Hindi ko alam kung hapunan bang matatawag ito o interogation tungkol sa aming dalawa ni Nicho. Halos hindi na kasi kami makakain sa kakatanong ng dalawa.
"Ano ngang buo mong pangalan, Nicho?"
"Nicholas del Rosario, po." magalang na sagot nya.
"Ah," tumango tango si Mama.
"Anong course mo?"
"Business administration po."
Wow, laging may po ang sagot.
"So, may business kayo, kuya?"
Ito namang si Rain. Porket, businesses ad ang course may business na agad?
"Ahmm, yung dad ko is may company." parang nahihiya pang sabi ni Nicho.
Wait, what? May company ang dad? Ibig sabihin pala is talagang mayaman sila Nicho.
Nagsasandok si Mama ng kanin habang nakatingin kay Nicho. Muntik pa ngang hindi malagay sa pinggan nya dahil hindi sya roon nakatingin. Buti na lang inusog ni Rain yung kamay nya papunta sa plato.
Nagsimula na kaming kumain. Akala ko ay tapos ang interview session, hindi pa pala.
"So, anong nagustuhan mo sa anak ko?" napatigil naman si Nicholas sa tangkang pagsubo dahil sa hindi matapos tapos na tanong ni Mama.
"Ma," suway ko kay Mama. "Hayaan mo munang makakain yung tao."
"Ang sabihin mo, ate, ayaw mo lang sagutin ni kuya Nicho yung taong dahil wala namang kagusto gusto sayo." sabat ng kapatid ko.
"Aba't!" inambahan ko sya ng suntok.
"Umayos ka nga, Sunsun. Nakakahiya sa manliligaw mo na ganyan ang pinapakita mo." si Mama.
"It's okay, po. Infact, isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya." biglang sagot ni Nicho.
Parang teenager naman na kinilig si Mama sa sagot ni Nicho. Si Rain naman ay hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha.
"Ano pa yung mga nagustuhan mo sa anak ko?" kinikilig pa ring tanong ni Mama.
"She's a kind hearted woman, yung tipong kahit alam nyang ikapapahamak nya yung pagtulong sa iba, okay lang basta nakatulong sya. Isa rin syang mabuting kaibigan. At kahit na nasasaktan na sya dahil sa ibang tao, pinipili pa rin yang wag patulan yung mga para hindi na lumaki yung gulo dahil ayaw nyang pati kayo madamay. At mahal na mahal nya yung pamilya nya. I really adore her for that." sabi nya sa napapaos na boses habang nakatingin sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang binabanggit nya.
Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na pasimple nagpahid ng luha si Mama. It's such a beautiful scene kung di lang umepal na naman ang kapatid ko.
"Pansin ko lang, ha? Puro ugali yung mga binanggit mong nagustuhan mo kay ate. Wala man lang ba sa itsura?"
Naku, kung abot ko lang talaga 'tong si Rain nakarami na 'to sa akin ng batok. Pasalamat sya maliit ang mga braso ko at medyo malapad 'tong lamesa kaya hindi ko magawa. Hirap talaga maging maliit.
"I actually like her eyes, they are very expressive. Her small but narrow nose and her red lips." bakit hindi ko nakikita yang mga katangiang yan pag nag salamin ako? Bolero ka, Nicho. Tigyawat ko lang nakikita ko kapag nagsasalamin ako.
"I like everything about her. Kahit nga yung pimples nya, eh. Mga ugali ang binanggit kong mga nagustuhan ko kasi ayun ang importante. Ugali bago itsura. Cause that's what really matters."
Hear that, Rain? Kung hindi lang nakaharap si Nicho kanina ko pa binelatan ang kapatid kong ampon. Charrr! Ano ka ngayon, Rain? Nabara ka, noh?
"Umamin ka nga, ate." tumingin sa akin si Rain. "Anong pinakain mo kay kuya Nicho at ganito sya sayo? May gayuma yun, ano?"
BINABASA MO ANG
CLICHÉ
Teen FictionA story of a damsel in distress girl and a knight in shining armor boy.