Pang-pito

8 0 0
                                    


Mama: Nak, pauwi kna b?

Ako: Opo

Mama: Pwde dumaan ka mna sa Jenra? Nagkulng kasi yung baboy para sa lu2tuin ko sna bks. Pakbili mo n lng.

Pasakay na ako sa motor ni Nicho ng mag text si Mama, pinapabili ako ng baboy.

"Ah, Nicho." tawag ko dito.

"Why?" inabot nya sa akin ang helmet.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa grocery? May pinapabili kasi si Mama." kinakabahan ako baka kasi hindi sya pumayag.

"Sure," sabi at sumakay na sa motor. "Let's go."

Pagkarating namin sa Jenra ay konti na lang ang tao, pasara na kasi sila. Baboy lang ang pinapabili ni Mama pero naisipan ko nang mamili ng mga kailangan namin sa bahay tutal may extra pa akong pera.

Sya ang nagtutulak ng cart. Ako naman ang taga kuha ng bibilhin, malamang ako nakakalam ng bibilhin, eh.

"Hindi ka ba papagalitan ng parents mo kasi late wala na ka pa sa bahay?" tanong ko rito.

"Of course not," natatawa nyang sagot. "I'm not a minor anymore."

"Kahit na, noh!"

"Don't worry, hindi ako papagalitan." niliko nya papunta sa meat section. "Concern ka?"

"Oo naman," napangiti sya sa sagot ko. "Kasi ako 'yung may kasalanan kung bakit ka na late makakauwi."

Kumuha na ako ng baboy. Basta na lang ako namili dahil pare-prehas lang naman 'yung mga 'yun. Ilalagay ko na sana sa cart ng pigilan ako ni Nicholas.

"Hey, wait," pigil nya sa'kin.

"Why?"

"Basta ka na lang kukuha ng baboy, hindi mo pa nga alam kung fresh ba 'yan or not."

"Fresh 'yan. Hindi naman siguro magbebenta ng hindi ang supermarket diba?"

"We're not sure of that." kibit balikat nya at kinuha sa akin ang baboy.

He press the meat firmly, he then looked at me.

"See, its not fresh." sabi nya na parang expert sa mga ganitong bagay.

"How do you say so?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Malalaman mo na fresh yung meat if bright red 'yung kulay nya. And if you press the meat firmly, it will springs back and if its not then it's not fresh." mayabang nyang sabi.

"And this meat," turo ko sa baboy na hawak ko kanina. "Doesn't spring back when you press it?" I asked.

"It doesn't so it's not fresh. And look at the color. Ang putla na."

"Okay, chef." sarcastic pero humahanga kong sabi.

He only smirked. Yabang! Pero magaling. Hinayaan ko na syang pumili ng baboy.

Hindi ko nga inakala na marunong pala sya sa mga ganong bagay. Wala sa mukha nya. Well, I guess the quotation dont judge the person's capability by their face is somehow true.

Habang nakapila kami ay may kung ano syang tinitignan sa cp nya kaya naman malaya ko syang napagmamasdan ng hindi nya namamalayan.

Halata pa rin ang mga pasa nya pero hindi 'yun nakabawas ng kagwapuhang taglay nya. Mas nakakadagdag pa nga. Para syang bad boy in a softer version. Ano raw?

"Wag mo kong pakatitigan, baka mainlove ka." sabi nito sabay tingin sa akin.

"Luh, pano mo naman nasabi na tinititigan kita?" nag iwas ako ng tingin. "Kamusta na 'yung sugat mo?" tamang iwas lang sa usapan.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon