Charm's POV;
Nasagutan ko nga ang mga tanong sa exams pero hindi ko parin masagot yung kaisa-isang tanong sa isip ko.
Bakit nasasaktan ako?
Siguro dahil jowa ko siya at nakita ko siyang may kahalikang iba, proud pa! Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako dahil sa nakita ko o nasasaktan ako kasi parang nababalewala na niya ako.
Hayst.
"Siguro naman best may matinong explanation si Tyzon kung bakit nangyari yun, baka busy ganun" sabi ni Ezei na kasama kong naglalakad ngayon papuntang parking area.
"Ni hindi man nga lang siya nag goodmorning sakin, kumain ka na?, o kahit ingat ka man lang tapos ngayon ewan ko kung nasaan na ba yun" starting yesterday hindi ko na siya nakita, sa music room o kahit sa dorm.
Baka busy nga lang siguro.
Pagkapasok namin sa kotse ay nagulat nalang ako sa nasaksihan ng mga mata ko.
Si Tyzon may kasamang babae, masaya yung babae sobrang saya habang nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ng kasintahan ko.
"What the fuck?!" Biglang napamura si Ezei habang nakatingin din siya sa tinitignan ko.
Walang alinlangan siyang lumabas ng kotse at sinugod ng suntok si Tyzon. Lumabas na din ako ng kotse at pipigilan sana sila pero nang makita ko ang pagmumukha ni Tyzon, parang bumagsak lahat ng bituin sa kalangitan ko.
"Ano bang problema mo Ez?" Galit na sabi ni Tyzon habang naka hawak sa panga niya. Hindi niya pa alam na nandito ako sa sulok.
"Ikaw! ikaw ang problema ko, kaya pala bigla kang nawala kasi may ibang priority ka na. Naghihirap na sa kakaisip si Charm tapos ikaw puro pasaya at pambababae lang ginagawa mo" nang isumbat yun ni Ezei biglang napatingin sakin si Tyzon at yung babae niya.
"M-master... wala akong ginagawang masama" malungkot na pagkakasabi ni Tyzon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bibigyan sana siya ng sampal pero hindi dumapo ang palad ko.
Hindi ko kaya.
"Bakit mo nagawa sakin to" isa-isang nagsi bagsakan ang mga luha sa mata ko.
"Let me explain" hinawakan niya ang magkabilang kamay ko pero agad ko itong inalis sa pagkakahawak niya.
Umiling na lamang ako at aalis na sana, pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.
"Tyzon..."
"Charm, please don't leave me"
"Tanga ka ba o nagtatangahan ka lang para kaawaan ka nitong bestfriend ko" Hinawakan ni Ezei ang isa ko pang kamay at galit siyang nakatingin kay Tyzon.
"Bitaw Ez mag uusap kami ng boyfriend ko" matapos yun sabihin ni Tyzon bumitaw kaagad si Ezeikiel.
"Alam mo? Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinaka walang konsensiya. Una sa lahat bestfriend ko ang sinaktan mo tapos ang nilandi mo EX KO PA TALAGA?!" Dun ko nasaksihan ang galit at lungkot sa mga mata ni Ezei.
Shayne was here, standing infront of us. Ni hindi ko rin alam bakit sa lahat ng babaeng papatulan ni Tyzon bat ex pa ng bestfriend ko.
"Tyzon alis na tayo dito" pang uusap ni Shayne kay Tyzon pero tinulak lang siya ng mahina nito.
"Shayne siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na sakin?" Hindi makapag salita si Shayne ng sabihin iyon ng ex niya.
"Siya ba yung sinasabi mong bagong nagpapasaya sayo? Kaya ba dinahilan mo ang pagka busy ko para lang makipaghiwalay at makasama itong gagong 'to?" Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Ezei, pinagpalit dahil sumaya sa iba, pinagpalit dahil hindi na ikaw ang nakakapag pasaya.
"Ezei..." mahinang pagkakasabi ni Shayne at pati ito ay napa iyak na rin.
Hindi ko na kaya to.
Bumitaw ako sa pagkaka hawak ni Tyzon at agad kong hinila si Ezei papasok ng kotse niya.
Lalapit pa sana si Tyzon sa amin pero pina andar na kaagad ni Ezeikiel ang kotse at umalis na kami sa lugar na iyon.
"I didn't expect that, sa kadami-dami ng lalaking ipapalit sakin ni Shayne sa boyfriend mo pa talaga" napasabunot siya sa sariling buhok niya at tumingin sakin.
"Okay ka lang?" Tango lang ang sinagot ko sa tanong niya.
"Sa bahay muna tayo, wag ka munang umuwi dun sa dorm, last day na rin naman ng exams bukas at tapos ka na rin naman sa projects mo kaya wala ka ng babalikan sa univ"
"Kailangan ko pang kausapin si Tyzon baka may ma e explain pa siya sakin" kalmadong pagkakasabi ko.
Kitang-kita sa mga mata ni Ezeikiel ang inis, pagka dismaya at lungkot.
"Bakit mo pa ipagpapa explain ang gagong yun eh kitang-kita mo naman kanina kung paano siya nakipag landian sa babaeng yun"
"What if friends lang sila"
"What if?! Charm wake up! Ang babaeng kasama niya kanina ay yung babaeng nakahalikan niya sa picture!" Halos pasigaw na ang tono ng pananalita niya.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Ezei, masyado siyang kalmado para maging ganito.
"Paano mo nalaman yung about sa picture"
"Nakita ko lang din sa IG story ng boyfriend mo, at first nanghinala na ako na si Shayne yung babae sa pic pero hindi ko pinaniwalaan ang sarili ko kasi akala ko hindi yun magagawa ni Shayne sakin and I also think na baka matagal na yung picture, I just really want to stay calm pero ansakit eh, ang sakit sakit"
Agad-agad na pinunasan ni Ezei ang mga luhang dumadaloy nanaman sa kanyang mga pisngi.
Hindi na ako nagsalita pa at dumiretso na nga kami sa bahay nila.
"Oh bat parang mugto ang mga mata niyo, anyare?" Tanong kaagad ni Tita Tina ng makaupo kami sa sofa.
"Wala to ma, wala to, halika Charm dun muna tayo sa taas" hinila kaagad ako ni Tyzon papunta sa kwarto niya.
"Bumaba kayo dito mamaya para sa dinner ah" sigaw ni tita Tina.
"Opo" sabay naming pag respond ni Ezeikiel.
Nang makapasok kami sa kwarto niya ay humiga na kaagad siya sa kama at ako naman ay umupo lang sa upuan na nasa harap ng bintana.
Umuulan na pala.
"Sa tingin mo Zei may i e explain pa kayang matino sakin si Tyzon?" Tanong ko habang nakatunganga sa bintana.
"Charm sasabihin ko ulit sayo to, wag ka ng maghahabol at magpapakatanga okay? Bigyan mo rin ng pagpapahalaga ang sarili mo, what if iiwan ka na niya, what if makikipag break na siya sayo, atleast diba may natitira ka pang pagmamahal sa sarili mo"
Isang malakas na pag hinga ang nilabas ko.
"Wag naman sana"
...