NSR 37

216 17 3
                                    

Charm's POV;

Magkaharap kaming nag uusap ngayon ng papa ni Tyzon. Kabadong-kabado ako sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Nakaka kaba.

"Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa pag punta mo dito" parang nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya.

"Walang anuman po"

"Bago ko sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin, gusto ko munang humingi ng pasensiya sayo" damang dama ko ang sinseridad sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Andami kong nagawang mali at lahat yun pinagsisisihan ko na, ako ang rason kung bakit natanggal sa trabaho ang kuya mo"

Napanganga ako sa sobrang gulat.

"Ako rin ang dahilan kung bakit lumayo sa iyo ang anak ko, inipit ko siya sa isang sitwasyon na kapag ipagpapatuloy niya ang pakikipag relasyon sa iyo, mas sisirain ko pa ang buhay mo. Humihingi ako ng tawad" nagsimula nanaman ako sa pag luha, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong umiyak ngayong araw.

"Inutusan ko si Shayne na pumalit sa pwesto mo dahil siya lang ang kilala kong malapit sa anak ko, pero mas lumala lang ang sitwasyon. Nabulag ako sa aking pananaw, lagi kong iniisip na ang lalaki ay para lamang sa babae na hindi mag wo work ang relationship between you and my son. But I was wrong, hindi ko dapat kayo pinaghiwalay. Kung hindi ko sana pina iral ang makitid na pananaw ko, hindi sana ito mangyayari ngayon"

I didn't expect na iiyak si tito sa harapan ko. Hindi ko alam pero imbes na magalit ako sa kanya mas umiiral ang pagiging malambot ng puso ko, ayokong mag tanim ng galit sa kung sino. As long as pinag sisihan nila ang ginawa nila, papatawarin ko sila.

"Tatanggapin ko kung magagalit ka sakin, pero sana isantabi mo muna ang galit jan sa puso mo, at mahaling muli ang anak ko. Makaka asa ba ako sayo?"

"Yes po, mahal na mahal ko po si Tyzon. Mahal na mahal ko po ang anak niyo"

"Salamat"

-

Alec's POV;

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laro at hanggang ngayon ay wala parin dito si Charm, naka ilang tawag na ako sa kanya pero hindi man lang siya sumasagot.

Nag-aalala na tuloy ako.

Final game pa naman ngayon, gusto kong nandito siya para masaksihang muli ang laro ko.

Pero nasaan siya?

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala talagang Charm ang nakita ko. Nagsimula na ang laro pero ang isip ko nasa kanya parin.

Magkatapat ang koponan ko at ang koponan ni Ezeikiel. Magaling siyang mag laro at nginingisihan lang niya ako sa bawat pagkakataong nakaka shoot siya ng bola.

Kaasar.

Ginalingan ko din naman pero hindi ko talaga maibigay ang best ko.

Charm nag-aalala na ako sayo.

"WOAAAAHHHH" yan ang sigawan ng lahat nang manalo ang engineering sa laro. Natalo kami.

Hayst.

Walang gana 'kong dinala ang mga kagamitan ko papuntang carpark. Nagulat naman ako ng bigla akong akbayan ng kung sino.

Si Exeikiel pala.

"Congrats pre" bati ko sa kanya at ngumiti lang siya sakin.

"Congrats din sayo vro kasi ginalingan mo"

Not So Romantic (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon