"Aw! Dahan dahan naman!" sabi nito at bahagyang lumayo sa akin.
"Sori." nakanguso kong sabi. "Bakit ba kasi ayaw mong magpadala sa hospital? Mas magagamot ka dun." sinimulan ko na ulit gamutin ang sugat nya.
"Wag na, matatapos na rin naman."
"Kahit na, atleast doon mas matitignan 'yang mga sugat mo." pilit ko sa kanya.
Ayaw nya kasing magpadala sa hospital kahit anong pilit ko sa kanya. Dapat nga aalis na sya kanina pagkatapos nyang magpaalam pero pinigilan ko sya at sinabing..
"Kung ayaw mong magpadala sa hospital, ako na lang ang gagamot sa'yo."
Nagpabebe pa ang lolo nyo kanina at sinabing kaya na raw nya. Pero dahil pilitera ang lola nyo ay napilit ko sya kaya ako ang gumagamot sa kanya ngayon.
"Pumayag na nga akong gamutin mo 'ko, diba? Wag mo na kong pilitan dyan." inirapan pa ako ng mokong na ito.
"So, parang utang na loob ko pa na nagpagamot ka sa akin? Wow, naman! Fantastic, baby!" note the sarcasm.
Irapan lang ulit ako ng gwapong lalaking ito. Naku! Kung hindi lang kita ex crush, nabigwasan na kita.
"For your information, hon- Nicholas," muntik pa akong madulas. "Ikaw ang magbabayad ng mga gamot na ginamit sa mga sugat mo."
"What?" gulat na sabi nito. "I thought your helping me?"
"Tinutulungan naman kita."
"Then it should be free." paliwanag nito sa akin.
"Of course not, Nicholas. Nothing is free in this store." taas kilay kong sabi dito. "Tinulungan na nga kita tapos pati gamot mo, gusto mo ako magbayad, abuso ka, ha! Di pa nga kita boyfriend, ginagatasan mo na ako." I whispered the last sentence.
"Okay," daling kausap naman nito.
Nilahad ko naman ang kamay para kunin ang bayad nya.
"Asan na? Ibabawas kasi 'yun sa sweldo ko, eh."
Ngumiti naman ito ng alanganin. "Paluwalan mo muna."
What? Napaka kuripot naman pala nito.
"Don't worry, pwede mo lagyan ng tubo kapag babayaran ko na sa'yo. Nawala kasi 'yung wallet ko, eh."
Naawa naman ako sa kanya. Kaya sige na nga, ako na mag aabono. Tutal naging mabait na lang rin ako, susulitin ko na.
Tinapos ko na ang pag gamot sa kanya at niligpit ang mga pinag-gamitan.
"Magpahinga ka muna sandali." sabi ko sa kanya ng makita ang pagpupumilit nyang tumayo.
"Hindi mo pa ba ico-close ang store?" tanong nito makalipas ang ilang sandali.
Tumingin naman sa relo ko at nakitang 10 p.m na pala. Dapat kaninang 9 p.m pa ako nakauwi pero dahil sa nangyari inabot na ako ng alas diyes. Patay ako nito kay Mama.
"Pakshit na malambot naman, oh!" mahina kong sabi na narinig nya rin naman.
"Is there a problem?"
"Paano ka makakauwi nyan?" instead of answering him, I asked him.
"Magpapasundo ako."
"How?"
"Tatawagan ko lang ang driver namin." sabi nito at kinapa sa bulsa nya ang cellphone.
Kumunot ang noo nya ng walang cellphone na makapa sa bulsa nya. Tumingin ito sa'kin ng may alanganing ngiti.
"Can I bor-" bago pa matapos ang sasabihin nya ay inabot ko na cellphone ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.