Labing - Isa

3 0 0
                                    

Nakatungangang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko 'yung magiging date namin ni Nicholas bukas.

Iniimagine 'ko kung anong mangyayari bukas. Kung anong susuot ko at anong magiging ayos ng buhok ko. Anong gagawin namin bukas sa date namin. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip 'ko. Hindi ako makahabol.

Kinakabahan ako na naeexcite. Para akong maiihi sa sobrang excite nararamdaman ko.

Inis na bumangon ako sa kama at nagtungo sa salamin.

"Ano kayang magandang isuot bukas? Dapat 'yung hindi masyadong bongga kasi parang ang o.a naman 'non." kausap ko sa sarili ko. "Pero dapat hindi masyadong simple kasi baka sabihin nya parang bibili lang ako ng asin sa kanto." nafufrusrate 'kong sabi.

Napatingin ako sa cellphone 'kong nasa kama ko. Kinuha ko ito.

Naisip 'kong tawagan si Mona dahil baka may maisuggest sya sa aking pwede 'kong isuot kaya lang ay baka natutulog na 'yun kaya na wag na lang.

"Hmmm.." napahawak ako sa baba ko habang nag iisip ng kung sino ang makakatulong sa akin. "Ah, alam ko na," sabi ko.

Sino pa ba ang ibang makakatulong sa akin? E' di si Mr. Google. Tinap 'ko ang search bar at nag search.

What to wear in a date?

How to look beautiful in a date?

How to dress up in a date?

How to look presentable in a date?

Ilan lang 'yan sa mga sinearch ko sa Google and thankfully nakakuha naman ako ng idea para sa magiging ayos 'ko para bukas.

Nanood na rin ako ng make up tutorial sa YouTube para naman bumagay 'yung magiging mukha ko sa outfit 'ko bukas.

First date 'ko 'to kaya hindi 'ko alam kung anong mga gagawin at t'saka si Honeybunch 'yung ka-date 'ko kaya dapat lang na I'm in my best bukas.

Magdamag akong naghanda sa magiging date namin. Hindi 'ko alam kung anong oras ako nakatulog o kung nakatulog nga ba ako kasi napipikit 'ko pa lang, wala pa yatang five minutes nag alarm na agad 'yung alarm clock 'ko na sinet 'ko para sa date namin.

At ang resulta ng pag pupuyat ko, panibagong tigyawat at sangkaterbang eyebags. Buti na lang ay may natutunan ako sa mga pinanood 'kong tutorials kagabi kaya hindi naging masyadong halata 'yung mga alaga 'ko sa mukha.

Suot ang isang floral off shoulder romper na tinernuhan ng kulay red na flat shoes. Hinayaan 'kong nakalugay ang hanggang balikat 'kong buhok na bahagya 'kong kinulot sa dulo. Simple lang pero hindi naman ako magmukhang bibili ng suka sa kanto. Simple pero may dating.

Kinuha 'ko ang phone nang naramdaman 'ko itong nag vibrate. Nagtext na si Honeybunch.

Honeybunch:

Nandito na 'ko sa pinag usapan natin.

Me:

Papunta na ako dyan. Wait lang.

Ngumiti ngiti muna ako sa salamin at hinagod ng ilang ulit ang ayos 'ko bago kinuha ang sling bag at bumaba.

"Ma, alis na 'ko." paalam 'ko kay Mama.

"Aba, kaganda mo naman ngayon. Saan ba ang lakad mo? Kasama mo ba si Mona?" sunod sunod na tanong ni Mama ng makita nya ako.

Nasabi 'ko na kay Mama na may lakad ako ngayon. Ang hindi 'ko lang sinabi ay kung anong lakad 'yun. Ayoko muna kasing sabihin kay Mama ang tungkol kay Nicho kasi, ewan ko, basta. Alam kasi ni Mama na crush 'ko si Nicho at kapag pinakilala 'ko sya kay Mama, panigurado hindi na naman 'non mapipigilan ang bibig nya at baka mabuking pa ako ni Nicho na matagal 'ko na pala syang crush. At tsaka mapupuno na naman ako ng tukso kay Rain.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon