CHAPTER NINETEENYOJAN's:
Tahimik lang kami, walang umiimik ni isa sa amin. Nangangapa ng sasabihin.
Habang siya, nakangiti sa amin. Nandito kami ngayon sa lair namin. Tahimik lang si Shawn, at nakikipag-tagisan ng tingin sa kanya.
"Hindi ko alam na ganyan ka na pala ngayon ka-yelo. " sabi niya at tumawa pa.
"Why did you comeback?" Diretsahang tanong ni Shawn sa kanya.
Natigil sa pagtawa si Lyndon. At tumingin sa kanya ng seryoso.
"Bakit? Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang pinag gagawa mo?" Tanong niya kay Shawn.
Si Lyndon Sy, ang kababata namin ni Shawn. Ang bestfriend namin ni Shawn. Halos apat ns taon namin siyang hindi nakita matapos ng insidenteng 'yon.
"I'm asking you.." saad ni Shawn.
Muli nanamang natawa si Lyndon.
"Whoa! Chill man. Andito ako para mag-aral. Hindi para sa mga walang kwentang bagay, at tao." Sabi niya.
Napayukom ang kamao ko. Gago!
"Nga pala, marami palang magagandang babae dito. Lalu na yung nakasabay ko kaninang umaga. Doon siya nakatira sa subdivision ko." Sabi niya na ngiting ngiti pa.
Napatingin naman sa akin si Lyndon, at sa kamao ko na nakakuyom na. Napangisi siya.
"Wag kayong mag-alala. Wala akong gagawing masama. Hindi ako bumalik dito para gumanti. Andito ako para mag aral." Sabi niya.
"Paano kami nakakasigurado?" Tanong ni Kaizer.
Ngumisi nanaman si Lyndon.
"Kailangan pa ba ng kasiguraduhan?" Tanong niya.
"Gago!" Untag sa kanya ni Kaizer.
Napatawa nanaman ng malakas si Lyndon.
"Nakakatawa kayo. Masyado niyong pinapakita sakin na takot kayo sa maaari kong gawin." Sabi niya at tumayo na. "Kung may gagawin man akong masama, sana ngayon palang nagkakagulo ns kayo. At natatakot." Sabi niya at lumabas na sa tambayan namin.
Kahit papano, nawalan ako ng tinik sa lalamunan nang manggaling mismo sa kanya na wala siyang gagawing masama.
Pero di pa rin maaalis sa akin ang pag aalala. Lalu na kay Elle.
ELLE's:
"KYAAAAA~ OMG!" Kanina pa ko naririndi sa bunganga ni Kelly.
Jusko! Mula pa kaninang umaga yan eh. Kesyo, nililigawan na raw siya ni Kaizer, gusto daw siya ni Kaizer.
Pero masaya ako para sa bestfriend ko. Long time crush niya, na nanliligaw na sa kanya ngayon. What more pa kung maging sila, diba?
"Bitch, di tayo sabay magla-lunch ngayon ha. Alam mo na." Sabi niya ng ngiting ngiti pa.
"Tss." Yun na lang yung nasabi ko.
Maya maya pa ay nagbell na. Meaning, lunch time na namin. Inayos ko na ang sarili ko.
"Bye bitch." Sabi niya at patalon talon pang lumabas ng room.
Napailing na lang ako sa kanya.
Lumabas na rin ako ng room namin at dumiretso sa cafeteria. Oo nga pala, simula bukas magpa-practice na kami para sa darating na pageant. Malas! Si Shawn pa ang partner ko. Tch!
Nang makapasok ako sa caf, agad akong nag order. Naghanap ako nang mauupuan pero puno na.
May nakita akong lalake na nag iisa sa mesa. Nilapitan ko siya.
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...