Labing-Siyam

0 0 0
                                    

"Anong sabi mo?" narinig pala ni Mona ang sinabi ko.

"Wala, wala." iling ko.

"May sinasabi ka, eh. Kilala mo ba sya?" tanong nya na ang tinutukoy ay ang crush nya.

"Hindi, noh." totoo naman, hindi ko naman talaga kilala kung sino yun. Namumukhaan ko lang sya na dating kasa kasama ni Nicho.

Sya kasi yung palaging kasama ni Nicho nung bago pa lang din sya sa school namin.  Kaya lang di nag tagal ay napansin ko na hindi na nya ito kasama. Hindi ko na rin ito nakita pa sa school, ngayon na lang ulit.

"Tara na nga, punta tayo sa cafeteria. Ginugutom ako, eh." aya ko sa kanya.

"Teka lang, tinitignan mo ko pa sya, eh." angal nya pero wala na syang nagawa dahil hinila ko na sya.

Sa gaan ba naman ng babaeng 'to, madali ko talaga syang mahihila.

"Sunsun naman, eh! Kita mo naman na sinisilayan ko pa ang crush ko, diba?" irap nya.

"Sus, para ka namang high school kung makaasta dyan," tawa ko.

"Parang hindi ka dumaan sa stage na ganto, ha?" ouch! Tinamaan ako doon, ah.

"Pag naging kami nitong crush ko, iingitin talaga kita ng sobra." irap nya ulit ako.

Hindi na ako magugulat kung makikita kong yung eyeball nya ay mag stay na sa taas ng mata nya dahil sa kakairap nya.

"Sige lang, hihintayin ko yung araw na yun." tinatawanan ko lang sya ng hindi sinasadyang napatingin ako sa pintuan ng cafeteria.

Nakita ko si Utoy na nakaakbay sa balikat ni Carla.  Infairness, tama ang sinabi ni Nicho na mag magkabalikan rin sila. Siguro meron lang silang hindi pag kakaintindihan noon. Halata rin naman kasi na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Nang makita ko na titingin sa banda namin si Utoy ay agad akong nag iwas ng tingin. Baka sabihin pa nya ay tinititigan ko sila.

"Hey," bati ng kararating lang na si Nicho.

"Ayan na, mao-op na naman ako." bulong ni Mona na palihim kong ikinatawa.

Pagkaupo pa lang nya ay chineck nya agad ang food na kinakain ko at mukha naman syang napanatag nang makitang kain ito at ulam.

"Akala ko ay titipirin mo naman ang sarili mo, eh."

"Hindi ko tinitipid ang sarili ko. Nag di-diet nga kasi ako non." giit ko.

"Even so,"

Nginiwian ko sya na ikinatawa nya. Baliw yata, to.

"Girl, CR lang ako, ah." paalam ni Mona na agad ding umalis, hindi na hinintay ang pag payag ko.

If I know, susulyap lang ulit yun sa crush nya. Nabitin kasi kanina.

"Oo nga pala," kinalabit ko si Nicho. " Hindi muna ako papasok ngayon sa trabaho ko, nakapag paalam na rin ako sa boss ko."

"Okay," tumango tango sya habang ngumunguya. "So, diretso tayo sa bahay nyo mamaya?" dagdag nya at tumingin sa akin.

He looks so hot! Para syang endorser ng mga pagkain na hindi talaga masarap pero mapapabili ka ng wala sa oras dahil masarap yung endorser.  My gosh, your thoughts are so green, Sunsun! Shut your green mind!

Pilit na ngumiti ako sa kanya para hindi nya mahalata na may naiisip akong hindi naayon sa pinag usapan namin. At para mas hindi nya mahalata ay iniba ko na rin ang topic.

Nakailang palit na kami ng topic. Nakailang order na rin ako ng rice pero hindi pa rin bumabalik si Mona. Hanggang sa matapos yung break hindi na talaga sya bumalik. Nag alala tuloy ako sa kanya baka kasi nalunod na sya bowl. Charrr!

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon