C5: Unexpected meeting

154 7 0
                                    


CHAPTER FIVE

ELLE's:

Nakahiga lang ako sa kama ko habang hawak ang phone ko. Ang lakas ng ulan sa labas. Walang pasok ngayon kasi raw may bagyo. Ako? Eto, nakahiga lang kanina pa tulala.

Iniisip ko pa rin kasi yung sinabi niya sa akin kahapon. Yung he will play my game too. Shawn guy will play my game too.

Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni bitch 'just sayin'. Bakit ikaw ang mahulog sa sarili mong laro.' Kaya parang nag aalangan na ako'ng ituloy.

Pero andito na 'to. Wala ng atrasan. At isa pa, isang buwan lang naman silang mag-iistay sa classroom namin. Kaya isang buwan lang ang limit ko para maakit siya. Pero kung wala talaga, titigil na ko. Mamaya kung saan pa mapunta ito eh.

Nabobored ako. Maghapon lang ako nandito sa loob ng kwarto ko. Ayoko namang manood dahil tinatamad ako. Ayoko din buksan yung mga accounts ko sa iba't-ibang sites. Ayoko rin kumain, nagda-diet ako. Kailangan i-maintain ko ang kaseksihan ko.

Aha! Pumunta na lang kaya ako sa mall at mag shopping?! Tamaa! Yayayain ko si Kelly.

Agad kong in-unlok ang phone ko at tinext si Kelly.

TO: KELLY~

Msg: Hoy bruh! Shopping tayo now na.

Message sent!☺☺

Maya maya lang ay tumunig na rin ang phone ko. Meaning nagreply na siya agad. Ang bilis lang huh!

FROM: KELLY~

Msg: Sure y not. Otw na me :)

-end-

Hindi ko na siya nireplyan at nagtungo na sa banyo para maligo.

Pagpasok ko sa banyo, in-on ko muna yung heater. Ang lamig kasi eh gawa ng bagyo.

Tinadtaran ko ng maraming strawberrt scent liquid soap ang bath tub at tsaka nagbabad. Oo, mahilig ako sa strawberries. Nagbabad lang ako for ten minutes tapos nagbanlaw din. Lumabas na ako sa banyo ko at nagtungo sa walk-in closet ko.

Tutal naman malamig, mag-hu-hoodie na lang ako na piccachu at leggings na black. Sinuot ko na rin yung winter boots ko kahit wala namang snow dito sa Pinas. Malamig eh, bakit ba ?!

Lumabas na ako sa walk-in closet ko at humarap sa salamin. Nagauklay lang ako ng buhok at naglagay ng kaunting BB cream sa mukha at lipgloss.

*tok tok*

"Come in!" Sigaw ko.

Agad naman na nagbukas ang pinto at bumungad sa akin si Kelly.

"Ano? Tara na." Tumayo na ako at kinuha ang back pack ko na itim.

Ako lang naman ang tao dito sa mansyon eh. Si mommy at daddy nasa singapore para sa busimess trip nila. Next year pa ata uwi nila kasi magbukas pa sila ng panibagong branch ng kumpanya namin sa Europe at L.A super busy nila :----(

Nang makarating kami sa mall ay agad din kaming dumiretso sa loob ng botique na pagma-may ari ni Kelly. Yeah, sarili niyang botique. Kumpleto na. Andito na yung mga latests clothes, shoes, bags at kung anu ano pang kakikayan.

Syempre, ako mahilig ako sa mga korean fashion styles kaya doon ako sa Korean fashion area.

Kumuha ako ng limang cute na hoodies, tatlong dress na HBA ang tatak at bags na MCM. Kumuha din ako ng limang damit na supreme ang tatak. Sa shoes? I prefer boots than high heels. Pero bumili na rin ako ng isang pair ng high heels na kulay silver worth 45,000PHP. Binayaran ko na sa counter ang mga pinamili ko. Umabot ng 750,000PHP ang mga pinamili ko.

Well, tagalagas lang naman ako mg pera ng mga magulang ko. Kaya ayus lang.

Pagtapos namin mag-shopping ay dumiretso naman kami sa salon.

Nagpa-manicure at pedicure lang ako. Maganda pa naman ang buhok ko eh. Si Kelly, nagpa-dye ng buhok.

Habang nilalagyan ng kulay yung mga kuko ko sa paa ay nagbasa muna ako ng pinaka latest issue magazine ng High Cut. Palipat lipat lang ako hanggang sa matutok ang mga mata ko sa isang page.

Shawn Eimerson, new ambassador of High Cut 2014 August Issue: Mr.Oh sign the contract!

According to Ms.Jannah Lipin- Mr.Shawm Eimerson's spokes person. He already sign the contract as the new ambassador of High Cut Magazine Corp.

Wow! So instant sikat pala talaga siya. I wonder, paano kaya siya naging member ng isang gang?!

*bzzzzt~ bzzzzzt*

I picked up my phone, may tumatawag kasi.

DAD's calling....

"Ne, yeoboseyo?!" Sagot ko sa kabilang linya.

[How are you?] Tanong ni dad mula sa kabilang linya.

"I'm good." Sagot ko.

[Anyway, babalik kami dyan next week for your birthday party. Kasabay na rin ng engagement party mo.] Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi ni dad.

"Dad! Akala ko ba irereto mo lang ako? Eh bakit parang pinapamigay niyo na ko? You know naman na I hate arrange marriage. Kung si mom ang nagrequest niyan sabihin mi ayoko." Sabi ko na mababakas ang inis sa boses ko.

"Madame, are you okay?" Tanong sa akin ng babaeng naglalagay ng kulay sa mga kuko ko sa paa.

Sinenyasan ko lang siya na okay lang ako at ipagpatuloy ang ginagawa niya.

[I'm sorry. But I'm sure you'll be happy to see and meet your soon to be husband-"sir, your meeting is about to start"- Anyway, magsisimula na ang meeting ko. Bye,take care Elle.]

"Wait, dad!"

*toooot~tooot*

Bastos! Binabaan agad ako -_-matutuwa?paano ako matutuwa kung malalaman kong ikakasal na ko sa di ko naman kilala.

Bago pa man ako tuluyang ma-badtrip ay biglang pumasok ang pitong lalake na nag-ga-gwapuhan. Naglalaway na nga mga customers dito sa loob eh.

Ang 7 aces. Andito sa loob ng salon.

"Welcome to Happy salon misters. What we can we do for the all of you?" Masiglang tanong ng receptionist sa kanila.

"Hair dye." Maikling sagot nung lalakeng mukhang babae.

"Name po sir?" Tanong ni ateng receptionist na halata namang nagpapacute pa.

"Yojan." Maikling pagsagot niya.

"Dito na lang po muna kayo sa waiting area maupo mga sir." Pacute pa na sabi ni ateng receptionist.

Sumenyas naman sa akin si Kelly na 'andito si Eimerson.' Napairap lang ako. Alam ko! Sa dami ng salon dito sa loob ng mall, bakit ito pang salon kung nasaan kami?! *facepalm*

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon