CHAPTER FORTY-SIXYOJAN's:
Mag-iisang linggo na akong walang balita kay Kei. Sobra na akong nag-aalala sa kanya.
Iniwan nanaman ba niya ako? Hindi niya na ba ako mahal?
Sinubukan ko siyan tawagan ng ilang beses pero nagriring lang at hindi naman niya sinasagot.
"Fvck! Nasaan ka na ba?" Iritang sabi ko at binato ang phone ko sa couch. Napasabunot ako sa sarili ko.
Maya-maya pa ay may nag-doorbell sa unit ko.
Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan. Tinignan ko rin sa intercom kung may tao ba sa labas. Pero wala akong nakita.
Binuksan ko ang pinto at nagpalinga linga. Hanggang sa mapatingin ako sa sahig.
Sino nag-iwan ng kahon dito? Binalewala ko na lang at pinulot ito.
Pumasok na rin ako sa loob at ni-lock ang pinto.
Nagtungo ako sa kwarto ko at naupo sa gilid ng kama.
Tinignan ko ang sobreng nakalakip sa ibabaw ng kahon.
Binuksan ko ito, at binasa.
Yojan,
I'm sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry kung pinalaglag ko ang anak natin. Sorry kung ginamit kita noon. Pero maniwala ka, minahal kita, at mamahalin pa rin kita hanggang sa huling hininga ko.
Salamat dahil muli mo akong tinanggap, at pinatawad. Salamat sa isang gabing pinagsaluhan nating dalawa.
Kamusta ka na? Ayos ka lang ba? Sorry kung hindi ako nagpapakita sa'yo. Sorry din kung hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts mo. Kailangan eh! Para sa kaligtasan mo. Nanganganib na ang buhay ko. At hindi ko maipapangakong makakabalik pa ako ng buhay. Ikaw ng bahala sa kapatid ko, si Elle. Bayad na ang mga kasalanan ko sa kanya. Mamatay man ako, atleast napatawad na ako ng mga taong ginago, at sinira ko noon.
Pakiusap ko sa'yo, matapos mong basahin ang sulat na ito ay kalimutan mo na ako. Magsimula ka ng panibago, kalimutan mo na ang pagmamahal mo sa akin. Alam kong mahirap pero kayanin mo. Ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko. Nagtatago ako para sa'yo. Sa kaligtasan mo. Mag-iingat ka. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Pero pinapalaya na kita.
Paalam!
- KEISHA
Nagpunas ako ng luha ko matapos kong basahin ang liham niya. Tangina! Sino ang gustong pumatay ss kanya?!
Tangina naman Kei! Iiwan mo nanaman ako. Lagi mo na lang akong iniiwan
Pwede mo namang sabihin sa akin ng harapan ang lahat ng nasa sulat. Pero ang duwag mo! Kaya naman kitang ipagtanggol laban sa mga gustong pumatay sa'yo eh.
Handa naman akong mamatay basta para sa'yo. Pero bakit pinili mong lumaban ng mag-isa?
Tangina! Kalimutan ka? Paano kita kakalimutan kung ikaw na ang nakasanayan ng puso ko? Paano kita kakalimutan kung mahal na mahal kita? Handa ako Kei! Sabihin mo lang, at handa akong makipagpatayan mailigtas lang kita.
Hahanapin kita. Hindi ako maghihintay lang sa balita tungkol sa'yo. Kikilos ako, ililigtas kita. Hindi ko hahayaang mawala ka pang muli sa akin.
Hahanapin kita..
ELLE's:
Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Sanderson. Andito na rin sila dad at mom, kasama si kuya Lawrenz. Alas dos na ng madaling araw at pinilit nila mom na umuwi. Umiiyak din si mommy nang malaman niya ang nangyari.
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...