"Sunsun, I think..." his ears turned red. "I...like...you."Nawiwindang ang buo kong pag katao. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Parang nung isang linggo lang, inun-crush ko sya. Tapos normal lang akong nagtatrabaho sa 7/11 ng dumating sya na bugbog sarado. Tinulungan ko sya dahil good samaritan ako. Tinago ko sa mga naghahanap sa kanya at ginamot ang mga sugat nya. Pinaluwalan 'yung mga gamot na ginamit sa sugat nya. Sinabi nyang babayaran nya ako pero ilang araw hindi nagpakita sa school.
Nawalan ako ng pag asa na mae-encounter ko ulit sya pero biglang na lang syang sumulpot sa harapan ko at sinabing mag babayad na sya ng utang with interest. Akala 'yun na yun pero hindi pa pala.
Hinintay nya ako sa labas ng classroom para ihatid sa pinagtatrabahuhan ko. Hinintay ulit para ihatid naman sa bahay. Sinamahang mag grocery. Nagkatext kami. Sinundo nya ko kanina malapit sa bahay para isabay sa school.
Nakapalagayan ko ng loob. Nakabiruan. Nakaharutan dahil na rin sa mga banat nya na hindi ko alam kung may ibig sabihin. Sinabing nyang sobra syang thankful sa ginawa ko at habang buhay nya 'yung tatanawain na utang na loob.
Tapos ngayon, nag confess sya na gusto nya ko. Ito 'yung matagal ko nang pinapangarap at laman lagi ng panaginip ko.
Masaya ako pero hindi ko maiwasang mapaisip kasi parang ang....bilis. Ang bilis lahat ng pangyayari. To think na nangyari lang lahat 'yun last week.
"Uhm.." tanging nasabi ko.
Nakaabang naman sya sa sasabihin ko.
Gusto ko din sya. Gusto kong sabihin sa kanya pero nag aalinlangan ako. Masyadong mabilis. Hindi ako makasabay.
Oo, crush ko sya. Matagal na pero ayokong mag padalos dalos. Hindi naman porket crush ko 'yung taong nag confess, e, susunggaban ko na agad. Hindi ako ganon, noh!
"Bakit?" 'yun ang salitang lumabas sa bibig ko.
"Huh? Anong bakit?" he frowned.
"B-bakit mo ko nagustuhan?"
"Bakit hindi kita magugustuhan?" balik nyang tanong.
"Kasi," itinuro ko 'yung mukha kong puno ng pimples.
"What about your face?" salubong ang kilay na tanong nya.
"Hello, ang dami ko kayang tigyawat, ang pangit ko." kunwaring biro ko.
Isa pa rin sa dahilan ay napakarami kong insecurity sa katawan. Alam ko kasi sa sarili ko na, I'm not good enough. Lagi naman. Minsan tumataas 'yung confidence ko kapag nakakarinig ng mga "word of encouragement" pero lagi din namang may darating para apakan 'yung konting confidence na 'yun.
"What's wrong with that? That pimples of yours will eventually fade away." he plastered a smile on his face.
"The one that will not fade is your kindness. Your beautiful heart."
"Hindi ba parang ang.... bilis." I bit my lip. "Isang linggo pa lang tayong nag kakasama, paano mo naman ako nagustuhan?"
"Kailangan ba talaga ng explaination kung bakit kita nagustuhan? Hindi ko rin kasi alam, eh. Basta lagi ka na lang biglang pumapasok sa isip ko simula nung makilala kita. And then all of a sudden, mapapangiti ako." pag eexplain nya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. My Gosh!!! Wag mo 'kong masyadong pakiligin.
"Hindi mo pa 'ko gaanong kakilala, eh." nakangusong kong sabi.
Napangiti naman sya. "Alam ko naman na mabait ka, base na lang sa ginawa mong pagtulong sa akin."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.