C6: Goosebumps

169 6 0
                                    


CHAPTER SIX

ELLE's:

Habang nilalagyan ni ateng manicurista ng kulay ang mga kuko ko sa kamay, hindi ko maiwasang tignan siya, si Shawn. Masayang nagtatawanan yung mga kaibigan niya tapos siya tahimik lang sa isang tabi habang sinisimulan ng kulayan ang mga buhok nila.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Oo, gwapo nga siya talaga.

"Madame, tapos na po." Sabi ni ateng manicurista. Tumango lang ako at binuksan ang back pack ko upang kunin ang wallet ko.

Naglabas ako ng 1,000PHP at ibinigay sa manicurista.

Nagulat pa nga siya nang iabot ko yun sa kanya.

"Tip." Sabi ko at tumayo na. Pinuntahan ko na si Kelly.

Tapos na rin siya at binigyan na rin ng tip yung baklang nag-dye ng buhok niya.

Nagbayad na rin kami sa counter.

Palabas na sana kami nang bigla ako'ng tawagin ni Kaizer guy.

"Uy, Elle!!" Napatingin naman lahat sa akin, yung mga kaibigan niya including Shawn.

Lumapit sa akin si Kaizer, may konting kulay kulay pa nga yung buhok niya eh. Mukhang di pa sila tapos kulayan ng buhok.

"Halika, sama ka samin." Aya niya. Tinignan ko naman si Kelly.

Ayun, sobrang nagti-twinkle nanaman ang mga mata.

"Saan naman?" Tanong ko.

Ngumiti muna siya sa akin bago ako sagutin. "Wala. Mag-iikot lang dito sa mall." Nakangiti niyang sabi.

"Ah.." tinignan ko si Kelly na nakatingin sa akin na parang nagmamakaawa. Psh. If I know crush niya lang itong si Kaizer guy. "Uhm.. sure" nakangiting sabi ko.

Hinila niya na ko papunta sa pwesto nila at pinaupo sa couch.

"Anyway, ipapakilala ko lang sayo ang mga kaibigan ko. Siya si Kr-" naputol ang sasabihin ni Kaizer guy nang biglang magsita yung matangkad na lalake.

"Kris." Pakilala niya.

"Hi, I'm Charles." Pakilala naman nung lalakeng matangkad ang malaki ang tenga.

"Hi noona, I'm Brix." Pakilala naman nung lalakeng mukhang naka eyeliner.

Nginitian niya ako tapos kumaway kaway pa siya sa akin.

"Tim." Pakilala naman nung lalakeng nakasuot ng panda na necklace.

"Yojan here." Nakangiting pakilala nung lalakeng mukhang babae na kumausap sa receptionist kanina.

Napatingin naman ako kay Shawn na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Ahh, Anyway alam kong kilala mo na ko. Ako si Kaizer Lopez, at siya naman si Shawm Eimerson Oh. Half korean half Filipino kaming lahat." Nakangiting sabi niya.

"Omy! Kami rin ni bruh, FilKor din." Sabat naman ni Kelly na akala ko forever twinkling eyes lang ang peg.

Nginitian siya ni Kaizer. Si Kelly naman kinurot kurot yung braso ko. Kinikilig ang bruha kong bestfriend.

"Anyway, matatapos na rin ito. Intayin niyo na lang kami." Sabi pa ni Kaizer guy at umupo na ulit upang ipagpatuloy ang pagkukulay sa buhok niya.

Nagdaan ang kalahating oras at tapos na rin sila sa wakas. Nang matapos silang magbayad ay agad kaming lumabas ng salon. Bitbit pa rin namin ni Kelly yung mga pinamili naming damit.

Nagulat pa nga ako nang biglang kunin ni Kaizer lahat ng dala ko.

Tapos si Kelly bitbit pa rin yung kanya. Pero nakangiti pa rin ng wagas-wagasan ang bruha.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon