So medyo close kayo?"
"No, not really"
"May chix ba siyang dinadala sa rehearsals niyo?"
Napag isip-isip muna si Ezei ng ilang segundo.
"Marami, maraming babae yan, nakikita ko minsan yung mga cheerleaders nagsisipuntahan dun sa music room para lang makapag cheer sa kanya" natawa siya matapos niyang sabihin yun.
"Kaya pala, siguro isa dun sa mga cheerleaders kasama niya ngayon dun sa cinema"
Buong byahe akong hindi kumibo kay Ezei hanggang sa makarating na kami sa dorm.
"Alam mo Charm hindi mo dapat pinagduduhan ng ganyan si Tyzon, hayaan mo siya mismo mag sabi sayo ng totoo, makiramdam ka pero wag mong pangungunahan ang mga sinasabi niya" ngumiti ako sa sinabi ni Ezei at lumabas na ako sa kotse niya, nagpaalam muna ako bago pumasok sa entrance ng dorm.
"Andiyan ka na pala, musta date niyo?"
"Wala masaya naman" dumiretso kaagad ako sa higaan ko at inilapag sa study table ang mga gamit na inuwi ko.
"Kami rin masaya din kami nung ka date ko" sabi niya pero di ko lang pinansin.
Dumiretso ako sa closet at kumuha ng pajama at t-shirt, agad akong pumasok ng banyo at doon nagbihis.
Pagkalabas ko ay nakatingin lang siya sa suot ko.
"Bakit ganyan suot mo ngayon?"
"Pake alam mo"
Umupo ako sa working area ko at binuksan ang aking laptop. Andami ko nanamang i ta type na news reports.
Biglang nag ring ang cellphone ko at nakita ko kaagad ang pangalan ni Alec sa screen.
Ano naman kaya ang kailangan nito.
[Hello Charm?]
"Yes Alec? Bat napatawag ka?"
[About pala dun sa pair project natin, may ka pair ka na ba?]
"Pair? Wala pa eh, pwede bang ikaw nalang ka pair ko?"
[Kaya nga kita tinawagan kasi i pe-pair kita]
"Ay ambait naman ni Mr. Silvestino"
[Hindi naman haha, by the way nakagawa nanga pala ako, I just informed you na gagawin kitang pair sa ayaw at sa gusto mo]
"Ay ganon? HAHAHAHA sige thank you ulit may ginagawa pa ako"
[Nakaka istorbo ba ako?]
"Hindi naman bye na"
[Sige bye!]
Ambait talaga ni Alec, nabawasan nanaman ng isa ang porpoblemahin ko. Inilapag ko sa lamesa ang cellphone ko at binalik ang focus ko sa laptop.
"I'm jealoused" biglang sabi ni Tyzon na nakaupo sa kama ko.
"And so?" Pananaray ko at lumapit siya sa likod ko at niyakap ako ng mahigpit.
"I'm so sad, hindi naman ako nakipag date kanina eh, pinuntahan kita sa room niyo pero wala ka na dun tas nakita ko pa sa ig stories mo na nag samgyup kayo ni Ezeikiel, tapos ngayon ayaw mo pa akong kausapin mas gusto mo pa atang makipag usap dun sa Alec na yun kesa sakin na gustong gusto makuha ang atensiyon mo" pinatong niya ang baba niya sa ulo ko habang niyayakap niya parin ako.
"Sino ba naman kasi gugustuhing marinig na may ka movie date yung taong gusto niya" seryosong sabi ko na nagpatahimik sa kanya.
"G-gusto mo ko?"
Ano daw?
"Huh?"
"Sabi mo gusto mo ko, rinig na rinig ko yun" napatayo siya ng maayos at hinila ang upuan ko at pumwesto siya kaagad sa harap ko.
"Sabi ko na eh crush mo rin ako, mutual talaga feelings natin eh, i knew it!" Masayang pagkakasabi niya at dahan dahang hinawakan ang chin ko.
Napalunok nalang ako ng laway ng mga sandaling iyon.
"Di ko naman sinabing gusto kita ah"
"No, narinig ko yun"
Ngumiti siya ng napaka tamis.
"So hindi pala nasayang yung pag nakaw ko ng first kiss mo, siguro naman hindi rin masama kung nanakawin ko rin ang second, third and so on" agad niya akong hinalikan at napapikit nalang ako sa sarap ng pag galaw ng labi niya.
"I do really like you Charm, I promise I will always choose you, only you, my Charm"
...