Pang-anim

7 0 0
                                    


"Finally, I found you."

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Standing in front of me is the man I always dream of.

Nakakatulala talaga ang angkin nyang kagwapuhan. Nakangiti sya kaya kitang kita ang mapuputi nyang ngipin. Halata rin ang mga pasa sa kanyang mukha dulot ng pagakabugbog sa kanya. Pero mas lalo 'yung nakadagdag ng sex appeal nya.

"Huh?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Kanina pa kasi kita hinahanap. Nagtanong tanong na ako pero mukhang walang masyadong nakakakilala sa'yo buti na lang may natanungan akong kaklase mo yata kaya nahanap kita." paliwanag nya at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

Sure ako na pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng kumakain din sa cafeteria. Curios kung bakit ako kinakausap ng school hearthrob. Syempre, sino ba naman ako? Isa lang naman akong undiscovered dyosa.

"B-bakit m-mo ako hinahanap?" utal kong tanong ng makabawi sa pagka-shookt.

"I have a debt to you, right? Babayaran ko na."

Ano daw?

"Anong debt?" lito kong tanong.

Huy, alam ko ang tagalog ng debt. Nagtataka lang ako kung anong debt ang sinasabi nya.

"Remember 'nung ginamot mo ako? Sabi mo nothing is free in this store. Kaya kailangan kong bayaran 'yung ginamit mong pang gamot sa'kin na pinaluwalan mo 'non." ngiti nya.

"Uy, nagjojoke lang ako 'non. Naniniwala ka naman. Funny ka rin noh?"

"Funny?" kumunot ang noo nya.

"FUNNYwalain."

Kunot pa rin noo nya. Hindi yata nagets. Pareho pala sila ni Mona, slow.

"So, yeah. I'm paying you," turo nya sa akin. "With interest."

"Pwede ikaw na lang 'yun interest?" napatakip ako ng bibig pagkatapos marealize ang sinabi.

Kinurot naman ako ni Mona sa tagiliran ng hindi nakikita ni Nicholas. At pasimpleng binulungan.

"Ang lantod mo, ghurl."

Ngumiti sya ng pilit kay Nicholas na hindi naman yata napansin ang ginawa nya dahil nakatingin lang ito sa akin. Nagulat yata sa sinabi ko.

"Why not?" sagot nito.

Nakangangang napatingin sa kanya si Mona, hindi makapaniwala sa narinig. Ako naman ay napalinis pa ng tenga gamit ang daliri dahil baka nagkamali lang kami ng dinig.

"If you want me as your interest, why not?" kumindat ba ito.

Oh, boy! Ito ba 'yung sinasabi nilang galawang pa-fall?

"Joke lang 'yun ulit." I nervously laugh.

"I just wanna inform you, I take jokes seriously." nakatitig nyang sabi sa'kin. "Joke man o hindi, gagawin ko 'yung gusto mo. I will be your interest."

Nakatitig lang sya sa akin habang sinasabi 'yun. Jusko, baka naman matunaw ako nyan! So, bilang ganti tumitig rin ako sa kanya. Bale, nagkatitigan kami. Unang lumuha, talo. Chos!

"Ehem, may kasama po kayo." pagpaparinig ng maepal kong kaibigan.

Napatingin kami sa kanya. Ako nanlilisik ang tingin ko sa kanya. Sinira nya kaya ang moment namin ni Honeybunch.

"I'm Mona. Not Mona Lisa, not Mona Louise but Mona Linda. Friend ako 'nyang hinaharot mo." nag intro pa ang gaga. Vlogger ka, ghurl?

"I'm Nicholas."

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon