"Pangit ba talaga ako?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.
Tinignan ko ang mukha ko na maputla na ay may siyam na tigyawat pa (oo binilang ko). Dahil yata sa bangs ko kaya hindi nawa-wala yung pimples ko, e. Sinubukan kong tanggalin yung salamin ko sa mata pero agad ko ding binalik dahil sobrang labo ng nakikita ko.
Sabi naman ni Mama ako ang pinakamaganda nyang anak. Pero teka lang, ako lang naman ang anak nyang babae 'ah? Si Mama talaga!
Napatingin ako sa Johnson na pulbos ko na tanging gamit ko sa mukha. Naalala ko na naman tuloy si Ms. Clown na current girlfriend ni Honeybunch.
Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa nga bang bago? Lagi namang may bagong girlfriend yun every month. Hindi napipirmis sa isang babae.
Hindi ko tuloy maisip kung anong mas maganda. Yung mapansin nya nga ako at maging girlfriend (asa naman) pero hindi tatagal ng isang buwan o makontento na lang sa
crush. Kasi atleast dun hindi ako masyadong maaattached sa kanya. Di rin masyadong masakit kung magkakaroon sya ng bago."Hay!" buntong hininga ko.
"Ano na namang problema mo?" tanong ng epal kong kapatid na kapapasok lang ng kwarto.
"'Yung mukha mo ang problema ko. Nakita ko na naman kaya panigurado sira na naman ang araw ko." pabalang kong sagot dito.
"Excuse me lang 'ha? Nahiya naman yung flawless skin ko sa mag jowa mong tigyawat." ganti nya. "Buti pa 'yung tigyawat mo may jowa, ikaw wala." dagdag nya na sinamahan pa ng mukha nyang nambubuwiset.
Tinignan ko naman ito ng masama. Sa isip ko ay nag paplano na ako kung anong gagawin ko sa kanya kapag nahuli ko sya.
Nang mapansin nya ang masama kong tingin ay bigla itong umatras.
"Nagbibiro lang naman ako, ate." sabi nya habang umaatras.
"Biro pala 'ah." sabi ko sabay takbo ko papunta sa kanya. Kumaripas naman sya palabas ng kwarto.
"MAMA!" sigaw nito.
"Rain! Humanda ka sa'kin!"
"Mama, si ate 'oh!" sumbong nito kay mama habang nagtatago sa likuran nito.
"Ano na naman bang pinag aawayan nyo?"
"Sya kasi, e! Pinag titripan na naman nya yung tigyawat ko!" sumbong ko.
"Sino kayang nauna sa atin ha? Diba ikaw naman?" ganti nito.
"Hay, tama na nga yan. Kumain na kayo." awat sa amin ni Mama kaya wala na kaming nagawa.
Tinignan ko naman ng masama si Rain na nakadikit pa rin kay Mama bago umupo. Duwag talaga 'tong epal kong kapatid.
Habang nagbibihis ako para pumasok sa eskwela ay pumasok sa isip ko si Nicholas at yung si Ms. Clown na girlfriend nya. Yung mukha nitong parang nginudngud sa harina. Napaisip tuloy ako kung ganoon ba ang mga type ni Honeybunch.
Napangiti ako sa ideya na pumasok sa isip ko. Panigurado sa gagawin ko, mapapansin na ako ni Honeybunch ko. Napahalakhak ako mag isa habang naiisip ang mga magagandang kalalabasan mg gagawin ko.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Ay! Kabayo!" gulat kong sabi sabay tingin sa pumasok. Yung kapatid ko pala na nawiwirduhang nakatingin sa akin.
"Baliw ka ba? Bakit tumatawa ka mag isa?" tanong nito na hindi ko na pinatulan dahil good mood ako ngayon.
"Beshy!" pasigaw kong tawag ng makita ko si Mona sa classroom.

BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Fiksi RemajaA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.