Charm's POV;
Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
Halos hindi na ako makatulog kaka bantay sa kanya, pinapanalangin ko palagi na sana gumising na siya.
Tyzon gumising ka na.
Mahal na mahal kita.
"Charm I think you need to rest, umuwi ka nalang kaya muna sa inyo para makapag pahinga ka" umiling kaagad ako ng sabihin iyon ni tita.
"Okay pa naman po ako, kaya ko pa po" ngumiti ako ng tipid para ipakita sa kaniya na kaya ko pa.
"No you don't, alam kong antok na antok ka na tignan mo nga yang mga eyebags mo oh, pag makikita yan ni Tyzon magagalit yun" napahawak kaagad ako sa ibabang parte ng mga mata ko.
"Sige na umuwi ka na muna balik ka nalang dito pag nakatulog at naka kain ka na ng maayos" pangungumbinsi ni tita kaya sumang ayon nalang ako.
Hinatid ako ng family driver nila papunta sa dormitory at kahit nahihiya man akong tumanggap ng kagandahan ng loob ay pinilit parin ako ni tita kaya di na ako naka tanggi.
Pagkapasok ko ng room nagulat kaagad ako ng mapansin kong malinis na ito. Naka ayos na ang mga kama, ang sink at ang sahig ay nalinis na rin.
Binuksan ko ang closet ni Alec pero wala na dun ang mga damit niya. May nakita naman akong note sa ibabaw ng study table ng dumako ang tingin ko don.
Agad ko itong binasa.
"Umuwi na ako sa'min sa probinsiya Charm, sorry kung hindi ko man lang nasabi sa'yo sa personal. Mag-iingat ka jan ah, wag kang magpapalipas ng gutom at matulog ka na sa tamang oras. Pinapanalangin ko rin na sana magising na si Tyzon kaya sigurado ako na baka mamaya, bukas o bukas makalawa gising na yun kaya wag ka ng mag-alala" -Alec
Napangiti kaagad ako matapos kong mabasa ang note na iyon.
Naligo muna ako bago natulog.
Nagising ako dahil sa malakas na pag katok sa pintuan ng room ko. Tumayo kaagad ako para buksan ito. Shayne was here and she was crying again.
"Anong nangyari?" Tanong ko at buhos na buhos parin ang mga luha niya. Halos hindi na siya makapag salita dahil nahihirapan na rin siya sa pag hinga.
"S-si Tyzon" sabi niya gamit ang nanginginig niyang boses.
"Anong nangyari kay Tyzon?" Kinakabahan na ako.
"He's d-dead" doon na nagsimulang umagos ang mga luha ko, para bang bumagsak ang buwan at mga bituin sa kalangitan.
Parang pinunit ang puso ko sa sobrang sakit.
Naalala ko tuloy yung mga masasayang yugto ng buhay at relasyon namin, mula sa una naming pagkikita, sa pagiging dormmates, mga asaran, mga pikunan, mga iloveyou, mga hugs & kisses, mga dirty jokes niya at hanggang dun sa break up namin.
Ang sakit malaman na wala na ang taong mahal mo. Napa upo nalang ako sa sahig dahil sa panghihina.
Sa sobrang pag iyak ko dahan-dahan na akong nawalan ng malay.
Nang magising ako, napansin kong nasa higaan parin ako.
Muli akong umiyak dahil sa nangyari. Ambigat sa loob nung napanaginipan ko.