Charm's POV;
"Wag muna ngayon Alec, okay lang ako" tinanggihan ko ang pag alok ni Alec sakin na sumakay sa motor niya. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makapag isip-isip at mapag-isa. Habang nag babagal bagalan ang andar ng motor ni Alec andito naman ang kotse ni Tyzon sa likod ko.
Anu ba 'tong mga lalaking to, napaka titigas ng utak.
Hindi na ako nakatiis sa ginawa nila kaya tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makapasok ng univ, hindi na rin ako pumasok sa news station. Dumiretso nalang ako sa classroom para maka layo-layo sa issues.
Andaming bulung bulungan sa paligid. Pagdating ko sa classroom halos lahat ng mga kaklase ko nakatingin din sakin na para bang isa akong kriminal na may nagawang malaking kasalanan.
Nanatili akong tahimik hanggang sa mag simula at matapos ang klase, the whole class nasa tabi ko lang si Alec at hanggang sa makalabas ako ay sinusundan niya parin ako.
"Mr. La Questa, sorry na... ano bang nagawa ko?" Hinarap ko siya at tinutukan sa mga mata, inilabas ko ang pinaka cold kong personality at sainabing.
"Gusto ko lang munang mapag-isa" pinilit kong ngumiti kahit alanganin at dahan-dahang tinalikuran siya. Dumiretso agad ako sa mall para magpa lamig ng utak, i'm so stressed nowadays.
Kumakain ako ng ice cream ng maisipan kong manood ng sine. This is my hobby aside sa pag va vlog, ang manood ng sine mag-isa. Mahilig ako sa romance drama na may malungkot na ending. One of my favorite movies are titanic, five feet apart and midnight sun. Ang gaganda ng mga movies na yan, ramdam na ramdam ko yung saya at lungkot ng bawat casts.
Naka upo na ako ngayon dito sa likod na part ng sinehan, di ko na sasabihin kung anong movie yung pinanood ko basta romance 'to.
May lalaking umupo rin sa likod na part ng sinehan, naka hoody siya ng black at matangkad, di ko man lang makita ang mukha niya. Anyways pumunta ako dito para manood ng sine, hindi para mag scan ng mukha.
Nagtapos ang movie at happy ending ang nangyari. Hindi ko alam pero naiiyak talaga ako sa mga ganitong movies, maybe because i'm a 'not so romantic' person. O siguro tears of joy lang talaga kasi akalain mo yun nagtapos parin pala talaga ang movie ng happy ending, andaming nangyaring ups and down pero sila parin pala talaga ang nagkatuloyan, andaming flaws ng bawat isa pero sa huli tinanggap parin nila dahil mahal nila ang isa't isa.
Hays what a nice movie.
Nang matulala ako sa screen ng sinehan, may biglang nag abot ng panyo sakin at nagdalawang isip pa akong tanggapin ito. Nakalimutan ko palang mag dala ng panyo, hay nako.
Umangat ang tingin ko sa mukha ng lalaki na naka hoody, siya yung naglahad ng panyo. I didn't ask him to do that thing pero bigla niya lang hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak.
Mas lalong bumuhos ang luha ko ng makita ko ang mukha ng lalaki.
P-phoenix...
Umupo siya sa tabi ko at alalang naka tingin sakin.
"I'm a bullshit guy, i know" una niyang nasabi.
Nag tagal ng ilang segundo ang katahimikan bago siya nagsalitang muli.
"Alam kong galit ka parin sakin, napaka gago ko, hinayaan kitang mawala sakin, hinayaan kitang tangayin ng hangin, hindi man lang kita nasagip at ngayon nandun ka parin sa himpapawid naghahanap ng rason kung bakit kita iniwan" tumatagos sa puso ko yung mga sinabi niya.
"Ikaw ang pinaka nagpasaya sakin Charm, ikaw ang naging lakas ko. Kabaliktaran ang naiparamdam ko sayo kaya I'm sorry, I'm sorry if naging immature ako sa relationship natin. I'm sorry if nagsawa na ako sayo, i'm sorry if hindi ko naitupad yung mga pangako 'ko" mas tumindi ang pag iyak ko, parang pinupunit nanaman yung puso ko. I thought i moved on, pero bat ganito parin yung sakit.
"Charm, I know that there is someone who loves you more, alam kong may ibang tao pang mas mamahalin ka ng todo kesa sakin, pinakawalan kita kasi di kita deserve, I hope you'll understand. Charm i do love you, but this love i felt, it's already gone. I moved on, so you should move on too" pagkatapos niyang magsalita, hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya sa harapan ko. Hawak-hawakan ko na ngayon ang panyong ginamit niyang pamunas ng mga luha kong patuloy parin sa pag daloy.
Matapos kong umiyak ay nag ayos muna ako ng sarili bago umuwi sa dorm. Ewan ko ba pero parang gumaan na din yung pakiramdam ko. Parang nailabas ko na yung mabigat sa loob ko. I think I already moved on.
"San ka galing?" Tanong ni Tyzon ng makapasok ako sa room namin. Naabutan ko siyang naka boxer shorts at topless, may pinapanood siya sa laptop niya dun pa talaga sa working area ko.
"Nanood lang ng movie" sagot ko at ngumiti, nagtataka naman siyang napatingin sakin.
"Tama ba yung nakita ko? Nginitian mo 'ko?" Ngumisi siya na para bang na amaze sa nakita.
"Bawal na ba akong ngumiti?" Mas lumaki pa ang ngiti ko, ewan ko ba parang ang sumaya ako bigla.
"Dahil jan sa pag ngi-ngiti mo, lika nga dito tabihan mo ko may papanoorin tayo" nagpalabas nanaman siya ng nakakalokong ngisi. Nagmumukha nanamang manyak.
Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa study table at nag bihis ng peach shirt at dolphin shorts.
"Wag mo ngang tutukan ng tingin" sinaway ko siya dahil sa manyak na tingin niya. Grabe kasi kung makapag tingin sa legs ko, malay ko bang distracted pala siya sa suot ko.
Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya, biglang sumeryoso at tiniklop niya agad ang laptop niya na para bang may tinatago.
"Wag nalang natin panoorin, it's a prank!" Medyo alanganin yung ngiti niya. May tinatago talaga to.
Agad akong lumapit sa kanya at binuksan ang laptop. There it is, sabi ko nanga ba nanonood nanaman ng malaswang video.
Tiniklop ko nalang ulit ang laptop at lumayo sa kanya.
"Ang libog mo" kumuha ako sa closet ng pajama at naglakad papasok ng banyo.
"Wag mo ng palitan yan!" Sigaw niya pero dire diretso lang akong punasok at nilock ito.
"Ang manyak mo!" Sigaw ko rin na ikinatawa niya.
...