A/n: I'll post atleast 3-5 updates within next week. I have lots of things to do this christmas vacation. And super excited dahil may swimming kami ng mga kpopper friends ko. Well, share ko lang :'"">>ENJOY READING :D
-----
CHAPTER TWENTY-TWO
CHARLIE's:
Pagkapasok ko pa lang sa school, agad kong sinabihan si Ice about sa mga kidnappers ni Elle noona. At ang koneksyon nito sa pamilyang Parker.
"ICE!" Tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa tambayan namin.
Napatingin siya sa akin.
"Hyung..." Banggit niya.
"May dapat kang malaman tungkol sa mga Parker at ang ugnayan nila sa Premiere mafia." Panimula ko.
Nangunot naman ang noo niyang nakatingin sa akin. Naghihintay ng kasunod kong sasabihin.
"What is it?" Tanong niya.
Napahinga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Dating business partner ng tatay ni Mr.Gene Parker, ang pinuno ng Premiere mafia. Meaning, ang lolo ni noona ay may malaking ugnayan sa pinuno ng Premiere mafia." Sabi ko.
Napakunot lalo ang noo niya. "Then?"
"Sa pangalawang project ng kumpanya nila ay tinakbuhan ni Mr. Parker (lolo ni Elle) ang pinuno ng Premiere. At doon nagsimulang magalit sa kanila ang buong angkan ng mga Premiere. Tinugis nila ang lolo ni noona at pinapatay. Nakita lahat ni Mr.Gene Parker (tatay ni Elle) kung paano pinatay ang ama niya. Kaya bumuo siya ng isang ilegal na organisasyon. Hindi ko na nahanap kung anung pangalan. Pero nakalagay doon na makapagnyarihan ang clan ni Mr.Gene Parker. At mortal na magkaaway at magkalaban sa lahat ng bagay ang Premiere at ang clan ni Mr.Gene Parker." Paliwanag ko.
Habol hininga pa ako sa pagsasalita.
"Ibig sabihin, kaya dinukot si noona kasi alam nilang wala siyang laban?" Biglang singit sa usapan ni Tim.
Tumango lang ako. At hinarap si Ice. "Anung balak mo ngayon? May posibilidad na kidnapin ulit nila si noona at patayin." Sabi ko sa kanya.
Seryoso lang siya, hindi umiimik.
"I need to protect her." Biglang sabi niya.
"And?" Tanong ni Tim.
"I'll do everything just to make her safe." Seryosong sabi niya.
Nagulat na lang ako nang mabakasan ko ng pagaalala ang tono ng boses niya.
Labis siyang nag aalala para kay Elle noona. Maski ako, pero di ako makapaniwala. Si Ice nag aalala? Ang yelong taong ito, nag aalala kay Elle noona?! Unti unti na siyang nagbabago.
Posible kayang nagkakagusto na siya kay noona?!
Maya maya pa ay biglang pumasok si Yojan, ngiting ngiti.
"Yo yo yo~" bati niya sa amin nang makita niya kami.
"Yo Sese~" bati niya kay Ice.
Weird. Sese? Bakit niya tinawag na Sese si Ice? Karaniwang tawag niya kay Ice, ay Shawn. Ngayon nilang ito tinawag na 'sese'. At sa pagkakaalam ko, ang kababata lang ni Ice ang tumatawag sa kanya ng shawn o di kaya ay sese.
Sobrang lawak ng ngiti ni Yojan.
"Hyung, ang weird mo. Kahapon lang di ka mapakali. Ngayon naman, ngiting ngiti ka. Baliw ka na ba?" Tanong ni Tim sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...