Labing-Anim

0 0 0
                                    


True to his words, he did really wait for me. Paglabas ko ay nandon na sya sa dating place kung saan sya laging naghihintay sa akin nung mga panahong nililigawan nya ako.

Nung una ay ayokong magpahatid sa kanya dahil gusto kong panindigan yung sinabi ko kanina. Pero ano nga bang laban ko sa isang makulit na taong kagaya nya? Pilit nyang hinaharangan ang dadaanan ko para hindi ako makaalis at dahil ayokong ma-late sa trabaho ay pumayag na rin ako na ihatid nya ako.

Pagdating na pagdating namin sa tapat ng 7/11 ay agad akong bumaba. As much as possible ay ayokong masyadong lumapit sa kanya. Kanina nga nung umaandar yung motor ay hindi ako nakayakap sa kanya hindi katulad dati. Ngayon ay sa likuran ng motor ako nakakapit. Hindi ko alam kung napansin nya pero kung oo ay hindi naman nya ako pinuna.

"Salamat sa paghatid, sige na makakaalis ka na." medyo rude kong sabi.

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nya dahil sa sinabi ko pero agad ding nawala ng ikurap nya ang kanyang mga mata. Ginawaran nya ako ng isang matamis na ngiti.

"Hindi pa ako uuwi," sagot nya.

"B-bakit?"

"Dahil hihintayin ko pang matapos yung shift mo para ihatid ka sa inyo."

Oo nga pala, parang naging routine na naman iyon. Pagkatapos nya akong ihatid sa trabaho ay maghihintay pa sya sa akin para naman ihatid ako sa bahay.

"Hindi mo na nga kailangang gawin yun, Nicho."

Ilang beses ko na rin sinabi sa kanya kahit nung nanliligaw pa sya na hindi nya na ako kailangang hintayin pa dahil hassle yun sa part nya pero sige pa rin sya.

"Pero gusto ko nga kaya hayaan mo na ako." pilit nya.

Napailing na lang ako sa sinabi nya.

"Ipapaalala ko lang sayo, Nicho. Binasted na kita. Baka lang nakalimutan mo."

"At ipapaalala ko rin sayo na manliligaw pa rin ako kahit ilang beses mo akong bastedin." he smirked.

Nang mapagtanto ko na hindi ako mananalo sa kanya ay pumasok na lang ako ng store at alam ko na nakasunod sya akin.

Agad nag angat ng tingin si Eric nang makitang may pumasok.

"Sun," bati nya na habang nakangiti na nauwi sa ngiwi ng mapatingin sa likuran ko.

Nang tignan ko ang tao na sa likuran ko na si Nicho ay nagtakha ako sa itsura nya. Magkasalubong ang kilay nya habang naniningkit ang matang nakatingin kay Eric.

"Nicholas," saway ko sa kanya.

Kaya naman pala mukhang nailang si Eric ay dahil sa klase ng tingin ni Nicho dito.

"Bakit?" tumingin sya sa akin. Maamo na ang mukha hindi katulad kanina na parang anumang oras ay mananapak.

"Ano bang ginagawa mo?"

"What? Wala akong ginagawa, nakatayo lang ako sa likuran mo." kunwari ay inosente nitong sagot.

Bumaling ako kay Eric.

"Si Nicholas nga pala," naisip ko syang ipapakilala para hindi mailang si Eric. "Scho-"

"Boyfriend nya." putol sa akin ni Nicholas kaya nakatanggap sya sa akin ng masamang tingin.

"I-I mean soon. Soon to be boyfriend. " napakamot sya batok. "Manliligaw nya pa lang ako ngayon." ngumiti sya ngunit alam ko na pilit ito.

Tumango na lang rin si Eric na halata pa rin ang pag kailang.

"Sige, doon muna ako." sabi nya habang may pilit  pa rin ngiti.

Hay naku, Nicho! Mabuti pa nga!

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon