Una

13 1 0
                                    

"Matagal ko nang gustong sabihin 'to sayo, honeybunch." kinakabahang sabi ni Nicholas.

"Ano yun, honeybunch?" labas gilagid kong ngiti.

"Honeybunch," seryoso syang tumitig sa mga mata ko.

"Ano ba kasi yun?" malapit na kong mainis pero dahil si honeybunch ko ang kausap ko, dapat calm lang tayo para hindi mawala ang poise.

"Honeybunch, will you asdfghjk." pabulong nyang sabi.

"Anong sabi mo?" kunot noong tanong ko dito.

"Ang sabi ko, will you marry me?" deretsang sabi nya.

WHAT? Is this for real? Inaaya nya kong mag pakasal?

Nanlalaking mata akong nakatitig sa kanya. Hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"Earth to Honeybunch," inisnap nya yung finger nya sa harapan ko dahilan maya nawala ako sa pagkatulala ko.

"Ano na sagot mo?" tila kinakabahan nyang tanong.

JUSKO! Bakit kinakabahan ka pang tanungin ako? Alam mo namang patay na patay ako sayo. Ako mismo sasabunot sa sarili ko kapag nag no ako sayo.

"Of course, honeybunch. I will- OUCH!" sigaw ko nang may pwersang tumulak sakin dahilan ng pagkahulog ko sa kama.

"Sa wakas nagising kana rin!" sabi ng taong tumulak sakin which is yung kapatid ko palang pinaglihi yata sa sama ng loob.

"Panira ka naman oh!" bwesit kong sabi dito.

Kung kailan sasagot na ko ng "of course honeybunch, I will marry you!" Tapos mapapatalon sya sa tuwa. Magkakatitigan kami. Unti unting maglalapit ang mga mukha namin. Ayan na, mag kikiss na kami. Konting lapit pa. Konti pa. Ayan na-

"Aray!" Bumalik ako sa sarili ko ng may bumatok sa akin. Sino pa nga ba kundi ang magaling kong kapatid.

"Ano bang problema mo ha?" bulyaw ko sa PANGIT kong kapatid.

"Kanina ka pa po pinagigising ni mama. Male-late kana pero nasa dreamland ka parin."

"Pakelam mo?" pasigaw ko paring sagot. Nakakabanas kasi. Panira amputek!

"Palibhasa kasi hanggang panaginip lang kayo ng crush mo." pang aasar nya.

"Anong sabi mo?" walang hiya talaga tong lalaking to. Sinipa na ko, binatukan na, nang asar pa.

"Wala!"

"Lumabas kana nga! Unggoy na 'to." pagpapalayas ko sakanya.

"Ito na po, honeybunch." may panunukso sa boses nito.

"Ikaw!" hinabol ko ito pero nakababa na sya at hindi ko na naabutan.

Sira na naman ang umaga ko dahil sa bully kong kapatid. Humanda sya sakin mamaya. Lintik lang ang walang ganti.

"Uy, fine ka lang ba, besh?" tanong sakin ng bestfriend kong si Mona.

Syempre hindi pwedeng wala akong bestfriend noh. Every damsel in distress heroine deserves a loyal bestfriend.

"Oks lang naman," buntong hininga ko. "Naiinis lang ako sa kapatid kong epal."

"Si Rain? Why? Anong mischievous act na naman ang ginawa nya?" concerned nyang tanong.

"Sinira lang naman nya ang panaginip ko." sumbong ko dito.

"Yung dream mo na about na naman sa Nicholas na yun?" tanong nya na tinanguan ko naman.

Syempre dahil beshy ko sya, kilala nya si honeybunch ko.

"Sunsun, I already told you diba? You don't have a chance sa kanya." pangaral ni Mona sakin.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon