Pang-apat

15 1 0
                                    

Rain: Ate ganda, pwede po ba pakibili ako ng cup noodles, spicy, ha? Tsaka pala folder na rin kailangan kasi namin bukas, eh?

Ako: Ang galang ng txt mo, ah?

Rain: Pls, ate!

Ako: Ayoko nga! Wala ka namang pinadalang pera sa'kin.

Rain: Sge na, alam ko namang hindi mo ko matitiis, e. Wuv you. Mwah! :* Bait talaga ng ate ko.

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos mabasa ang text ng kapatid ko. Hindi na 'ko nag reply. Famous kasi ako, charrr!

Katatapos lang ng klase namin at nauna nang umuwi sa akin si Mona dahil kailangan ko pang pumunta sa 7/11 para magtrabaho. Buhay working student, e.

Dalawa kaming nagpapalitan sa shift. Yung kasama ko sa umaga, ako naman sa gabi. Mahirap kasi kailangan kong bumangon ng maaga kahit na ilang oras pa lang ang tulog ko para pumasok. Ganon talaga kapag may pangarap ka. Kahit mahirap gagawin mo kasi nga may gusto kang marating.

Pagkapasok ko sa loob ng 7/11 ay wala namang masyadong customer. Mga dalawa lang yata. Mga ganitong oras medyo konti talaga ang pumupunta dito.

Dumiretso ako sa counter at doon ko nakita ang kapalitan ko ng shift na hindi pamilyar sa akin.

"Hello." tawag ko dito dahilan kaya sya napatingin. "Ikaw ba yung kapalit ni ate Cynthia?"

"Ah, oo. Kanina lang ako nagsimula." nahihiya nyang sagot.

Tumango naman ako at nagpakilala. "Sunshine nga pala but you can call me Sunsun. 19 years old. Philippines!"

Napanganga naman sya. Dahil yata sa kagandahan ko.

"Ric." simpleng pagpapakilala nya.

"Pauwi ka na ba? O tatambay ka muna saglit dito?"

"Uuwi na 'ko hinintay ko lang na dumating ka."

"Sige, wait lang magpapalit lang ako ng uniform." tumango lang sya. Napaka mahiyain naman nya.

"Ingat ka." sabi ko kay Ric nang magpaalam na itong uuwi.

"Ikaw din." pinagmasadan ko sya hanggang sa hindi ko na sya natanaw.

Madalang lang ang customer. Mga nasa lima pa lang yata ang customer na dumating mula ng ako na ang magtao sa store.

Nakakaantok naman. Bawal naman gumamit ng phone. Kasama yun sa protocol namin, na bawal gumamit ng phone kahit walang customer.

Dibale, isang oras na lang naman at makaka uwi na ako. Naputol ang paghikab ko sana nang may pumasok. Buti naman.

"Hello, sir-" naputol ang dapat kong pagbati ng makita ko kung sino ang pumasok.

Isang duguang lalaki. Hindi na halos makita ang mukha dahil mababalutan ito ng dugo. At first, inakala kong multo sya lalo na nung nagsalita sya.

"Tulong," ganito yung mga napapanood kong palabas sa tv. Naghihingi ng saklolo yung mga multo para makuha ang hustisya sa pagkamatay nila.

Namutla ako dahil sa naisip kong yun. Bakit sa'kin nya pa naisipang mag pakita?

"Tulungan mo 'ko, please!" nagmamakaawa nitong sabi.

Mukhang nahihirapan syang tumayo dahil nakasandal na lang sya sa lamesa na ginagamit ng mga customer kapag gusto nilang dito na kainin yung binili nila.

Ano kayang kinamatay nya? Sino ang pumatay sa kanya? Kilala ko ba kaya sya sa'kin nagpapakita? Pero teka, wala naman akong third eye, ah?

Posible bang tototo syang tao at hindi multo? Sa isiping yun ay nilapitan ko sya ng dahan dahan kahit na nag aalinlangan at natatakot ako.

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon