CHAPTER FIFTYELLE's:
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang kalbaryong sinapit namin. Nailibing na rin sila mom at Keisha.
Hindi na pinatagal pa ni dad ang lamay nila mom at Keisha. Dahil baka raw any moment ay lusubin nanamam kami ng mga tauhan ni Jang Dasom.
Marami rin ang nagulat sa biglaang pagkamatay ni mom. Ngunit ang sinabi lang ni dad ay may sakit si mom sa puso.
Grabe rin ang pinsalang tinamo sa mansyon ng mga Sanderson.
At hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ni Shawn.
Nakatingin lang ako sa kawalan. Bakit kailangang may mawala at mang-iwan?
"What are you thinking?" Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin. Nakatingin din siya sa mga bitwin sa kalangitan.
"Wala.." tipid kong sagot.
"Lielle.. I'm sorry for what happened last night." Napatingin ako sa kanya.
"No. Ako dapat ang mag-sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko dapat ginawa 'yun dahil alam kong nag-aalala ka lang sa akin." Sabi ko at muling tumingin sa kalangitan.
Napakaraming bituwin. Nasaan kaya dyan sila mommy at Keisha?!
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hatakin palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit.
"I just don't want to lose you again. I love you, and I promised that I will never leave you. I'll protect you no matter what happen." Niyakap ko rin siya pabalik at inilapat ang tainga ko sa gawing dibdib niya.
Ang lakas ng tibok ng puso niya. Mabilis. "Mahal kita Shawn. At ayaw ko ring mawala ka sa akin, ayaw kong makita ang sarili ko na balang araw ay umiiyak at nangungulila sa'yo. Importante ka sa akin, Shawn." Sabi ko.
Naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. "I know." Bulong niya.
Humarap ako sa kanya. Nakatitig lang ako sa mga magaganda niyang mata na akala mo ay hinihigop ang mga mata ko.
Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Ilang metro na lang at maglalapat na ang aming mga labi.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na ang pagdampi ng labi ni Shawn sa labi ko.
He's kissing me passionately, full of love and sincerity. Our kisses were deep, like no one can take us apart.
"I love you." He said between our kisses.
I just smiled while responding on his kiss.
As we stopped kissing each other, we both catching some oxygen. "That kiss was daebak!" Natatawang sabi ko.
Nginitian niya lang ako at niyakap.
Why do I have this feeling na...
KELLY's:
"Okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Kai.
Napatingin ako sa kanya at tumango. Nilapitan niya ako at naupo sa tabi ko.
"Kai.." tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Tugon niya habang abalang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.
"Malalagpasan pa natin lahat ng ito diba?" Tanong ko.
Napatigil siya sa paglalaro ng kamay ko. "As long as I am alive, I will protect you. Even if I face death. Shawn and I will protect the both of you." Sabi ni Kai.
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...