"I already told you, Cherry. Tigilan mo na ang pambubully!" galit na sabi ni Nicholas kay Cherry.
Hindi pa rin ako makapaniwala na pinagtatanggol nya ako sa girlfriend nya. Nakangangang nakatingin lang ako sa kanya.
"Hindi ko sya binubully!" tanggi nito.
"Really?!" sarcastic na tanong ni Nicho. "Kasi hindi 'yun ang nakikita ko." dagdag nito.
Para namang maiiyak na si Cherry ng marealize nya na hindi naniniwala sa kanya si Nicho.
"Pinagtatawanan nyo yung taong wala namang ginagawa sa inyo!"
Napapangiti na ako pero pinipigilan ko dahil baka isipin nila na feel na feel ko ang pagtatanggol ni Honeybunch na tototo naman. First encounter namin ito at hindi ko inaakala na magiging ganito ka-romantic ang first encounter namin.
Ganito kasi yung mga nababasa ko. Mabubully si girl ng mga schoolmates nya tapos darating si boy na magsisilbing knight in shining armor nya. At doon mag uumpisa ang love story nila na mauuwi sa isang happy ending.
Iniisip ko pa lang na ganoon nga ang mangyayari sa'min ni honeybunch, kinikilig na ako.
"Kinakampihan mo sya?! Ako ang girlfriend mo, Nicholas. Sa akin ka dapat naniniwala kasi kilala mo ko." nagtatampong sabi nito sabay punas sa imaginary tears niya.
"Ayun nga, e. Kilala kita kaya alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi."
BOOM! Barado si ate nyo!
Natahimik naman si Cherry sa sinabi ni Nicholas. Nagsimula naman syang pagtsismisan ng mga estudyante na kanina lang ay kakampi nya. Mga balimbing!
Natigilan ako ng mabaling sa akin ang tingin ni Nicho. Biglang mawala ang pagsasalubong ng mga kilay nya.
Nagulat ako ng bigla nya kong hilahin at dalhin ako tabi nya.
"From now on, hindi nyo na pwedeng i-bully ang babaeng 'to, understood?" sabi nya sa mga estudyanteng nagtatawanan kanina na mga nagsitango naman.
Takot lang nila kay honeybunch.
"And you," sabay tingin nito kay Cherry. "Break na tayo." sabi nito at bago pa makapag react si Cherry ay hinila na nya ako paalis sa scene na yun.
Habang hinihila nya ay di ko mapigilang tumitig sa malapad nyang likuran at mapangiti. Lalo na sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Para akong mamamatay sa kilig.
Yung feeling na hinahawakan ako ni crush. Parang panaginip. Yung dati kong pinapangarap na mangyari, nagyayari na.
Huminto kami malapit sa may mga bench na tambayan ng mga estudyante kapag free time. Binitawan nya ang kamay ko para hawakan ang balikat ko.
"Are you okay, miss?" tanong nya sa nakakainlove na boses.
Hindi naman ako makapagsalita at nanatili lang tulala sa mala anghel nyang mukha. Kung di ko lang sya kilala, iisipin kong isa syang anghel na pinadala sa lupa para mag ligtas ng mga naapi.
Soft kasi ang features ng mukha nya. Napaka inosenteng tignan. Yung mga singkit nyang mata na kung tumitig ay para kang hinuhubaran (ay, wild!). Yung pisngi nyang mapula pa sa labi ko at yung labi nyang pinapangarap kong matikman (stop it, Sunsun! Kung ano-anong kaberdehan na yung naiisip mo). Yung buhok nyang itim na itim na bumagay sa maputi nyang balat.
"Na-trauma kaya sa ginawang pamamahiya sayo ni Cherry." sabi pa nito ng hindi pa rin ako sumagot. Ang hindi nya alam, busy lang ako sa pagnanasa sa kanya (hay, anu ba!)
"Don't worry, hindi ka nya i-bubully ulit." pag papagaan nya ng loob ko.
"A-Ayos l-l-lang." nauutal kong sabi.
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.