C14: Elle's in Trouble

138 4 0
                                    


CHAPTER FOURTEEN

ELLE's:

*SPLASH*

Napadilat ako ng mga mata ko nang buhusan ako ng tubig. Pagdilat ko, medyo madilim. At tanging iisang ilaw lang ang nakikita ko.

Teka, nasaan ba ako? Tumingin ako sa mga taong nasa harap ko. Mga Koreano sila.

Hindi ko sila kilala.

Nagsita sila, pero hindi ko masyadong maintindihan.

Maya maya pa ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

Nakaramdam ako ng matinding takot. Nagtawanan sila.

At lumayo na yung lalake sa akin.

Dinuraan ko siya. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"JOO GOO LAE? UHH?!" Sigaw niya. (You wanna die? Huh?!)

Nagtawanan nanaman sila at binato ako ng mga papel.

"ENOUGH!" Sigaw ng bagong boses.

Anino niya lang ang nakikita ko.

"WHO ARE YOU?" naiiyak na tanong ko.

Seryoso. Naiiyak na ako. Natatakot ako sa mga itsura nila plus may mga baril pa silang hawak. Sinong hindi matatakot diba?

Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Sana may magligtas sa akin. Ayoko pang mamatay, Lord! TT___TT

"KILL HER." Utos ng lalake.

Nanlaki ang mga mata ko at pinilit na kumawala sa pagkakatali sa kamay ko. Nakakadena din ang isang paa ko.

"NO PLEASE! PLEASE. DON'T KILL ME." sigaw ko at humagulgol na ng iyak.

Nagtawanan nanaman sila.

Palapit sila ng palapit sa akin.

"NO! PLEASE DON'T.." itinutok ng isang lalake ang baril niya sa akin.

Napapikit na lang ako. Ito na ba talaga ang katapusan ko?

Narinig ko ang pagkasa niya ng baril kaya mas lalong napariin ang pagpikit ko. Ayoko pang mamatay.

Hinintay ko na tumama ang baril sa akin pero wala pa rin. Napamulat ako ng mga mata ko.

Laking gulat ko nang makita ang 7 aces nakikipaglaban. Si Tim na tatlo ang nakapalibot sa kanya at walang habas niya itong mga pinatumba. Maging ang ibang myembro ng 7 aces.

Si Shawn, nakikipag laban din hanggang sa mapatumba niya lahat ng kalaban niya. Tinignan niya ako.

Napangiti na lang ako, sa wakas. May magliligtas sa akin.

Pinilit kong alisin ang tali sa kamay ko. Pero napatigil ako nang maramdaman ang malamig na bagay na nasa leeg ko.

"LIELLE!" Sigaw ni Shawn

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Napapikit ako at sinubukang magpumiglas pero pinukpok niya ang ulo ko gamit ang malamig na metal na kanina'y nakadikit sa leeg ko.

At nakarinig din ako ng putok ng baril. And everything went black.

---

"Yayaaa!" Umiiyak na sigaw ng batang babae habang nakatali ang kanyang mga kamay sa upuan na kinalalagyan niya.

Nagtawanan lang ang apat na lalake. "Stop shouting kid. No one will come to save your life." Sabi ng isang lalake at nagtawanan nanaman sila.

"Boss, they're here." Sabi ng bagong dating na lalake at hinihingal pa.

Napangisi ang boss nila.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon