Labing - Tatlo

3 0 0
                                    

Kung anong kinasaya 'ko kahapon ay sya namang ikalungkot 'ko ngayon. Para akong walang gana para sa araw na ito.

Pagkatapos 'kong basahin ang mga hateful comments kagabi ay agad akong nag log out mula sa facebook dahil hindi matigil tigil ang pagtunog ng notification 'ko.

Hindi agad ako nakatulog. Gumugulo kasi sa isipan 'ko 'yung mga nabasa 'ko. 'Yung mga panlalait nila na parang ang perfect perfect nila. E' di sila na.

Umiyak ako ng umiyak kagabi. Nag senti. Nag momentum. Inisa isa 'yung mga dahilan ng hindi namin pagiging bagay ni Nicho. Buti na lang nagawan 'ko ng palusot 'yung maga 'kong mata. Sabi 'ko nakagat ng ipis kasi hindi pa ako nakakapag linis.

Sa katunayan nga ay tinatamad akong pumasok ngayon pero alam 'kong magtatanong si Mama kung bakit. Baka malaman nya pa na nababash 'yung anak nya kahit na hindi naman ako artista.

Nang nasa hapag na kami para mag umagan ay pansin 'ko ang tingin ni Rain sa akin.

"Anong tinitingin tingin mo?" bored 'kong tanong ng hindi lumilingon sa kanya.

"Wala, masama bang tignan ka?"

"Oo, lalo na kung ikaw ang tumitingin."

"Sabihin mo hindi ka lang sanay titigan ng gwapo."

Hindi 'ko na lang sumagot dahil nga wala ako sa mood. Nagpatuloy lang sa pagkain para agad matapos. Kaming dalawa lang ang magkasabay dahil si Mama ay nagpaalam na mamamalengke.

Bumabalik sa isipan 'ko 'yung mga nabasa kagabi. Ang sakit lang isipin na ang dali dali nilang maghusga ng pagkatao base sa itsura mo. Hindi ka man nga nila kilala ng personal tapos kung makapang judge sila parang nasubaybayan nila 'yung paglaki mo.

Bakit ganon, kapag maganda at gwapo 'yung nasa picture na may ginagawang sweet, sasabihin nila couple goals pero bakit kapag hindi kagandahan 'yung itsura babatikusin nila.

Kapag pangit ka at nagkaroon ka ng paghanga sa isang gwapong lalaki, sasabihin sayo na wala kang pag asa dyan. Hindi ka papansin 'non dahil sa itsura mo.

Ang maganda ba ay para lang sa gwapo? Ang gwapo ba para lang sa maganda? Paano naman kaming pinagkaitan ng itsura? Wala ba kaming kalayaang mag mahal ng mga taong maganda o gwapo?

Bakit may ganoong mindset ang karamihan ngayon? Mas gusto na lang nilang tignan ang itsura kaysa sa ugali? Ayon na ba talaga ang mas matimbang?

Hindi 'ko namalayang napatulala na pala ako sa dami ng iniisip 'ko.

"Ate," tawag ni Rain.

Napakurap kurap naman ako at napatingin sa kanya.

"B-bakit?"

"Mauna ka nang umalis baka malate ka pa." nakakapagtaka lang na ang hinahon ng boses nya.

"Pero magliligpit pa ako."

"Ako na dyan," pigil nya.

Nanliit ang mata 'kong tumingin sa kanya.

"Anong meron at ikaw ang nag presinta? Inlove ka ba?" balik 'ko sa kanya ng sinabi nya sa akin kagabi.

"Basta, umalis ka na. Ako na ang bahala dito."

"Okay, sabi mo, eh." kibit balikat 'ko sabay kuha ng bag para makaalis na.

Palabas na sana ako ng pintuan ng napatigil ako sa sinabi ni Rain.

"Hindi mo bagay ang malungkot mas lalo kang pumapangit, ngumiti ka kaya ng konti para mabawasan man lang."

Nilingon 'ko sya ngunit sya na naman ang nakatalikod sakin ngayon. Kunwaring abala sa pag aayos. Napangiti ako sa inasta nya. Kunwari pa, eh mahal nya rin pala ang ate nya.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon