Charm's POV;
[NP; Hindi Tayo Pwede by: The Juans]
'Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede'Nagsimula na ang kanta at di ko maiwasang mamangha sa boses ng bokalista. Even tho naiinis parin ako sa kanya parang kumalma naman bigla yung puso ko.
'Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan'I really love this song, isa 'to sa mga kantang nag heal sa puso ko. Sa tuwing naririnig ko ang kantang to parang naaalala ko nanaman yung mga nangyari.
'Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo'Parang nagfa-flashback sa utak ko yung nangyari sa amin ni Phoenix, akala ko nakalimutan ko na, akala ko lang pala.
'Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala'Parang hinahaplos ng boses niya ang puso ko. I didn't expected to cry again because of this song.
'Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede'Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at patuloy na nakikinig sa kanta habang marahan na nagpupunas ng mga luha. Napatingin ako kay Tyzon na ngayon ay nakatingin na rin sakin. Parang nangungusap ang mga mata niya. Sinasabing "sige ilabas mo lang" ganyan yung dating ng pagtitig niya sakin.
'Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na lang'I just can't hold my tears, habang tumataas yung kanta mas bumibigat yung pakiramdam ko. Bakit nanaman ganito?!
'Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede
Hindi tayo pwede'Natapos ang kanta at panay lang ako sa pag punas ng mga luha sa mata ko. Nang makita kong papunta si Tyzon sa direksiyon ko, agad akong naglakad palabas ng music room at pumunta sa isang banyo.
Di ko lang talaga matigil ang pagluha ko, muling naipon yung bigat sa puso ko kaya siguro di na ako umiiyak ng ilang araw. Inipon para ilabas ng isang bagsakan.
Nakatingin lang ako sa salamin at patuloy lang ang pag agos ng aking luha. Parang gripo na hindi ma patay-patay.
"Bakit ka pa umiiyak? Nakalimot ka na diba? Charm umayos ka, maayos ka na diba. Diba?" I took a deep breath at nagpunas ulit ng mga luha for the last time at pinilit ngumiti sa harap ng salamin.
"Magiging okay ka rin, tiwala lang"
Pagkalabas ko ng banyo agad akong sinalubong ni Tyzon na naka sandal sa pader at nakapamulsa.
"Bakit ka umiyak?" Bigla niyang tanong na ikinagulat ko.
"Na feel ko kasi yung kanta" tipid kong sagot.
"Feel? So you mean nakaranas ka na ng heart break" tumango lang ako at umiwas ng tingin. Nagsimula akong maglakad pabalik ng music room at sinabayan naman niya ako sa paglalakad.
"When?"
"Last month"
"Who's this guy?"
"You don't know him"
"Awts gege"
Ng makarating kami ulit sa music room sinalubong kaagad ako ni Ezei.
"San ka galing? Bat' ngayon ka lang?"
"Nag banyo lang po ako tay" natawa nanaman ako sa facial expression niya. Napaka seryoso parang papa yung dating.
"Nagtatanong ako ng maayos Charm, eto? Bat kasama mo 'to?" Tinuro niya si Tyzon na ngayon ay seryoso lang na nakatingin samin.
"Uhhh nakita ko lang siya sa labas ng cr at di ko alam kung bat siya sumabay sakin, tanungin mo siya" i said.
"Vro wala akong masamang ginawa kay Charm, i just want to talk a bit" pagpapaliwanag niya at nakatingin lang ng seryoso sa kanya si Ezei.
"Ahh about pala dun sa nangyari sa inyo ni Charm kagabi" muntikan na akong mapatalon sa kinatatayuan ko ng magsalita si Ezei.
"What? Kami may ginawa kagabi?" Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, parang natatakot ako na nahihiya.
"Wala! Ezei lika na uwing-uwi na ako" di ko na sila pinagpa-usap at dali-dali ko ng hinila si Ezei para makalayo kay Tyzon.
"Bat mo sinabi yung about kagabi?" Inis na pagkakasabi ko.
"I just want to clear the situation Charm" napakamot pa siya sa ulo niya. "But I think wala siyang alam sa nangyari sa inyo kagabi" medyo awkward na tugon niya.
"Pahamak ka Zei, baka ano nanaman isipin nun" nakalabas na kami ng gate at dumiretso na kami sa kotse niya na nasa parking area.
Pagkapasok namin sa kotse ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto.
"Nakakapagod ba mag drums?" Tanong ko habang nakatingin sa mga kamay niya.
"Sa kamay? Oo naman, pero masaya naman siya at worth it lalo na pag napapasaya mo yung crowd" napa 'ahh' nalang ako after niyang sumagot.
"Teka lang si Tyzon ba yan" turo niya sa lalaking sumakay sa isang kotse sa harap.
"Naka BMW naman pala si koya, bat pa kaya siya nag dorm? Sa tingin ko mayaman naman yang si Tyzon"
I don't know
-
"Ano yung sinabi ni Ezeikiel kanina na nangyari sa 'tin kagabi?" Tanong niya na nagpa bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Sabi ko nanga ba itatanong niya. Kung pwede ko lang talaga ibalik ang oras, edi sana napigilan ko si Ezei na dumada.
"Uhmm ano kasi... sure ka bang wala kang naaalala?" Tanong ko na ikina kunot ng noo niya.
"I just remember nothing"
"Ganito kasi yun" huminga ako ng malalim at inexplain sa kanya ang mga aktwal na nangyari.
"Kiss lang naman pala eh, ang OA mo naman. Pwede mo naman sabihin sakin yun" humiga siya sa kama niya at tumagilid para makaharap sakin.
"Tanga ka ba, first kiss ko yun tas ninakaw lang ng lasing" agad siyang natawa sa sinabi ko at napa hinga narin siya ng malalim.
"Charm"
"Hmmm?"
"I have an idea" tumingin muna ako sa kanya at biglang sumilay ang isang napaka tamis niyang ngiti.
"Idea?"
"What if ligawan nalang kita"
Ha?
Anudaw?
...
