C20: Find-out

106 4 0
                                    


CHAPTER TWENTY

KELLY's:

Nagtatawanan silang dalawa. Ano bang ginagawa ko dito sa labas ng cafe? Diba gusto ko ng cake? Pakealam ko ba kung makita nila ako, wala akong pake!

Pero salungat ang utak ko pati ang puso ko. Hindi dapat ako magpa-apekto.

Pumasok na ako sa cafe, dire-diretso ako patungo sa counter.

"Hi Ma'am, what's your order?" Tanong ng kahera.

"Chocolate mousse." Sabi ko.

Nginitian niya ako at sinerve na ang order ko.

Naghanap na ako ng mauupuan ko. Yung medyo tanaw ko pa rin silang dalawa.

"I'm glad naman at pumayag kang magkita tayo." Rinig kong sabi ng babae na kasama ni Kaizer.

"Why would I refuse you?" Sagot naman sa kanya ni Kaizer.

Natawa ang babae at hinawakan ang kamay ni Kaizer. Hindi man lang niya inalis.

"Tell me, do you still have feelings for me?" Tanong niya kay Kaizer.

Napalaki tuloy ako ng subo sa mousse ko.

"What if, I said yes." Hindi ko inubos pa ang mousse ko at tumayo na.

Dire-diretso akong naglakad paalis ng cafe.

Hindi ko na kaya yung mga nakikita at naririnig ko.

Anung ibig sabihin nito? Kaya niya lang ako nililigawan para rebound? May gusto pa rin siya doon sa babaeng kausap niya?

Pasabi sabi pa siya dyan na like niya raw ako. Yun pala, pinapaasa niya lang ako.

Ako naman ito, umasa! Nililigawan niya lang pala ako para maging rebound.

Sabihin niyo ng ang OA ko. Pero di ko maiiwasang maisip yon. Base sa pinag uusapan nila at sa mga kinikilos nilang dalawa.

Halatang gusto nga ni Kaizer yung babae. Pati yung babae halatang may gusto din kay Kaizer.

Eh ano pala ako dito? Taga palakpak lang? Soon to be sabit na sana sa istorya nilang dalawa?

Hayup siya! Pinaasa niya ko. Nag iisip pa ko kung bakit siya nagalit or naging cold sa akin. Yun pala..yun pala may kikitain siyang MAS importante sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Namalayan ko na lang na nandito na pala ako sa park ng campus.

Umupo muna ako sa isa sa mga bench. Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luha ko.

Did I do something wrong in my past life?

"Wag ka ng umiyak. Hindi bagay sa 'yo." Napatingin naman ako sa panyong nakalahad sa harap ko.

Pataas sa mukha niya..

Ngumiti siya sa akin.

ELLE's:

Kanina pa niya ako di kinikibo. Kahit usual nanaman sa kanya yun. Pero, hindi niya man lang ako pinapasadahan ng tingin. Kahit sulyap lang.

Nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

Napailing na lang ako.

Hinanda ko na ang hapunan namin.

Umakyat ako sa taas at kinatok ang pinto ng kwarto ni Shawn.

"Kakain na. Lumabas ka na dyan!" Sigaw ko.

Pero walang sumasagot. Mas nilakasan ko pa ang pagkatok ko.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon