"Trust in what you love, continue to do it will take you where you need to go."---
CHAPTER THIRTY-TWO
ELLE's:
Nagising ako nang maramdaman ko ang mataas na sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Unti unti akong bumangon.
"Ahk.." napahawak ako sa magkabilang gilid ng ulo ko. My head stings. Psh! Hangover -___-
Inilibot ko ang paningin ko. Bakit nasa kwarto ko na ako? Pagkakatanda ko ay nakatulog ako sa bar.
Sino nagdala sa akin dito?
Baka si Shawn..
Aish! Malabo. Tsk. Ayoko ng isipin pa yun lalu lang sumasakit ulo ko. Tch!
Nagtungo ako sa banyo at naligo. Para naman mabawasan kahit papaano ang sakit ng ulo ko.
Nang matapos akong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako sa kusina.
As usual, ako nanaman mag isa dito sa bahay. Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit malapit sa wall clock.
Tatlong araw na lang pala at pageant na namin.
"Let's eat." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na 'yon.
Napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan siyang naghahanda ng tatlong plato sa mesa.
Napangiti ako.
Akala ko, wala nanaman siya. Akala ko andoon nanaman siya sa Kimmy na 'yun.
Lalapit na sana ako sa kanya nang may babaeng nang-galing sa kusina ang lumabas na may hawak na pagkain.
Nakangiti siyang naupo sa tabi ni Shawn.
"Hi Elle! Kain ka na." Nakangiti niyang sabi.
Kaya mo 'to Elle! Diba pangako mo sa sarili mo, hindi ka na magpapaapekto sa kanila? Di ka na masasaktan diba?
Napahinga ako ng malalim at nakangiting lumapit sa kanila.
Naupo na ako at nagsandok na ng sarili kong pagkain.
Tahimik lamang akong kumakain, habang sila ay tahimik din. Walang nag-iimikan sa amin.
Hanggang sa maya-maya lang ay..
"Sese, subuan na kita. Say ah~" sabi ni Kimmy habang nakangiti.
Napasimangot naman si Shawn tapos maya-maya ay ngumiti rin at sinubo ang pagkain ni Kimmy.
"Subuan mo rin ako please~" nagpapacute na sabi niya.
Napailing na lang si Shawn at sinubuan din si Kimmy.
"Eh? Anu to?" Inosenteng tanong ni Kimmy kay Shawn.
Napatingin ako sa tinuturo niya.
Yung brocolli na halo sa chopsuey. Napairap ako.
"Brocolli." nakangiting sabi ni Shawn at ginulo ang buhok ni Kimmy.
"Aish~ oppar!" Nakasimangot na sabi ni Kimmy.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko. Hindi ko na kasi ma-take ang kalandian nilang dalawa.
Nang matapos ako ay agad akong tumayo. "Excuse me. Mukhang naiistorbo ako ata kayo." Sabi ko at tinalikuran na sila. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis ng pang-lakad.
Saan ba ako pupunta? Gusto kong lumayo. Lumayo sa kanya. Gusto ko na kasi talaga siyang kalimutan eh.
Kinuha ko muna ang laptop ko at in-open ito. Nagresearch ako ng mga lugar na pwede kong puntahan para makapagrelax.
And after one hour, nakahanap na rin ako.
Tinawagan ko si Kelly at sinabi sa kanya ang balak ko. Sinabi ko rin na magba-back out na ako sa pageant.
Hindi ko sinabi kina mommy ang tungkol sa plano kong bakasyon. Baka mamaya sabihan pa si Shawn edi napurnada pa. Mamaya pasamahin pa sa akin.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Then all set na! Mamayang gabi ang flight ko.
Oo, flight. Hindi naman ako mangingibang-bansa. Dito pa rin ako sa loob ng Pilipinas pupunta. Sa may Ilocos Norte ako at nag-book ng flight ko.
Tutal naman ay malapit na rin kami mag-christmas vacation kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon. Magsesend na lang ako ng excuse letters sa mga teachers ko pati na rin sa principal.
Ayos na lahat ng gamit ko. Kinuha ko na ang passport ko at nilagay sa loob ng bag. Bumaba na ako sa sala, pagbaba ko ay wala sila.
Wala rin ang sasakyan sa garahe. Napabuntong hininga ako.
Lalayo muna ako sa iyo Shawn. Aalis muna ako at muling bubuuin ang sarili ko. Gusto ko, pagbalik ko ay may sapat na akong lakas para harapin ka.
Gusto kong bumalik sa dating ako. Gusto ko munang kalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit dalawa o tatlong linggo lang. Sapat na siguro iyon para magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob para harapin kang muli.
Kasi sa tuwing nakikita kita, nanghihina ako. Lalu akong nanghihina kapag nakikita kong nakangiti ka kapag kasama mo siya.
Nandito na ako sa loob ng airport. Hinihintay ko na lang na tawagin ang flight ko.
*INTERCOM SOUNDS*
"All passengers in Ilocos, Norte.-" tumayo na ako nang marinig ko na ang destinasyon ko.
Nang makapasok na ako sa eroplano at nakaupo sa may tabi ng bintana ay may pumatak na maliit na butil ng luha mula sa aking mga mata.
Pangako. Hinding hindi na ako luluha pang muli. Huli na ang pag-iyak kong ito.
I Give-up now, Shawn...
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...