"Hoy bruha, bakit hindi ka pumasok kahapon ha?" bungad sa akin ni Mona na napatigil sa pakikipagdaldalan sa ibang namin classmates ng makita akong pumasok.
"S-sumama lang ang pakiramdam ko," nag iwas ako ng tignan.
"Sumama ang pakiramdam," gaya nya sa sinabi ko in a sarcastic voice.
"Oo kaya," kinuha ko ang libro na nasa ibabaw ng desk ko at kunwaring nagbasa para tantanan na nya ako ng tanong nya.
"Ay, mag a-advance reading pala ako," parinig ko kay Mona.
"Talaga lang, ha?" ayaw man nya akong lubayan ay wala syang nagawa dahil hindi ko na sya binibigyan ng atensyon kasi nga busy ako sa pagbabasa 'kuno'.
Sinubukan kong basahin ang hawak kong libro pero parang lumilipad lamang ang mga letra na nakikita ko. Wala rin akong maintindihan dahil kapag sinusubukang kong intindihin ay biglang liliko ang isipan ko tungkol sa nangyari kahapon.
Kinurot kusot nya ang mata nya ng magising mula sa ilang oras na pagkakatulog. Inis-stretch ko naman ang leeg ko na medyo nangawit.
"I'm sorry nakatulog ako ng hindi ko namamalayan,"
"Okay lang, medyo nangawit lang ako." bumungisngis pa ako para malaman nya na okay lang.
"Hindi ka tuloy nakapasok sa mga klase mo," sa tono ng boses nya na parang sinisisi nya ang sarili sa hindi ko pagdalo sa mga klase ko.
"Ikaw rin naman, eh."
Tumingin sa wristwatch nya.
"Malelate na rin naman tayo kung papasok pa tayo sa last class natin," alanganin syang tumingin sa akin. "Gusto mo bang ubusin na natin yung time natin sa pag gala?"
Tama sya, kung susubukan naming pumasok ngayon sa kanya kanya naming klase ay malelate pa rin kami. Kaya might as well na sulutin na namin ang hindi pagpasok.
Sa ilang taon kong pag aaral sa school na ito ay naglibot ko na ito ng buo. Pero nung mga oras na kasama ko sya na nililibot ang paaralan ay parang first time ko dito. Iba pala yung feeling kapag may kasama kang uma-appreciate ng kapaligiran. Nung si Mona kasi yung kasama ko puro kami daldalan kaya wala kaming pakialam sa kapaligiran.
Pero nung si Nicho yung kasama kahapon, iba. Nag ku-kuwentuhan pa rin naman kami ng kung ano ano pero madalas katahimikan ang namamayani sa aming dalawa. Ngunit kahit na ganon, nakakapagtaka lang kasi hindi nakakailang kahit tahimik lang kaming dalawa habang nililibot ang school.
"Mag a-advance reading pala, ah! Pero bakit ka tulala?" napatalon ako ng biglang magsalita si Mona malapit sa tenga ko.
"Mona!"
Tumawa naman buang kong kaibigan.
"Ano ba kasing ginawa mo kahapon?"
"Masama nga ang pakiramdam ko."
Ayoko kasing sabihin na nilapitan ako kahapon ng crush nya para magpatulong na kausapin si Nicho. Baka magtampo pa itong si Mona dahil nilalapitan ako ng crush nya.
"Masama ang pakiramdam pero nagawang malibot ang buong school kasama si crush?"
What? Pano nya nalaman?
"Alam ko rin na nilapitan ka nung crush ko kahapon dahil may nakakita sa inyo na mag kausap sa bench kahapon."
Pati yun? Sinong source nitong lukaret na ito? Dahan dahan ko syang nilingon at ng makitang maaliwalas naman ang mukha nya ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko magagalit sya.
"Hindi ka galit?"
Tinaasan nya ako ng kilay. "Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi nakausap ko yung crush habang ikaw ay hanggang sulyap na lang?" napansin ko naman na umasim ang pagmumukha nya kaya agad ko itong binawi. "Charrr lang!"
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.