Nagpunta muna kami sa isang coffee shop para mag break fast. Ayaw nya raw kasing mag date kami ng hindi pa ako kumakain.
"Wag mo nga akong tignan, hindi ako makakain ng maayos." saway ko sa kanya ng mapasin 'kong hindi na sya kumakain at tinititigan na lang ako.
"Why, hindi 'ko naman kinukuha 'yung kutsara sayo." pilosopo nyang sagot.
"Naman, eh!" binitawan 'ko ang kutsarang hawak 'ko at tinignan sya ng masama na ikinatawa nya.
"Nakakailang kaya na may nakatingin sa'yo habang kumakain."
"Okay, hindi na po ako titingin sa'yo habang kumakain." he sighed. "I just can't help it, you look cute."
Ito na naman sya sa mga banat nya. Hinay hinay naman, Sir. Baka mahimatay ako dahil sa kilig sa mga biglaan mong banat.
Nang matapos kaming kumain ay sumakay na ulit kami sa motor nya. Hindi 'ko na alam kung saan nya ako next na dadalhin kasi hindi na nya sinabi sa akin kahit anong tanong ko kanina. Surprise raw kasi.
Hula 'ko sa nya ako dadalhin. Kasi ganon naman talaga kapag nag de-date. Pupunta sa mall, manonood ng sine, maglilibot libot hanggang mapagod and then mag didinner sa restaurant. The usual date.
But to my surprise, huminto kami sa isang amusement park.
"Amusement park?"
"Yup," tango nya. "Why, you have something in mind?"
Umiling naman ako. "Akala 'ko lang sa mall mo ako dadalhin kasi diba doon kadalasang mag de-date 'yung mga tao?"
"Gusto mo ba sa mall na lang?" tanong nya at kukunin na sana ulit ang sasakyan ng pigilan 'ko sya.
"No, no," pigil 'ko sa kanya. "I just didn't expect na dito mo ako dadalhin."
Ngintian nya naman ako at pabirong ginulo ang buhok 'kong ilang oras 'kong inayos. Pero oks, si Nicho naman 'yan.
"Bakit nga ba dito mo ako naisipang dalhin?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok.
"Naisip 'ko lang. Feeling 'ko kasi kapag dinala lang kita sa mall at ginawa 'yung mga usual na ginagawa ng mga nag de-date, mabobored ka lang kaya I think of something na may thrill and ito nga 'yung naisip ko." he explained.
"Yung pag sakay sa ferris wheel, roller coaster. Kung pwede nga lang lahat ng rides sakyan natin."
"Ikaw pwede ka?" tanong na biglang lumabas sa bibig ko.
"What?" kumunot ang noo nya.
Shet ka, Sunsun. Ano bang pumapasok sa utak mo!
"I mean, takot ako sa heights kaya hindi ko masasakyan lahat ng rides." palusot 'ko sabay tawa kumwari.
"Don't worry," bigla nyang hinawakan ang kamay 'ko. "I'm here, you don't have to be afraid." pagkatapos nyang sabihin 'yun ay parang mag slow-mo ang paligid at nag blur ang mga tao, tanging si Nicho lang ang nakikita 'ko.
"So, san mo gustong unang sumakay?"
"Sa'yo,"
"Ha?"
"Ang ibig 'kong sabihin, sa yoller coaster, ah, tama, sa roller coaster." sinabayan 'ko ng pekeng tawa.
"Okay," ang daling kausap. "This will be fun." hinatak nya ako papunta sa pila ng mga gustong sumakaya sa roller coaster. Sakto naman na konti lang ang nasa pila kaya agad din kaming nakasakay.
Mukhang napasubo ako ng walang sa oras. Ang engot mo kasi kahit kailan, Sunsun. 'Yan ang napapala mo sa kaengotan mo.
"Relax, hawakan mo ang kamay 'ko kung sakaling natatakot ka." sa di malamang kadahilanan ay biglang nawala ang takot 'ko sa mga tinuran nya.
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.