Saan nga ba magsisimula ang isang cliché na story? Syempre sa pagpapakilala ng mga bida.
Ako nga pala si Sunshine Peninsula o mas kilala sa tawag na Sunsun. 19 years old. Simple lang naman akong tao na tinutubuan din ng pimples sa mukha at buhok sa kili-kili. Hindi naman ako tulad ng ibang bida sa story na maganda at sexy.
Normal akong namumuhay bilang estudyante sa umaga at cashier sa 7/11 sa gabi. Hindi naman ako rich noh. Feeling rich siguro.
Tahimik at payapa ang buhay ko dati. Tama, dati dahil nagbago yun ng mapansin ako ni Nicholas Sarmiento o kung tawagin nila ay Nicho pero mas prefer kong tawagin syang honeybunch. Pero syempre sa isip ko lang yun baka kasi kuyugin ako ng mga fans nya kapag tinawag ko syang honeybunch ng harapan. Sya ang hearthrob ng school namin kaya malamang marami talagang may gusto sa kanya. Kaya hindi na rin ako umaasa na mapansin nya ko. Kasi masakit umasa sa isang taong alam mong wala kang aasahan. Yung ibang maganda nga hindi nya pinapansin, ako pa kaya na hindi.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin nya ko. Siguro napaka bait ko nung nakaraang buhay ko kaya binigyan ako ng ganitong chance ni Lord.
Isang maulang gabi nung naganap ang araw na pinakahihintay ko. Habang nilalabanan ko ang antok ay biglang may pumasok na duguang lalaki sa 7/11. Muntik na nga akong mapasigaw dahil akala ko multo. Pero nang mapagmasdan ko ng mabuti ay poging multo pala ito.
Chaarrrrr. Hindi sya multo. Sya pala si honeybunch ko na bugbug sarado at humihingi ng tulong na itago ko sya sa mga humahabol sa kanya. Kaya syempre dahil ayaw kong mapahamak ang honeybunch ko ay tinulungan ko syang magtago sa palda ko. Charot! Sa ilalim ng counter ko sya pinagtago.
At nung gabing yun nagsimula ang super cliché na love story namin ni honeybunch.
Pero syempre hindi pwedeng walang kontrbida sa isang story. Gusto nyong malaman kung ano yun? Edi basahin mo yung love story namin.
----------
Sana may magbasa nito.....
Laaaaaaab youuuu
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Fiksi RemajaA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.