I don't know when and how it started. It's just that one day, I just felt it.Grade 10 ako nung una ko syang nakita. Lunch break namin 'non. Nakapila kami sa canteen para makabili ng pagkain. Maayos naman ang lahat pero nagulo 'yun ng dumating si Alex, 'yung bully sa school. Wala syang sinasanto, palibhasa kasi mayaman ang mga magulang nya.
"Hoy, ikaw," tinuro ni Alex ang isang payat at may salamin na lalaki.
"A-ako?" nauutal na tanong nito.
"Ay, hindi ako," Alex sarcastically said. "Sino bang tinuro ko?" sumigaw na ito kaya naagaw na rin nila ang atensyon ng iba.
"B-bakit?" the nervously asked.
"Palit tayo ng pila. Dun ka sa likod, ako dyan." tinulak nya pa ito.
"P-pero kasi n-nagmamadali a-ako, may p-puntahan pa ako."
"A-ano?" ginaya pa ni Alex ang paraan ng pagsasalita ng lalaki kaya nagtawanan ang mga nakakarinig except me, syempre. Good girl, 'to!
"Sinusuway mo na ako? Hindi mo ba ako kilala? Isa ang daddy ko sa board members ng school na, 'to." mayabang na sabi nito.
Binatukan nya pa ang lalaki. Gusto ko syang pigilan sa ginagawa nya dahil mukhang walang may balak umawat sa kanya. Nagsisimula na naman syang mang bully.
What can he get from bullying ba? Hindi naman nya ikayayaman o ikakagwapo kapag nambully sya. Nakakasira pa nga sya ng buhay sa ginagawa nya.
Sabi ni Mama, 'yung mga tao raw na nambubully ay gusto lang daw makaramdam ng superiority. 'Yung mga tao raw kasi na 'yun, feeling nila mas malakas sila dahil kaya nilang apakan yung ibang mas mababa sakanila, where infact, mas nakakawa sila. Kulang kasi sila sa atensyon kaya ngayon gusto nila sakanila ang spot light. Kaya siguro nagagawa nila 'yung mga bagay na 'yun.
"Ano?! Gusto mo bang maexpelled?" sigaw ulit ni Alex kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko.
Ang kawawang lalaki naman ay nakayuko lang. Sinipa ni Alex ang tuhod nito dahilan ng pagkakaupo nya sa sahig. Wag umaawat, kilala kasi nila Alex at ang kunsintedor nitong ama.
"Kung nakipagpalit ka na sana ng pwesto, e 'di sana walang ganito." kinuha pa nya ang basong hawak ng isang estudyante at ibinuhos sa lalaki.
"Sarap ba?" tumawa pa ito ng nakainsulto.
"Sobra na sya. Dapat awatin na sya." gigil kong bulong.
"Wag kang makikialam, Sunsun. Baka madamay ka." bilin ni Mona na nasa likuran ko.
"Pero-" naputol ang sasabihin ko ng may sa pumigil sa kamay ni Alex na dapat ay ipangsasapok nya na naman sa binubully nya.
"Enough." sabi ng lalaking pumigil.
Napatingin kaming lahat sa kanya. Hindi pamilyar ang mukha nya. Baka transferee. Infairness, gwapo pero mukhang masungit.
"At sino ka namang bida bida ka?" binawi ni Alex ang kamay nya sa pagkakahawak ng lalaki.
"Do I need to tell my name to make you stop?" poker face nitong tanong.
"Ha, yabang mo, ah. Bago ka lang siguro dito. Hindi mo ba kilala?"
"Required bang kilalanin ka para makapasok ako dito?"
"Nicho, stop it." pigil ng isang lalaki na nasa gilid ng lalaking Nicho raw ang pangalan.
"Siraulo ka pala, eh!" naiinis nang sabi ni Alex.
"Ikaw ang siraulo, sinong ba namang matinong tao ang basta na lang magpapaalis ng estudyante sa pila para sya ang pumalit dito?" tumawa ito ng bahagya. "At dahil hindi nasunod ang gusto mo ay sasaktan mo sya. Kanina pa sya nakapila dyan, waiting for his turn tapos dadating ka at paaalisin sya." umiling ito.

BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.