Ilang araw na matapos ang nangyaring "pangbabasted" ko kay Nicho. Ilang araw na rin ang lumipas na hindi nagpaparamdam si Nicho. Ano pa bang dapat kong ineexpect, natural nireject ko yung tao kaya malamang hindi na yun magpapakita sa akin.
Naging usap usapan din yung ginawa ko kay Nicho. Hindi ko alam kung paano nila nalaman kasi for sure naman na hindi si Nicho ang nagpakalat noon kasi sobrang durog ang ego nya 'non.
Sabagay, hindi na dapat ako magtakha sa mga taong gagawin ang lahat para lang may maibalita tungkol sayo.
Bulung-bulungan na kung sino pa daw ang panget sya pa ang choosy. (Kapag ba panget, wala ng karapatang maging mapili?) Ang kapal daw mukha ko para gawin yun kay Nicho. They are calling me names. Akala nila hindi ko alam.
Ang mga tao nga naman. Kahit anong gawin mo may masasabi't masasabi sila sayo. Gawin mo yung ayaw nila, huhusgahan ka nila. Gawin mo yung gusto nila, huhusgahan ka pa rin nila. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
Buti na lang the next day ay nawala na rin ang usap usapan na yun. Bumalik sa dati ang lahat, yung tipong invisible ako sa lahat maliban kay Mona at sa mga teachers.
"Cyber bullying yung ginawa nila sayo bukod pa sa kinuha nila yung picture without your consent. Kung hindi mo sila isusumbong, mamimihasa yung mga yun. Gagawin nila ulit sayo yun dahil alam nilang hindi ka lumalaban." ani ni Mona na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Ilang araw nya na akong pinipilit na ireklamo yung mga taong nang bully sa akin sa social media tsaka sa nag post ng picture namin ni Nicholas.
"Mona, wag na nga diba? Humupa na yung tungkol sa picture na yun.Tsaka sabi mo rin wala na yung post kaya wala ka nang magagawa."
Sinabi nya sa akin na kinabukasan pagkatapos kong bastedin si Nicho ay deleted na daw yung post. Kahit anong search nya tungkol dito ay wala nang lumalabas.
"May screenshot ako kaya may evidence tayo so don't be afraid, okay? I got you." kindat nya.
"Mona, wag na nating palakihin. Ayoko na ng gulo."
Bagsak balikat syang bumuntong hininga ng mapagtanto nyang hindi na nya mababago ang isip ko.
"Ayoko lang din naman kasi na naapi ka."
Natouched na naman ako sinabi nya. Napayakap tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.
"Hindi na ulit ito mangyayari." pangako ko sa kanya.
"How sure are you? Hanggang hindi binibigyan ng leksyon ang mga yan, hindi madadala yan."
"Mona," pigil ko sa kanya.
"Nabasted mo pa tuloy si Nicho dahil sa kanila." patuloy na lintanya nya.
Nasabi ko na rin sa kanya na binasted ko na si Nicho. Wala naman akong tinatagong secret sa bestfriend ko. Naloka sya ng nalaman nya at agad sinisi yung mga taong pinagpyestahan yung picture namin.
"Kagustuhan kong bastedin si Nicho. Wala silang kinalaman doon." tanggi ko.
"Sus, wag mo kong lokohin. Saksi ako kung gaano ka kabaliw kay Nicho. Kaya naman nung nagkaroon ka ng chance sa kanya, eh, nakakapagtaka lang na binasted mo sya."
"Wag na natin 'tong pag usapan. Tapos na yun. Nabasted ko na sya at ngayon ay lumayo na sya sa akin." pilit kong sinabi kahit na parang may nakabara sa lalamunan ko dahil sa kaalamang tuluyan na ngang natapos magandang panaginip na yun.
"OH MY GOSH!!" natigil ang pag uusap namin ni Mona ng O.A na sumigaw ang isa naming kaklase.
"Anong nangyayari?" litong tanong ni Mona na narinig ng katabi namin.

BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.