Dalawampu't-Isa

1 0 0
                                    

"Bakit ba bigla kang na-beast mode?" tanong ko kay Nicho ng kaming dalawa na lang.

Pinaalis ko na si Adrian dahil mukhang wala pa itong balak umalis kahit na nasuntok na sya ni Nicho.

Kanina pa kami nandito at walang nagsasalita. Inabutan na rin kami ng pag bell pero walang kumilos sa amin para pumasok kaya ang ending pareho kaming hindi napasukan ang first subject namin.

"Nicho," tawag ko dahil mukhang wala syang balak kumibo.

"Nagpakilala syang kaibigan mo." nakuha ko ang atensyon nya sa sinabi ko. "Sinabi nya na may hindi daw kayo pag kakaintindihan kaya gusto ka nyang makausap kaya lumapit sya sak akin." kwento ko sa nangyari kanina.

"He introduced himself as my friend?" hindi makapaniwalang tanong nya na tinanguan ko.

"The nerve of that guy to say that I'm his friend."

Nagtaka naman ako sa inasal nya. Bakit ba ganto na lang sya kung maka-react sa pagpapakilala ng lalaking yun sa akin. Tsaka kanina nagtaka rin ako kasi hindi naman mainitin ang ulo nya pero bigla na lang nyang sinuntok yung lalaki na parang may galit sya dito.

"Bakit, hindi mo ba sya kaibigan?"

Nalukot ang mukha nya sa tanong kong yun.

"Dati kasi nung una ka pa lang dito, napansin ko… napansin ko lang, ha. Hindi kita tinitignan noon." napangiti naman sya sa pagiging defensive ko.

"Napansin ko na lagi mo syang kasama noon kaya naisip ko rin na kaibigan mo nga sya."

"Ikaw na rin ang nagsabi. Noon. Means dati pa yun." sagot nya at bumalik na naman sa pagka beast mode yung mukha nya.

"Ex mo sya?"

"What?" lalong nalukot ang mukha nya. Halos hindi na nga maipinta, eh.

Napatawa naman ako. "I mean ex bestfriend."

"You can say that," parang labag pa sa loob nyang sabi

"Ano bang nangyari? Sa pagkakatanda ko kasi dati close kayo. Sya nga lagi yung kasama mo, diba?"

Hindi naman sa parang nanghihimasok ako pero parang ganon na nga. Tsaka way na rin ito para mas makilala ko sya.

Natigilan sya. Parang nag iisip kung sasabihin ba sa akin o hindi ang dahilan.

"P-pero kung ayaw mo, it's okay. Hindi naman natin mapipilit ang taong ayaw pang mag open up, right?" napakamot pa ako sa may kaliwang pisngi ko.

"Okay lang na-" napahinto ako sa pagsasalita ng magsimula syang mag kwento.

"We were really best of friends back then." nang tignan ko sya ay nakatingin sa kawalan na para bang inaalala nya ang mga kinukwento nya.

"Then what happened?"

"Partner in crimes kami noon. Kasangga ko sa lahat ng bagay maging sa kalokohan." napangiti pa sya. "Until we met her."

Her.. ibig sabihin babae. Naman, alangan namang lalaki, eh, her nga. Bobo mo, Sunsun!

"S-sino?"

"Si Cindy, naging bestfriend din naman sya. But later on niligawan ko sya. At first I was hesitant kasi kaibigan namin sya pero tinuloy ko pa rin. We became a couple. We're happy, Adrian was happy for us, that's what I thought."

"Akala ko masaya sya para sa amin ni Cindy. But little did I know, inaahas na pala nya patalikod si Cindy. Niloko nila ako. Pinagkaisahan. Pinagkatiwalaan ko sila pero ginago nila ako." tumawa sya pero bakas doon ang pait.

"Pwede naman kasi nyang sabihing 'pre, gusto ko rin si Cindy baka naman pwedeng ipaubaya mo na sya sa akin' gagawin ko naman, eh. Ipapaubaya ko sa kanya si Cindy pero mas pinili nyang lokohin ako." nabasag ang boses nya sa huling salitang binitawan nya.

Habang pinapakinggan ko syang nagkukwento ay gusto kong magselos pero hindi ko magawa. Kung titignan mo kasi sya ay wala nang mababakas na panghihinayang sa relasyon nila ni Cindy. Ang meron lang ay yung panghihinayang sa pagkakaibigan nilang tatlo na nauwi sa wala dahil sa pagtatraydor ng dalawa.

"That's why lumipat ako ng school para lumayo kay Cindy."

"Pero nung lumipat ka ay kasama mo pa si Adrian noon, diba?"

Nagsalubong ang kilay nya ng marinig ang pagbanggit ko sa pangalan ni Adrian. Ito talaga napaka seloso. Ano kayang gusto nyang itawag ko dun sa tao. Ex bestfriend nya, new enemy? Hay!

"Dahil hindi ko pala alam noon na sya yung third party. Nakipaghiwalay ako kay Cindy nung nalaman ko na may iba syang lalaki pero hindi ko alam na sya pala yun." napailing sya.

"Kaya nung nalaman ko na sya sobrang akong nasaktan. Hindi ko matanggap kasi sya yung kasama nung mga panahong nafrufrustrate ako sa kakaisip kung sino yung lalaki ni Cindy tapos sya lang pala. Kaya mula nung nalaman ko pinutol ko na lahat ng ugnayan namin."

Ngayon mas naliwanagan na ako. Kaya pala ganon na lang ang galit na nakita ko kanina sa kanya dahil may pinaghuhugutan naman pala sya. Yun din pala ang dahilan ng paglipat nya sa school na pinapasukan namin.

Hindi ko alam kung blessing bang matatawag yung nagyari sa kanya kasi dahil doon ay nagkakilala kami pero nasira naman ang pakikipagkaibigan nila

"Pilit syang naghahanap ng way para magkausap kami pero ne minsan ay hindi ko sya pinagbigyan."

"Bakit hindi mo sya bigyan ng chance? Malay mo maayos nyo pa yung friendship nyo?"

Humugot sya ng malalim na hinga. "Not now, hindi pa ako ready."

"But it's been years, right?"

Kasi lumapit sya dito nung grade 10 kami and now we're already a college student so taon na rin ang nagdaan.

"Years yet hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa nila."

Sobrang pinahalagahan ni Nicho ang friendship nila. Kita ko yun sa mga mata nya nung nagkukwento sya kanina ng mga pinagdaanan nila ni Adrian. Kaya nung niloko nila sya ay sobra rin syang nagdamdam kaya hanggang ngayon ay galit pa rin kahit na ilang taon na ang lumipas.

Totoo yung sinasabi ng iba na wag mong sasaktan ang mga taong nagpapahalaga sayo dahil kapag sila ang sinaktan mo ay lubos mo itong pagsisisihan. Dahil kahit anong gawin mo ay hinding hindi nila makakalimutan ang ginawa mong kasalanan.

Niyakap ko sya para maramdaman nya na hindi sya nag iisa. Na nandito lang ako at handa syang damayan ano mang oras.

Niyakap nya naman ako pabalik. Pinahinga nya ang kanyang mukha sa gilid ng leeg ko. Nararamdam ko ang hininga nya sa batok ko dahilan ng pagtaas ng balahibo ko doon.

"Ang bango mo," he whispered but since malapit lang ang bibig nya sa may tenga ko ay narinig ko ito.

Para naman akong natulos sa kinauupuan ko ng amuyin nya ulit ako.

"Nicho, ha! Chansing ka na." suway ko kahit na medyo gusto ko rin naman. Medyo lang, ha!

"What?" nakiliti ang leeg ko ng tumawa sya.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang sya. Matagal kaming nasa ganoong posisyon. Nakatunganga lang ako sa kawalan ng maramdaman ko ang banayad nyang paghinga senyales na nakatulog sya sa ganitong posisyon.

Kahit na nangangawit na ako dahil sa tagal namin na nakaganito ay hindi ko sya ginising. Hindi na rin kami nakapasok sa kanya kanya naming klase dahil mas pinili namin na manatili kasama ang isa't isa.


---------

Laaaaaaaab youuuuuuuu

CLICHÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon