Labing-Walo

0 0 0
                                    

"Akala ko ba hindi ka marupok? Oh, eh, bakit kita nakitang nakaangkas sa motor nya? Kung makakapit ka pa parang ayaw mo nang bumitaw." malisyosang salubong sa akin ni Mona.

"Mapilit kasi sya kaya pumayag na ako."

"Oh-kay!" pilit nyang tango.

Pagkaupo ko ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng room. Agad nagsipag iwas ng tingin ang mga kaklase ko na kanina pa nakatitig sa akin.

Mukhang alam ko na yata ang mga laman ng isip nila. Iniisip siguro nila na bakit ako pumayag na ihatid ako ni Nicho kung binasted ko na sya. Kung bakit hanggang ngayon ay malapit pa rin sya sa akin.

Kanina nga nung dumaan ako sa hallway ay may mga naririnig akong bulungan.

"Akala ko ba binasted na nya si Nicholas? Pabebe lang pala sya." yung babaeng ang daming abubot sa buhok.

"I know right! Kunwari na aayaw ayaw pero ang totoo gustong gusto naman." sagot ng kaibigan nya na parang si ina magenta kung makapaypay.

"Wala pa kamo syang isang salita." sabat naman ng isang babae na hindi naman kasali sa grupo nila. Narinig lang yung usapan nila.

"Marinig kayo nyan. Baka isumbong pa kayo kay Nicho. Feeling damsel in distress." pasimple pa itong tumingin sa akin at nang makitang nakatingin rin ako ay mabilis itong umiwas.

Dama ko ang sakit ng mga salita nila. Katulad ng dati, imbes na patulan ay pinili ko na lang na mag sawalang kibo. Pero may nagbago, kung dati ay hahayaan kong maapektuhan ng mga salita nila, ngayon hindi na.

Naalala ko kasi yung sinabi ni Nicho kagabi. Ipagsasawalang kibo ko pero hindi ko na dadamdamin. Hindi ko na hahayaang lasunin ng mga salita nila ang utak ko para hindi maapektuhan ang mga gagawin kong desisyon sa buhay.

"Pero may nasagap pa akong ibang tsismis, alam mo ba may bagong transferee na taga business ad."

Nawala ako sa pagbabalik tanaw ng magsalita ulit si Mona. Wala gana ko syang binalingan.

"Tsismis ba yun? Eh, halos lagi namang may transferre." kibit balikat ko.

"Iba kasi ito. Yung transferee na ito, gwapo." bahagya pa syang tumili.

Si Mona, talaga basta gwapo, crush nya na agad.

"Aangkinin ko na sya, ha. Tutal may Nicho ka na naman. Paubaya mo na sa akin, to." sinadya pa nyang bungguin ang balikat ko gamit ang balikat nya.

"Okay, sa'yong sayo na sya." natatawang ani ko.

"Yes!" ang loka sobrang saya.

Madalas kasi kaming mag agawan ng crush ni Mona dati. Crush ng isa, magiging crush na rin ng isa. Pero kahit ganon, never naman kaming nag away dahil doon. Madalas pa nga kaming sabay mag day dream tungkol sa mga crush namin.

Si Nicholas, crush nya rin datsi. Pero nung nalaman nya si Nicholas ang number crush ko, pinaubaya nya sa akin. Kaya ayun, solong solo ko yung pag de-day dream ko kay Honeybunch.

"Pero teka," pigil ko sa pagsasaya nya.

"Bakit?"

"Paano mo naman nalamang pogi nga yan, ha?"

"Basta alam ko, malakas ang radar ko pagdating sa mga gwapo." sabay turo sa sintido nya. "Tsaka kanina nung dadaan na ako sa building ng mga taga business ad, may nakita akong nagkukumpulang mga babae habang nakatitig sila sa isang lalaking nakatalikod, so na-curious ako kaya tinignan ko na rin tapos nung humarap, oh my gosh!" muntik ko na syang mabatukan ng bigla syang huminto sa pagkukwento para lang tumili. Niyugyog yugyog nya pa ako.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon