C26: Found the missing!

123 4 0
                                    


CHAPTER TWENTY-SIX

ELLE's:

Nagising ako nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko.

Andito na ako sa loob ng kwarto ko.

Paano ako napunta dito?

Malamang binuhat ka ni Shawn.

Aish~ yung lalakeng talaga na 'yun parang palitaw ang kabaitan. Minsan lulubog, minsan naman lilitaw. Daig pa nga ata niya ang babaeng may PMS eh.

Napabuntong hininga ako babangon na sana nang maramdaman ko ang kirot sa binti ko. Tinignan ko ang binti ko na nakabenda at may dugo.

Ano bang nangyari kahapon?

Nasaksak ka kahapon sa binti. Gaga!

Aish~ ang hirap magkaroon ng kunsensya na harsh pa sa akin -___-

Pinilit kong tumayo at itinali ang buhok ko at tsaka nagpunta sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Nang matapos ako ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Inalala ko ang mga pangyayari kahapon. Pero isa lang ang pinaka-tumatak sa utak ko.

Hinalikan ako ni Shawn sa noo at niyakap ng mahigpit.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Parang may nagkakarerang mga kabayo sa bilis. At parang may bulate sa tiyan ko.

What could it be? Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Napatingin naman ako kung sino ito.

Nakapoker face nanaman siya habang hawak ang tray na naglalaman ng breakfast ko.

Lumapit ako sa kanya at nag cross arms. Oha! Kahit medyo pilay na yung isang binti ko dahil sa saksak eh nakakapagtaray pa rin ako. Dyosa kasi ako. D-Y-O-S-A! Anung konek? May konek. Basta dyosa ako *smirk*

"Thank you sa pagkatok mo ah." Sarkastiko na sabi ko. Oo, walang good morning. Ano siya swerte?

Leche kang babae ka! Magkaroon ka naman ng utang na loob sa tao.

At bakit ako dapat tumanaw ng utang na loob sa lalakeng ito?

Diba dapat masasaksak ka na ng tuluyan? Kung di dumating si Shawn baka patay ka na. Dapat ka patay ka na para end na agad ng story mo eh.

Ay ganon? Leche kang kunsensya ka. Lakas mo makabara! Oo na, magpapakabait na ko. Pero ta-try ko lang. Aba! Di na libre ang pagiging mabait ko.

Tinaasan ko siya ng kilay habang siya ay pokerface pa rin.

"Here's your breakfast." Sabi niya at iniabot sa akin ang tray tapos dire-diretso na siyang lumabas sa kwarto ko.

Napatingin ako sa tray na hawak ko.

Isang plate ng bacon, egg garlic rice. Bread with butter, and a mug of hot chocolate. May nakalagay din na botelya ng gamot. Pagbasa ko, pain reliever.

Oo ano? Lakas mo makapagtaray!

Aick! Oo na, leche ka talagang kunsensya ka. Kunsensya ba talaga kita? Lakas makabara eh. Psh! -__-

Naghanda na ako ng sarili ko para pumasok nang matapos kong kainin ang hinanda niyang breakfast.

Siya kaya nagluto nun? Infairness, masarap siya magluto. Pwede ng mag asawa.

Suddenly, I felt jitters inside my tummy. Just the thought that he made my breakfast for me. I didn't expect that. But somehow, I am happy.

"Omygolly! Ok ka na ba bitch?" Hysrerical na tanong ni bruh sa akin nang makarating ako sa school.

Inirapan ko lang siya at naupo na sa tabi niya. "Mukha ba akong di okay? May utak ka bang pinapagana o puro puso lang?" Sabi ko sabay irap sa kanya.

Napapout naman siya sa sinabi ko. "Bad ka talaga!"

Napatingin naman ako sa kanya, using my suspicious look. "Anung nakain mo at nag-gugumanyan ka?! Kahapon lang naiyak ka ah."

Bigla naman siyang nag-blushed. "Eh k-kasi... Okay na kami ni Kai." Ngingiting sabi niya.

Siguro natauhan na yung Kaizer na yun. Pero yung kasama niyang babae nung isang araw, pamilyar talaga siya sa akin eh.

Saan ko nga ba siya nakita?

Ayan! Lakas maka memory gap. Nagmamatanda?

AYAN! Lakas makasingit, nagmamaldita ka pa. Di naman bagay.

Wooo! Para na kong baliw. Kinkausap ko sarili ko.

Pero seryoso, saan ko ba nakita yung babaeng yon?

"Uy, bitch! Sabi ko, di ako sasabay sayo kumain. You know, kailangan daw bumawi sa akin ni Kai." Tumango na lang ako sa kanya.

Nakakatamad kasi siya kausapin puro KAI! KAI! Mukha na siyang kai. Tss.

Oy ha! Di ako bitter, sadyang paulit ulit niyang sinasabi KAI! Mga ilang ulit teh?

Anung gusto mo? Shawn?

SHUT UP!

TIM SEO's:

(First time mag-POV ni Panda boy :D..)

Hay! Nakaka antok naman, di ko alam gagawin ko ngayong araw. Wala naman sila Kris hyung, si Yojan hyung, pati sila Brix at Charlie hyung.sabi nila may bibilhin lang daw.

Napag usapan na rin namin na sosorpresahin namin si Charlie hyung sa birthday niya. At umalis sila ngayon para bumili ng regalo para kay Charlie hyung. Walang kaide-ideya si hyung na para sa kanya ang bibilhin na regalo nila Kris hyung. Ang alam niya lang ay magkakaroon kami ng exchange gift. Nothing more, nothing less.

Tinatamad kasi ako lumabas. Ayaw naman ako bilhan ni Kris hyung ng damit. *pout*

"Tim?" Napatingin ako sa nagsalita. Ang magnae pala namin.

(Magnae means 'pinakabata' sa isang grupo.)

"Uy Shawn!" Bati ko.

Tinanguan niya lang ako.

"May regalo ka na ba para kay Charlie hyung?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, I bought my gift with Kaizer hyung." Base sa emosyon sa mata niya. Batid kong may ginawa itong kalokohan.

Sa aming lahat na magbabarkada. Siya yung cold guy, same ni Kris hyung. Pero may times na magugulat ka na lang kasi pinagtitripan ka na pala ni Shawn.

Ang bansag sa kanya ni Brix hyung ay 'evil magnae'.

"I want to tell you something." Biglang sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya. Na may question mark sa tuktok ng ulo.

"Huh? Ano?" Takang tanong ko.

"Just promise me you won't tell it to others." Tumango na lang ako kahit super curious ns ako sa sasabihin niya.

Lumapit ako sa kanya.

"...I found her..."

------

A/n: oh ayan ha! Kahit andito ako sa probinsya at nagliliwaliw ay nag update pa rin ako. Confetti please *inserr teary eyed emoticon here* Pero sorry if short lang, may continuation pa ito. And gagawan ko siya ng book cover right after new year. HAHAHA :D Sa ngayon, advance HAPPY CHRISTMAS :)

KOREANABO♥

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon