Labing-Apat

2 0 0
                                    

"Ayoko na, Nicho. Binabasted na kita."

Ilang minuto na ang lumipas mula ng sabihin ko ang mga salitang yun ngunit nanatili pa rin syang nakatitig sa akin. Parang hindi makapaniwala sa narinig na basted na sya.

"W-what? Nag jo-joke ka lang, right?"

"Mukha ba akong nag jo-joke?" pinanatili 'ko ang kaseryosohan ng ekspresyon ko.

Hindi sya nakasagot.

"Bakit, hindi ba kapani paniwala na ang isang katulad ko ang mag rereject sayo?"

"But why? I don't see any reason para i-reject mo ko." napailing sya. "Ang saya pa nga natin kahapon, di'ba? You even said that we can date again."

He looked frustrated. Well, he is. Pumikit sya ng mariin at bumuntong hininga.

"Para rin naman 'to sa ikakabuti nating dalawa." humugot ako ng hininga. "Matatahimik na yung buhay ko at wala nang kukwestyon sa type of girl mo."

"Kukwestyon?" nangunot ang noo nya. "Bakit naman nila kukwestyonin kung gusto kong ligawan ka? Kung ikaw ang type ko? Anong problema doon?"

"You really asking me what the problem is?" I mocked. "Look at my face," sabay turo ko sa mukha ko. "This is the problem."

Umawang ang bibig nya kasabay ng pagkalukot ng mukha nya halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

I'm just saying the truth. Totoo namang mukha ko ang problema kasi kung maganda lang ako walang kukwestyon kung bakit nya ako nagustuhan. Kung bakit ako ang napili nyang ligawan. Kung maganda lang ako walang manghahamak sa akin.

So the problem is me. My face. Lagi naman, eh. Kailan ka pa ba masasanay, Sunsun?

"What's wrong with your face? Wala akong nakikitang mali sa mukha mo. Ikaw lang ang nag iisip nyan, Sunsun."

"Kung ako lang ang nag iisip nito bakit yung tao ay ganon din ang tingin sa akin? Na parang ako na ang pinakapangit na taong nakita nila." napalunok ako dahil pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko. "Alam ko namang pangit ako-"

"Hindi ka pangit-"

"Wag mo kong bolahin, may salamin sa amin. Nakikita ko ang mukha ko!" putol ko sa pagsasalita nya.

Binalot kami ng katahimikan pagkatapos 'non. Siguro napagtanto nya na hindi sya mananalo sa akin kaya nanahimik na lang sya.

"Tell me the truth, Sunsun." napatingin ako sa kanya ng magsalita sya. "Ano ba talagang rason kaya mo ko binabasted?"

Napakaseryoso ng mukha nya. Ibang iba sa Nicho na laging may ngiti sa mukha.

"Sinabi ko na sa'yo, magiging paulit ulit na lang tayo dito, Nicho." nag iwas ako ng tingin. Imbes na sa kanya tumingin ay ibinaling ko ang tingin ko sa soccer field na may iilang estudyanteng nakatambay.

Ayoko syang tignan dahil baka lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang any moment ay pwede akong himatayin dahil sa mga titig nyang tagos hanggang kaluluwa ko.

"Hindi ako naniniwala na sa dahilan na mo na may kumukwestyon sa'tin kasi paano mo nalaman na may kumukwestyon sa atin?"

"Hindi mo ba alam na nag trending tayo kagabi? Hastag handsome and the beast?"

"H-handsome and the beast?" nagtatakha nyang tanong.

"Malamang ikaw ang handsome doon, alangan namang ako, eh, ikaw yung lalaki. Kaya malamang din na ako yung beast." parang batang sumbong ko rito.

"Sinong nagsabi nyan?" bakas ang galit sa mga mata nya na nawala rin ng balingan nya ako.

"E'di yung mga taong "kumukwestyon" sa ating dalawa." I air quoted the word kumukwestyon.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon