Charm's POV;
Hindi ko alam kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon ni Tyzon. Nakapatong ang mukha niya sa balikat ko at dito umiyak ng umiyak. Ni hindi ko man lang malaman ang rason ng pag iyak niya.
"Ano ba kasing problema?" pabulong kong tanong pero nagbibingihan nanaman siya at hindi nanaman nasagot ang tanong ko.
Ilang beses ko na siyang tinatanong, ayaw talagang sumagot. Ayoko namang mangulit kasi may mga bagay na mahirap i explain, lalo na pag sa problema.
Niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa tumigil na sa pagtulo ang mga luha niya.
"Dati ako yung iyakin tas ngayon ikaw na yung todo ang iyak satin, ano ba kasing problema?" I brushed his hair using my hand and he was just staring at me.
Nakaka awa naman yung mga tingin niya.
"Naguguluhan na ako master" yumuko siya at napakagat sa ibabang labi niya.
"Bat ka naman maguguluhan? Tungkol ba ito dun sa sinabi ng mga magulang mo? Okay lang sakin yun diba sabi mo magtiwala lang, matatanggap din tayo diba" muli ko siyang niyakap at hinagod-hagod ko ang likod niya.
Ambigat ng dinaramdam niya, pati ako ay nasasaktan din sa nakikita ko. Ayoko siyang nakikitang ganito, ayoko siyang nakikitang nasasaktan, hayst ano bang magagawa ko eh wala naman akong laban sa pamilya niya.
"I'm so sorry master" umiyak siya ng umiyak at hinawakan ko kaagad ang mukha niya at hinarap ito.
"Bat ka naman magsosorry eh hindi mo naman hawak ang desisyon ng pamilya mo, may kanya kanyang opinyon ang bawat tao sa relasyon natin, hindi naman natin sila mapipilit na tanggapin tayo. Ang tanging magagawa na lamang natin ngayon ay ang ipakita at i prove sa kanila na hindi masama ang pagrerelasyon natin at wala tayong naaapakang tao" tumango siya sa sinabi ko at ngumiti na ako.
"Kaya tahan na, masosuluyunan natin lahat ng problema, tiwala lang" niyakap ko siyang muli at yumakap din siya sakin pabalik.
Akala ko lahat ng bagay nadadala lang sa positive thinking.
Akala ko lahat ng problema mawawala pag pinipilit nating kayanin ang bigat.
Akala ko ang pagtitiwala ang magiging stractura ng kapanatagan at kaligayahan.
Pero lahat ng yun ay akala lang pala.
Halos 3 hours na akong naghihintay sa kanya dito sa waiting shed, ni hindi ko man lang siya nakita sa kahit saan dito sa campus. Napunta na ako sa music room, classroom nila, building ng architecture at sa kahit saan pang posibleng puntahan niya.
Pero walang Tyzon ang nakita ko.
Naghintay lang ako sa waiting shed hanggang sa abutan na ako ng dilim. Naabutan ko pa tuloy ang uwian ng mga basketball players, including my bestfriend Ezei.
"Oh bat nandito ka pa?" Tanong kaagad ni Ezei ng makita akong nakaupo sa bench.
"Hinihintay ko kasi si Tyzon" ngumiti ako sa kanya kahit pagod na pagod na ang katawan kong ipakita na okay lang ako.
Kung hindi lang talaga siya nagsabing sabay kami uuwi hindi na sana ako maghihintay dito.
"Si Tyzon? Kanina pa naka alis yun, nakita ko kasi ang pag alis ng kotse niya nung nag park ako sa parking area" sabi ni Ezei. Gulat na gulat naman ako sa nalaman ko, saan naman kaya yun pumunta eh hindi man lang siya nagsabing aalis pala siya.
Umupo muna si Ezei sa tabi ko at uminom ng tubig.
Kinuha ko kaagad ang phone ko at chineck kung may text message ba sakin si Tyzon o dikaya nag dm siya sakin sa instagram.