They say, when opportunity comes, grab it. Kasi minsan lang ito kung dumating. Dapat hindi mo na ito palagpasin at sunggaban mo na agad kasi baka mapunta pa ito sa iba.But for me, you have to analyze that opportunity first. Baka kasi hindi opportunity 'yun kundi threat sa'yo kaya dapat pag isipan mo muna. Baka kasi yung inisip mong biyaya, panganib pala ang dala sa'yo.
That's what I'm doing now. I'm now analyzing Nicholos' confession. If it's true or he's just playing with me.
Ang tagal kong pinagarap 'to. Lagi pa nga 'tong laman ng panaginip ko. Minsan nga feeling ko parang nanaginip pa rin ako. Iba pala 'yung feeling kapag mismong nangyayari na sa'yo 'yung dating naiimagine mo lang.
Sa isip ko 'non kapag nanligaw sya sa akin, sasagutin ko sya agad. Hindi 'ko na patatagalin kasi baka magbago pa ang isip nya. Pero ngayong nanliligaw na sya sa akin, hindi ko magawang sagutin sya agad kasi ang daming possibilities na pumapasok sa isip ko.
Call me pabebe or pakipot or whatever. IDC. Basta, for now, I want to take things slow para sure. Mabagal pero sigurado. Kahit crush ko pa sya. And this is my first time too. Kung sakaling makahanap agad sya ng iba dahil hindi 'ko agad sya sinagot, ibig sabihin lang 'non, hindi totoo 'yung nararamdaman nya sa akin. Because if it's true, he will patiently wait.
"Can I have a penny of your thoughts?" napabaling ako kay Nicholas ng magsalita sya.
Kasama ko nga pala sya. Nasa cafeteria kami. Sumama sya sa aking mag lunch. Pinagtitinginan na naman tuloy kami. Hindi pa nga humuhupa ang usapan tungkol sa pag bisita nya sa akin sa room, may panibago na namang pag uusapan ang mga maiisue na estudyante. Sabagay issue naman talaga na makasama mo 'yung hearthrob ng school nyo sa lunch.
Wala si Mona ngayon. Absent sya kasi masakit daw ang ulo nya. For all I know, nag dadahilan lang 'yun dahil tinatamad syang pumasok.
"Wala, iniisip ko lang kung bakit sa akin ka sumabay mag lunch, nasan bang mga kaibigan mo?" sagot ko bago sumubo.
"Manliligaw mo 'ko, remember? Talagang sasamahan kita."
"Ganon ba 'yun?" I confusedly asked. "First time ko kasing maligawan kaya hindi ko alam na ganon pala." kwento ko sa kanya at malungkot na ngumiti.
"Really?" nagulat na tanong nya na para bang impossible na ngayon lang ako naligawan.
"Well, it's their lost na hindi ka nila niligawan nung mga panahong available ka pa." kibit balikat na sabi nito.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Panahong available pa 'ko? Available pa rin naman ako ngayon, ah? Wala pa naman akong boyfriend."
"Pero nililigawan na kita. That's makes you unavailable now. Sorry na lang sila, wala na silang chance sa'yo." mayabang na sabi nito.
"Parang tinitinda lang ako kung makapagsabi ka ng unavailable, ah. Wala ng pwedeng bumili? Out of stock na ba?" tumawa ako.
"No, hindi ka paninda at lalong hindi pwedeng itinda." he pursed his lips.
"Bakit, kasi walang bibili? Masasayang ang pera nila." umatake na naman ang mga insecurities ko.
"No, cause no amount of money can justify your worth. You're more than that. You're too precious para lang ipagpalit sa mababang halaga." he seriously said while looking at me.
My face turned red because of what he just said. I can feel his sincerity. Lalo na at hindi nya pa rin tinatanggal ang titig nya sa akin.
I roamed my eyes in the whole cafeteria. Most of the students are straring at us. But I'm sure na hindi naman nila narinig ang sinabi ni Nicho kasi medyo magkakalayo naman ang mga table sa cafeteria.
I cover my face with my hands. "Ano ba, Nicho. Wag ka ngang ganyan."
"Nasabi ko na ba sa'yo?" ngangingiting tanong nya.
"Na ano?" inalis ko ang pagkakatakip ng mukha ko.
"Na ang cute mo lalo na kapag namumula." he chuckled. Kinurot nya pa ang pisngi ko.
Nagtatakha tuloy 'yung mga nakatingin sa amin.
"Ikaw lang nagsabi nyan." inirapan ko kunwari sya.
"Bulag siguro sila kaya hindi nila makita ang ka-cute-tan mo."
"Ganyan ba talaga kapag nanliligaw?"
"Paanong ganyan?"
"Nagiging bolero." walang emosyon kong sabi.
"I'm not bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo." at tumawa na naman sya. Tumataas baba pa ang malapad nyang balikat dahil sa pagtawa. Lumilitaw din ang dimples nya sa bandang ibaba ng labi nya. Ang cute lang!
"Ganon naman kasi kapag nanliligaw ka, dapat ipakita mo agad kung sino ka at dapat tapat ka sa nililigawan mo. Kaya nga sinasabi ko na agad kung anong tingin ko sayo."
"Baka naman mawala 'yang katapatang sinasabi mo kapag sinagot na kita."
"Try me. Sagutin mo ko ngayon at tignan natin kung mawawala ba o lalo lang titindi ang loyalty ko sa'yo."
"Nek nek mo! Patunayan mo muna na totoo'yang nararamdaman mo sa akin."
"Oh, promise, I will," kindat nya.
Nag simula na ulit kaming kumain. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Mabagal akong sumusubo ng pagkain ko. Ganon din sya.
"Ahm, ganto ka rin ba sa mga naging girlfriend mo?" hindi ko tumitinging tanong sa kanya.
"What do you mean?" tumingin sya sa akin pero hindi ko 'yun sinuklian. Syempre hindi naman sya nagbayad. Charrrr! Ang lame.
"Ganito ka rin ba ka-sweet nung nililigawan mo sila? At nung naging girlfriend mo na sila?" nakatingin pa rin ako sa ulam kong adobo na para bang magiging sinigang ito sa oras na alisin ko ang titig ko.
Hindi sya sumagot. Naghintay ako ng ilang pang minuto pero hindi pa rin sya nagsasalita kaya napatingin na ako sa kanya. Naabutan ko syang nakatitig din sa akin.
"Ano?" tanong 'kong muli.
Huminga sya ng malalim bago sumagot. "Iba ka sa kanila."
"Paanong iba? Kasi maganda sila at ako hindi?" I looked away.
"It's not that," tumiwid ito ng pag kakaupo. "Bakit ba lagi mo na lang dinadown ang sarili mo? You always look down to yourself. Don't be so hard to yourself, Sunsun."
"Kasi totoo naman, na pangit ako!" nguso ko.
"Ikaw lang ang nagsasabi nyan. Iba ang nakikita ko sa sinasabi mo. You're not ugly, sa isip mo lang 'yun." he hold my hand.
"Iba ka sa kanila kasi sila you have a pure heart, nag woworking student ka to help your parents while them iniisip lang nila is 'yung mga sarili nila. 'Yung mga luho nila." he gently squeezed my hand. "And isa pa, sila 'yung nanliligaw sa'kin, ikaw kusa kitang niligawan. That's the difference." he put his tounge on the side of his inside cheek.
Napahawak ako sa batok ko dahil nagsitaasan ang mga balihibo ko dahil sa sinabi nya. Nakaramdam din ako ng lamig. Lumakas yata hangin sa cafeteria.
"Yabang mo!" tukso ko rito at umirap.
Ayos na sana, eh. Kinikilig na ako tapos biglang babanat ng ganon.
"Totoo naman, eh. Sila ang lumalapit sa akin, asking me to be their boyfriend and since I am a gentleman, sinasagot ko sila kasi ayokong mapahiya sila."
"Grabe, ang hangin dito." tumawa ako.
"There," he stared at me and pinched my both cheeks. "Tumatawa ka na."
Ang tawa ko ay nauwi sa isang malamyos na ngiti. I appreciate his effort na pangitiin ako sa pamamagitan ng pagmamayabang nya.
"I want you to be comfortable with me, Sunsun." he licked his lips. "Cause I'm comfortable when I'm with you so I want you to feel the same."
I'm hyperventilating right now! Pero hindi ko 'yun pinahalata. Ayokong isipin nyang sobra akong kiligin sa mga banat nya.
"So, date tayo this weekend? Sa day off mo." aya nya na hindi ko tinanggihan.
------------
Laaaaaaab you

BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Novela JuvenilA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.