Konting kamag anak, kaeskuwela at kaibigan lamang ang imbitado sa birthday ni Rain. Hindi naman kasi engrande ang selebrasyon ng birthday nya. Ika 16 na kaarawan nya na pero yung isip nya pang 10 years old pa rin.
Wish ko nga para sa kanya ay sana mag mature na sya kahit konti man lang. Pero ang loko tinawanan lang ako at sinabing hindi ko na kailangan hilingin yun dahil matagal na raw syang mature mag isip. Hindi halata, ah!
"Oy, kumare! Ito pinagbalot na kita ng shanghai." sabay abot ni Mama ng isang supot na naglalaman ng shanghai at iba pang ulam sa ninang ni Rain na imbetado rin.
"Salamat," dinig kong tugon nito kay Mama.
Nakauwi na ang ibang bisita at ibang mga kamag anak na lang namin ang natira.
"Sunsun, ipakilala mo naman kami sa kasama mo." sabi ni Mika, pinsan ko sa father side.
Nandito rin kasi yung iba kong pinsan. Inimbitahan ni Mama. Hindi naman ako masyadong close sa mga pinsan ko. Hindi kasi ako makasabay sa mga gusto nila. Katulad ng party, boys hunting, make ups at kung ano ano pang topic na wala akong kaalam alam. Yung mga lalaki naman ay parang may mga sariling mundo. Kung meron man akong masasabing malapit kong pinsan ay si Angela yun.
May pag kakatulad kasi kami. Pareho kaming hindi maka-relate sa mga iba naming pinsan. Puro kami aral (kahit na hindi naman ako tumatalino) at working student din sya. Kaya lang wala sya ngayon kasi busy sya.
"Ahmm, si Nicho nga pala, schoolmate ko." mahina kong sabi.
Napatingin sa akin si Nicho dahil sa uri ng pagpapakilala ko sa kanya.
"Hi, Nicho. Mika nga pala. Single ako." kumindat pa ito at ngumiti na para bang inaakit si Nicho.
Isa rin yun sa mga dahilan kaya hindi ako komportable sa kanila. Masyado kasi syang, what do I call it? 'Friendly?' or 'flirt?'. I don't know.
"I'm May," sunod na pakilala ni May at sunod sunod na silang nag pakilala. Meron pa ngang ibang nag papahiwatig na type nila si Nicho pero hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Nicho.
Ngumiti sya bago tuluyang ipakilala ang sarili. "Nicho, Sunsun's suitor."
Kitang kita ko ang mga paglaki ng mga mata at pagkalaglag ng mga panga nila. Tinignan pa nila ako na para bang may ginawa akong hindi maganda.
"Really?!" dumukwang pa si Mika palapit sa amin.
Magkatabi kami ni Nicho at kaharap namin ang mga pinsan ko.
"Yeah," parang wala lang kay Nicho ang sinabi nya. Na parang hindi pinawindang ng sinabi nya ang mga pinsan ko.
"Sunsun," sa akin naman humarap ngayon si Mika na para bang iba ang magiging sagot ko.
Nahihiya naman akong tumango. Kinukumpirma ang sagot ni Nicho.
"Oh my gosh!" exaggerate na reaksyon ni Lyn.
Napatulala naman si Mika. Mas lalo naman akong nakaramdam ng kahihiyan dahil sa mga reaksyon nila.
"Nicho, hindi pa huli. You can still change your mind. Nandito pa ako. Available." kahit pabiro ang tono na ginamit ni Mika ay naramdaman ko pa rin na may laman yun.
"Oo nga naman, Nicho." kunwari pa akong tumawa.
Seryoso akong nilingon ni Nicho. Halatang ayaw sa sinabi ko.
"Bakit naman magbabago ang isip ko?" tumingin ito kay Mika na natigil sa pag ngisi ng makita ang mukha ni Nicho na nahahaluan ng inis.
"Nagbibi-" natigil si Mika na pagsasalita.
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.