Charm's POV;
nagtagal ng ilang minuto ang halikang hindi inaasahan. Nag ipon ako ng lakas upang bumwelo ng pag tulak sa kanya, buti nalang at nagtagumpay.
"Ano ba Tyzon! Umayos ka nga" tumayo ako at dali daling sinara ang pinto. Nilock ko muna ito at napa walling habang hawak ng isang kamay ko ang dibdib kong parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok.
"Nakaka inis ka Charm, nakaka inis ka. Ang tanga tanga mo" napasabunot nalang ako sa sariling buhok. Bigla naman akong napalingon sa lalaking naka higa sa harapan ko.
"Ang tanga mo rin Tyzon, bakit mo sinakto?" Napahawak ako bigla sa labi kong hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang mga galaw ng labi niya. Minumulto na ata ako ng halik na yun.
"Act normal Charm, aksidente lang yun okay. It's just an accident. It's just an accident. It's just an-"
"Ang s-sarap ng labi mo uhmmm"
Ano daw?!
-
"Ezei natatakot na ako sa lalaking yun" hapon na ngayon at tumambay muna ako dito sa habay nila Ezei. Di talaga mawala sa isip ko yung mga nangyari kagabi!
"Relax Charm wala naman siyang ginawang masama, intindihin mo kasi lasing siya nun at aksidente ang nangyari. If ever na binastos ka niya ulit sabihin mo lang at ako na mismo magpapatumba sa kanya" pinakita pa niya ang kamao niya at bigla nalang akong natawa.
"Parang gago ka Zei"
"I'm just being protective bestfriend of yours" after niyang magsalita ay biglang nag ring ang cellphone niya. "Tinatawagan na ako ng prinsesa ko baka magpapasundo na"
"Sige uuwi narin ako"
"Hatid na kita"
"Okay" i said and smile.
Kinuha ko na ang bag ko at matapos magharutan sa call ni Ezei at Shayne. Pumunta na kami sa kotse niya at nagsimula na siyang mag drive papuntang HHU.
"Kailan next performance niyo?" Tanong ko sa kanya habang nagmamameho.
"Uhmm next week may performance kami sa valentines day, actually may practice kami ngayon. Nood ka please support mo ko sige na..." lumingon siya sakin at nag pa cute.
"Sige why not? Wala naman akong gagawin sa dorm ngayon"
"Nice! Thankyou bestfriend" kinindatan niya ako at ngumiti. Since highschool ganyan na talaga ginagawa niya pag masaya biglang kikindat tas may pangiti. Kahit sa performance nga nila habang nag da drum siya minsan may pa kindat at ngiti pa yan sa audience. Kaya di ko masisising maraming magkagustong babae dito sa bestfriend ko.
Bigla kaming huminto sa harap ng dorms.
"Bat tayo huminto? Pinapauwi mo na ba ako?" Tanong ko sa kanya na agad niyang ikinagulat.
"No, I'm just thinking about your stuff" nginuso niya ang bag kong kalaki laki. "Iwan mo nalang yan dito sa dorm baka mabigatan ka niyan kanina mo pa yan dinadala"
Napangiti nalang ako at tumango. "Okay teka lang hintayin mo ko, mabilis lang to" agad akong bumaba at naglakad ng mabilis papuntang room 34. Room namin ni Tyzon.
Pag pasok ko sa room wala na dun si Tyzon na iniwan ko kaninang umaga. Ayoko kasing makita pagmumukha niya kaya habang tulog siya kanina, umalis na ako, mas lalo kasing tumatatak sa isip ko yung nangyari kagabi pag nakikita ko siya.
Nagsuot lang ako ng plain pink pastel na oversized shirt at white shorts na pinaresan ko ng white shoes. Dinala ko nalang din ang DSLR cam ko para makapag picture picture nanaman ako ng mga bagay bagay.
After kong magbihis ay nilock ko na ulit ang room at dali daling bumalik sa kotse ni Ezei.
"Ang kinis ng legs natin ah" biglang bungad ni Ezei ng makapasok ako sa kotse. Nahiya tuloy ako sa suot ko. Inayos ko ang suot ko para hindi niya masyadong makita yung legs ko.
"Wag ka ng mahiya Charm" nagsimula na siyang mag drive papuntang parking area ng univ.
"Maputi legs mo pero na coconcern din ako, baka may mag tangkang bumastos sayo ang sexy pa naman ng bestfriend ko" ewan ko ba pero imbes na ma feel ko yung sincerity, natawa nalang tuloy ako.
"Alam mo Ez, you know naman na ganito ako pumorma diba" di ko na talaga kayang pigilan ang tawa ko. Sa ilang years naming mag bestfriend hanggang ngayon over protective parin siya sakin. Ganito naman lagi pagmumukha ko pero paulit ulit lang din ang linya niya.
"Nag-aalala lang ako eh"
"Oo alam ko, natawa lang talaga ako"
-
"Hi Charm" bati sakin ni Shayne at nag hello din ako.
"Oh san ka pupunta Shayne?" Agad kong natanong, dala niya kasi ang bag niya at papunta siya sa gate ng school.
"May bibilhin kasi ako, bye Charm, bye babe" nag hand gesture pa siya na parang bumabaril at nag act naman si Ezei na parang natamaan. Ewan ko sa magjowang to grabe.
"Akala ko kasama ko siya para sumuport sayo" sabi ko habang naglalakad kami papuntang music room.
"Hayaan mo na may projects kasi siya at may bibilhin daw siyang materials" nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa music room.
Malaki yung music room, may stage, may upuan para sa mga manonood at may back stage na kung saan nilalagay ang mga instruments.
Umupo ako sa may bandang gitna, konti lang yung mga nanonood, nakita ko sa pinaka gilid sina Xymie, Marcus at Kier. I think nandito sila para panoorin si Kard, siya kasi yung guitarist ng FOR YOU.
Kung nagtataka kayo kung ano yung FOR YOU, ganito kasi yun. Ang FOR YOU ang boy band ng High Hit University, na napaka famous dito sa univ at maging sa ibang schools. Binubuo ng limang kalalakihan at lahat sila ay heartthrob ng univ. Si Kard Corpuz ang guitarist, si Tyzon Lim ang vocalist, Ezeikiel Lacson as the drummer, Laxus Hillman as the bassist at si Jeyse Choi naman ang sa synthesizer keyboard. Lagi silang nagpeperform sa bawat events ng univ namin kaya alam ko na alam ng lahat dito sa univ kung sino sila.
"Bat mo ko pinuntahan dito?" Bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses na yun.
"H-ha? Ikaw? Di ah! S-si ano, si sino nga yun?"
"Sus rarason ka pa, aminin mo na kasi na pinuntahan mo ko dito" sasagot pa sana ako ng biglang may sumulpot na dalawang babae, fan girls ata.
"Kuya Tyzon pwede pa pic?" -girl1
"Ako din kuya" -girl2
Tumango lang si Tyzon at bigla naman akong nilapitan nung girl1.
"Uy pwede mo ba kaming pikchuran?" Nilahad niya sa harap ko ang cellphone niya at dahan-dahan ko itong inabot.
Picture lang naman eh.
Kinuhanan ko sila ng litrato at agad kinuha sakin nung babae ang cellphone niya matapos ko silang kuhanan.
Hindi man lang sila nagpasalamat sakin parang inirapan pa nga ako nung isa. Hayst.
"Salamat Tyzon bait mo talaga" sabi nung girl2 saka sila tuluyang umalis. Pinagmasdan ko nalang ang pag alis nilang dalawa hanggang sa maka labas na sila ng music room.
Medyo nabastos ako sa inasal ng mga babaeng yun pero okay lang, sanay naman ako. Ganun din minsan mga fangirls ni Ezei eh.Napatingin ako kay Tyzon na ngayon ay seryosong naka tingin sakin. Lumapit siya at agad na ginulo ang buhok ko.
"Don't mind those girls okay?, mas maganda ka sa kanila"
He smiled.
At me.
...